Maaraw nung nagising ako kanina. Medyo bad trip ako. Ine-expect ko kasing maulan. E, kagabi, ang lakas-lakas ng ulan. Basta. Masaya ako pag tag-ulan. Walang halong drama. Walang emote-emote-an.
Tapos ayun, narinig ko ang patak ng ulan sa mga yerong bubong. Sinabayan pa ng malakas na hangin. Nagsindi ako ng yosi. Wala nang tatalo pa sa kombinasyong yosi-tag-ulan. Ang lakas ng ulan at ng hangin. May bagyo yata. Sabi ko, sana lalo pang lumakas. pero binawi ko rin. Naawa kasi ako sa mga nakatira sa ilalim ng tulay, sa tabing-dagat, at sa mga lugar na madaling bahain.

Pero yun. Ang saya-saya ko.
----------
Originally uploaded by Shai Coggins
Nagluto ako ng chicken sopas. As usual, disaster na naman. Wala yata akong ma-perfect na luto. Ang chicken adobo, nagiging pritong manok na may konting sabaw na di masarap. Ang bicol express, nagiging binagoongan. Ang inaraw, nagiging pinakbet. Yung chicken sopas, parang naging carbonara. Walang sabaw. Sa'n ka pa. At nag-uumapaw ang sahog na manok. Ang labas, manok na sinahugan ng sopas.
At dahil naubos ang gasul, sa rice cooker ko pinakuluan ang manok at iginisa ang mga sahog. Dito ko niluto ang chicken sopas. At dito ko rin ipinirito ang dalawang hita ng manok. Ayos na sana, pero nung nasa kalagitnaan ako ng pagluluto, nag-brown out. Pusang gala talaga! Ganun din nung nagluto ako dati ng adobo sa kalaliman ng gabi. Nasa kalagitnaan nang maubusan ng gasul. Nyemas.

Eto, mini-midnight snack ko ang chicken sopas na parang hindi.
----------
Nung Miyerkules ko pa binili ang "The Fountainhead" ni Ayn Rand, pero kanina ko lang sinimulang basahin. First pages pa lang ako, kasi nga, nag-brown-out. Mukhang magugustuhan ko ang akda. Sa simula pa lang kasi, nakikisimpatya na ako kay Howard Roark. Sana masustain ang interest ko hanggang sa huli. Medyo impatient kasi ako sa mga mahahabang nobela. Lalo na kung microscopic ang font size.
0 comments:
Post a Comment