wopLate na 'to, pero makiki-yehey lang ako sa pagkapanalo ng manok kong si Ana Ivanovic sa 2008 French Open. Buti na lang at nag-retire na si Justine Henin (na may napaka-unconventional na mukha). Haha! At mabuti na lang at na-eliminate sa quarters si Maria Sharapova. If ever, Shriekapova vs. Squeekavic ang labanan. Asahan na magdurugo ang tenga ng mga manonood. At number 1 na si Ana sa ranking! Yey!
Pero mas masaya sana ako kung si Jelena Jankovic ang nakapasok sa finals at nanalo eventually. Bawi na lang sa Wimledon. Since wala na si Henin at mukhang palubog na ang Williams sisters, puwede niyang ipanalo ang tournament. Sana lang umayos na ang injury niya.
Sa men's tennis, wala akong masyadong pakialam sa Rafa-Fedex finals. Di ko nga pinanood, e. Si Novak Djokovic kasi ang gusto kong makapasok sa finals.
Wohoo! I'm loving the Serbs!
0 comments:
Post a Comment