Sabi ng dati kong kapitbahay, may nagpapakita raw sa kanyang multo. Duda ako no'ng una. Feeling ko, na-bore lang ang babaeng 'yon dahil maghapon siyang nakakulong sa bahay nila. Baka sa sobrang pagkabagot, kung anu-ano na ang nakikita. Tsaka sabi ng tsismosang landlady ko, may topak daw 'yon (mukhang di naman).
Sa bahay natulog kagabi si Steve. Ilang sandali lang matapos kong patayin ang ilaw, at nang patulog na ako, pa-casual na sinabi ni Steve, "Shit, may dalawang bata." Pasimpleng ginalugad ng mga paa ko ang kumot. Siyempre, ayoko namang ipakitang takot ako. Sabi ko na lang sa kanya, tapang-tapangan mode, "A, oo. Meron talagang nagpapakita dito. Nakita na nga ng kapitbahay ko."
Di nagsalita si Steve. Tumahimik na rin ako. Kahit nakapikit na, nai-imagine ko ang dalawang batang sinasabi ng kaibigan ko.
Ako: May nakita ka ba talaga? Baka joke mo lang 'yon, ha.
Steve: Matulog ka na.
Ako: May third eye ka pala, di mo sinasabi sa akin. Sa'n mo sila nakita?
Steve: 'Wag na, baka lalo kang matakot.
Ako: Di 'yan. Ako pa.
Steve: Bukas na lang.
Ako: Nakakainis ka. Sana di mo na lang sinabi.
Steve: Sorry.
Ako: Shit, naiihi ako. Samahan mo naman akong buksan 'yong ilaw.
Tinulugan ako ng kaibigan. Kesa naman mabasa ng ihi ang higaan namin, bumangon ako para jumingle. Binuksan ko ang ilaw. nakiramdam ako. Sa'n kaya nakita ni Steve 'yong dalawang bata? Nakabigti sa kisame? Nakahiga sa sofa? Nakatayo sa ibabaw ng mesa? Nakaupo sa lababo? Nakaluhod sa paanan ng kama? Ay, ayokong isipin.
Kinulit ko nang kinulit si Steve kinaumagahan. Di kaya ako nakatulog nang maayos.
Ako: Sa'n mo nakita 'yong dalawang bata? Anong suot nila?
Steve: Actually, di ko nakita kung ano'ng suot nila. I only saw their heads.
Ako: A, floating heads?
Steve: I didn't say wala silang katawan.
Ako: Nakasilip sila? Saan?
Steve: Sa bintana.
Ako: Shit, ang taas kaya ng bintana. Nakalutang sila? Babae o lalaki? Ano'ng hitsura nila? Hostile ba? Mukhang harmless?
Steve: Babae. Parang inaagnas na ang mukha nila. Nakasimangot. I'm not sure kung apparition o ghosts sila.
Ako: Regular tambay ba sila dito?
Steve: Parang.
Ako: Shit. Sana talaga di mo na lang sinabi.
Steve: Gusto mo, i-open natin ang third eye mo?
9:30 na nang gabi. Habang sinusulat ko 'to, di ko alam kung nakatingin sa akin ang dalawang bata. Baka nasa likod ko lang. O nasa tabi. O nakakandong. A, bahala na mamaya. Magtatalukbong na lang ako ng kumot kahit mainit.

0 comments:
Post a Comment