Medyo sumasablay kasi minsan ang short-term memory ko, so kelangan ko nang isulat 'to. Bago ko pa makalimutan.
May 10 - Naparami ako nang inom sa Gerry's Grill sa Alimall. Di ko kinaya ang kalasingan kaya nagpahatid ako kay Steve pauwi. Nagsuka ako sa loob ng taxi. Kadiri. Pero sabi naman ni Steve, di naman daw nalaman ng driver. Siyempre, ingat na ingat talaga ako no'ng nagsuka ako. Walang tunog. Walang guwaaaarrrk! Wala ring plak! Akala ko nga nalaman, kasi umamoy. Maasim-asim. Parang lugaw lang na pinigaan ng kalamansi. At natawa ako sa dalawang candy sa suka ko.
May 12 - Birthday ni Mama. Muntik ko nang di ma-greet ng hamberdey. Ang daming kinuwento ni Anmare. Mga kamanyakan sa Cebu. hahaha. Ang hot talaga ng friend kong 'to. Nag-pictorials din pala kami nina Anmare at Quens. Superhero ang theme. Pero nagmukha akong serial killer. Laro ng Cardinal Game sa bahay with Steve. Naknampusa, tumba uli ako. Malakas ang kalaban. Apat na SMB grande. Sobra, di naman ako talaga umiinom.
May 13 - Nood ng farewell concert ng UPSA sa Church of the Risen Lord with Anmare, Quens, Cyrho, and Mako. Bago pala 'yan, binilhan ko sila ng lechon manok para sa lunch namin. Bumawi lang. Di na kasi ako nakabalik sa boarding house sa Dagohoy no'ng isang gbai. Di ko rin naisoli ang cell phone kay Anmare. Dinner sa Arcade after ng concert. Nakita namin si Charm at Tina. Sumunod si Brian, may dalang ice cream! Cookies and Cream! Yehey! Videoke sa boarding house gamit ang Xtreme Magic Sing (Exstrem, ekstrem magec seng - Manny Pacquiao).
May 14 - Comatose bored ako sa bahay. Lumabas ako at bumili ng "The Fountainhead" ni Ayn Rand. Basta, ang corny ng dahilan kung bakit binili ko siya. Naintriga kasi ako sa tunggalian ng lovers. Dumiretso ako sa Cubao, sa bahay nina Xandy at Jay. Nano'n na sina Anmare, Quens, at John. No'ng tanghali pa pala sila nando'n. Tawa kami nang tawa sa mga pinanonood na kahayupan sa Animal Planet. Lalo na ang mga matatabang sea lion na talagang ume-effort sa paggapang. Parang si Anmare lang. hahaha.
0 comments:
Post a Comment