Friday, May 23, 2008

The Diving Bell and the Butterfly


Katatapos ko lang panoorin ang “The Diving Bell and the Butterfly” ni Julian Schnabel. Inaalikabok na ang DVD copy sa rack nang mabasa ko ang status message ni Tina. Ayun, since wala namang ginagawa, mapanood nga. Ito lang ang masasabi ko: W-O-W! Ganito ang gusto kong pelikula. ‘Yong tipong astig sa presentation ng POV. So far, para sa akin, ito ‘yung pelikulang pinakarakenrol ang paglalahad ng POV. As in literal na kumukurap-kurap at nagbu-blur-blur ang kamera. With matching dialogue na pamatay talaga. ‘Yong bida kasi, na-stroke. Na-coma ng tatlong linggo. No’ng magising siya, naparalyze ang buong katawan niya. Hindi siya makapagsalita. Pero nakakakurap siya, nakakakita at nakakarinig. At logical pa rin siyang mag-isip.


Pangarap niyang makapagsulat ng nobela, pero di nga puwede kasi meron siyang “locked-in syndrome”. Para makapagsulat, nirerecite ng isang transcriber ang alphabet according to frequency of use at kikindat siya sa letra hanggang sa makabuo ng salita. Imagine, it takes minutes to form a sentence. Natapos niya rin ang nobela at namatay 10 days after its publication.


Bukod sa napakainnovative, may kurot sa puso ang pelikula. Ang relasyon niya sa pamilya, sa tatay niya, sa babaeng minahal niya. At kung pa’no siya nag-struggle para mabuhay sa pamamagitan ng imagination at memory. Ang “The Diving Bell and the Butterfly” ay hango sa buhay ni Jean-Dominique Bauby. Ito rin ang English translation ng nobela niyang “Le Scaphandre et le Papillon”. Kelangan ko 'tong basahin.

0 comments: