Sunday, May 25, 2008

Serbis and Indie Crap

"Serbis", originally uploaded by paderewski

Alam naman na siguro ng lahat na kinatay at itinapon ng mga kritiko sa kangkungan ang "Serbis" ni Dante Menoza sa Cannes Film Festival. Sabi ng isang kritiko: "Finally, what would a Cannes Competition be without a head-scratcher? So far that would be Brillante Mendoza's 'Service' from the Philippines. A 90-minute wallow in frighteningly bad sound and camerawork, nonacting, relentless degradation and sex, the film seems to be here for one reason -- to give the festival its annual jolt of graphic oral sex."

Sabi naman sa Variety: “Hell of another kind is served up in Filipino director Brillante Mendoza's "Service," which stands both as the year's seemingly obligatory hardcore-sex art picture and, by general agreement, the entry most wildly out of place in the Competition.”

Maraming Pinoy, at least sa peyups.com, ang nanggagalaiti kung bakit padala tayo nang padala ng mga pelikulang tunfkol sa kahirapan, prostitusyon at violence sa mga international film festivals. Kaya raw di tayo makausad kasi ine-exoticize ng mga pelikula natin ang bansa at ang danas nating mga Pilipino. Bakit daw hindi tayo gumawa ng mga pelikulang ishino-showcase naman ang good and bright side ng bansa.

May point naman sila. Pero, para sa akin, hindi ‘yun ang nakikita kong main problem. Ang hinahanap ko kasi, sinseridad ng mga filmmaker at producer sa paghawak at pagtalakay sa subject matter. So ayos lang sa akin na magpalabas nang magpalabas ng mga pelikula on poverty, sex, homosexuality, and violence. Basta may honesty at may compassion sa subject. Hindi ‘yung tipong “Ay, kelangan kantot nang kantot ang taga-squatter na bida at pagkatapos magpapatayan sila in the end para kumita ang pelikula ko.” Usually kasi, ganun ang mentalidad ng ilang filmmaker. Lumalabas kasi na lalong nae-exploit ang mga exploited.

Tulad ngayon, naglipana ang mga indie gay film sa Pilipinas. Marami, sad to say, mapagpanggap. Ginagamit lang nilang maskara ang label na “indie film” (meaning, art film) para pagtakpan ang ultimate objective nilang makalikom ng tubo. Marami ring filmmaker ang nabubulag sa idea na ang isang magandang art film ay kelangang explosive at may matinding shock value. May iba namang naghahangad ng kasikatan, ‘yung tipong gumagawa ng pelikula para sa mga international film festival.

Sukang-suka ako sa “Ang Lalake sa Parola”, “Ang Lihim ni Antonio”, at “Pantasya”. Tangina, sumasabog ang utak ko sa kaiisip kung bakit may ganitong mga pelikula. Ayos lang sa akin ang mga sex scenes. Pero hindi ako interesado kung paano nag-umpugan ang betlog ng mga bida; gusto kong malaman kung paano hinubog ng sitwasyon ang mga bida para magkantutan/ maglaplapan/ maglamasan/ magtsupaan at ano ang consequences nito sa buhay nila. Disente ang “Masahista”, medyo may pagkapretentious nga lang. Pinakagusto ko ang “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros” dahil sinasagka nito ang mga stereotype ng kabaklaan at kahirapan.

Di ko pa naman napapanood ang “Serbis”, so no comment na lang muna ako kung karapat-dapat ba itong itapon sa imburnal.

7 comments:

What This Fool Believes said...

Tumpak ang iyong obserbasyon. Tutoong maraming pulubi ang Pinas at laganap ang karahasan at kababuyan na sanhi na nga rin ng kahirapan. Pero isang bahagi lang ito ng buong katotohanan. Bagamat napakarami ang nasa mundo ng karukhaan hindi ibig sabihin nito na lahat tayo ay walang magagandang pangarap at pagmamahal sa buhay. Kailangang ma-isalarawan din natin ang ating mga pag-ibig, matayog na mithiin at matamis na pagsuyo sa buhay

Tonton said...

ang sa akin lang, bigyan naman sana ng dignidad ang subheto ng mga pelikula. lumalabas kasing naka-cannibalize ang danas nila bilang mahihirap. oppression din kasi 'to e. lugmok na nga sila sa kahirapan, lalo pa silang ibinababa.

Anonymous said...

Еxcellent way of еxplaіning, and nice articlе to taκe data on
the toρic оf my preѕentatіon toрic,
ωhich і am gοіng to ρresent in uniνeгsity.


Fеel freе to νisіt my web ρаge -
iphone repair penang

Anonymous said...

Foг most uρ-to-dаtе informatiоn you hаνe to visit web and on internet I fοund
thіѕ sitе as а bеst ωeb рage
foг hottest updates.

Ѕtοр by my web blog: iphone repair petaling jaya

Anonymous said...

Thаnks on youг mаrvelous poѕting!
I genuinеly enjoуed reaԁіng it, уou happen to be a great author.
I wіll be ѕure to bookmaгk уοur blоg
and will cοme baсk at some point. I want tο encourage one tο continue your
gгeаt ρosts, hаve a nіce weeκеnd!


Feel free to ѵіsіt mу homepаge - Imac Repair Malaysia Imac Repair Imac Retina Repair Malaysia

Anonymous said...

Тhese are really wonderful іdeas in on the topic
of blogging. Yоu have touched some fastіdious factors herе.
Any waу keep up wrіnting.

Ϻy web-site iphone repair kuala lumpur

Anonymous said...

I'm not sure where you are getting your info, but good topic. I needs to spend some time learning more or understanding more. Thanks for magnificent info I was looking for this info for my mission.

My website :: iphone repair petaling jaya