Gustung-gusto kong nagpupunta sa mga kasalan. Pero bago magtaas ng kilay ang ilang kakilala, ikaklaro ko lang, di pa rin ako naniniwala sa kasal. Nagpupunta ako sa mga kasalan para masaksihan ang reaction ng ikakasal at ng mga kamag-anak at kaibigan nila sa “till death do us part” portion ng seremonya. Excited ang mga ikinakasal. Maluha-luha ang mga magulang dahil mahihiwalay na sa kanila ang pinakamamahal na anak. Ang iba’y natutunaw sa romantic feel ng wedding vow na ‘yon. Ang iba’y nakangiti, nakatanaw sa magandang hinaharap ng dalawang bida.
First time kong makapunta sa isang kasalan sa huwes, sa Quezon City Hall. Siyempre, curious ako kung ano ang kaibhan nito sa kasalan sa simbahan. Medyo natakot ako no’ng papunta na ako sa korte. May nadaanan kasi akong isang hilera ng mga preso na nakaupo, nakaposas ang mga kamay. Mukha naman silang harmless, pero natakot ako sa thought na baka bigla na lang nila akong daluhungin.
Sa kasalan sa proper.
Judge (May tono ng pagdududa): Sigurado ba kayong gusto ninyong magpakasal?
Ikakasal (Natatawa): Sigurado po.
Judge (Kontrabida mode): May panahon pa para mag-back out. Wala bang sinuhulan sa inyo para magpakasal? Wala bang nanutok ng baril.
Tawanan kaming lahat.
Judge (Ngingiti-ngiti): Tatawa-tawa kayo d’yan, seryoso ‘to.
Talon na tayo sa “till death do us part”. Natawa ang judge sa reaction ng ikinakasal. Sabi niya: “O, bakit bigla kayong nagmukhang seryoso? Kanina lang, ang saya-saya ninyo.” Ang lakas ng tawanan ng mga tao sa korte.
Ako, nakangisi. Bukod sa excited na akong matapos ang ritwal at nang makain na ang bunduk-bundok na handa, naglalaro sa isip ko ‘yong naghihintay na buhay para sa ikakasal. Isang seryosong sentensiya para sa akin ang: “To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness or in health, to love and to cherish 'till death do us part. And hereto I pledge you my faithfulness.”
Nakakapanindig-balahibo. Imagine, habambuhay akong nakakulong sa isang kontrata. Pa’no ‘pag di ko na mahal ang pinakasalan ko? Pa’no ‘pag na-inlove ako sa iba? Di naman puwedeng mag-breach of contract, kundi lagot ako sa batas at sa mapanuring mata ng mga tao sa lipunan. Kung idadaan naman sa legal na proseso, kelangan kong ihanda ang bank account ko (kung meron man).
Di ko na iisa-isahi kung bakit kinikilabutan ako ‘pag naririnig ko ang “till death do us part”. Tingnan niyo na lang ang mga mag-asawa ninyong kapitbahay o kaibigan.

0 comments:
Post a Comment