Monday, December 29, 2008
Eto'ng Nakapanggagalaiti/ Nakakainis/ Nakapanghihinayang
Posted by Tonton at 10:37 AM 6 comments
Labels: rant
Tuesday, December 23, 2008
My Wish List
Shet, Christmas na pala bukas. Di ko man lang namalayan. Ayos na rin 'yon. At least wala na akong time para magpaka-Scrooge. At least wala na akong makakabangga sa pagiging nega ko. At least matatapos na rin ang season ng nakaririnding “Merry Christmas Happy new Year” batian, puwersahang pag-attend sa mga company Christma party, pagbigay ng Christmas basket aka relief goods, plastikan sa mga reunion, traffic, at walang habas na pag-shopping ng mga taong wala namang pambili pero sige pa rin sa pagbili dahil sa dikta ng consumerism.
At sa wakas, matatapos na rin ang panahon ng paggawa ng mga kalokohang wish list. Kalokohan para sa mga walang pambili. Kalokohan para sa mga taong kunwari aksidenteng naipabasa sa mga kaibigan/kamag-anak/jowa/kajugjugan ang listahan. Kalokohan para sa mga nagpapauto at tumutupad sa mga wish ng gumawa ng litahan.
Since may wish list na halos lahat ng kakikalala ko, sige, makikiuso na rin ako. Try ko lang. Di naman siguro ako mamamatay.
1. Sleeping quarters sa office. My gahd, it's about time. Night shift ako at di naman required sa work ko ang real time interaction sa clients. Sabi sa isang study, mas nagiging productive daw ang isang employee kung nakakanakaw ng isang oras na tulog during work hours. Mas mataas daw ang risk for stress and depression and heart problems kung walang tulog. No wonder mukha na akong zombie.
2. Maraming-maraming pintura. Ayos lang kahit 'yong di mamahalin. Kelangang-kelangan ko lang kasi. Pipinturahan ko lang ang mukha ni Bayani Fernando sa mga poster sa EDSA. 'Yong sobra, ibubuhos ko sa mga pulitikong umeepal sa pagbati ng “Happy Holidays” sa mga tarp.
3. Metal spikes. Perfect para sa mga taxi driver na may kakupalan sa pagtanggi sa mga pasahero. Perfect din para sa mga FX na may rutang MRT-Novaliches na hindi pa rin nagbababa ng singil sa pasahe.
4. Packaging tape. Kelangan ko nang marami. Ipantatakip ko lang sa bunganga ng landlady ko, ng isang kakilalang wala nang ginawa kundi magkuwento nang magkuwento nang magkuwento nang magkuwento kung pano siya tinitira ng jowang may jowang iba, at ng tindero ng lutong-ulam sa Tandang Sora na madalas akong daldalin tungkol sa mga exploits niya sa mga babae.
5. Samurai. Matagal ko na kasing gustong mamugot ng ulo. Maraming nakapila sa listahan ko ng “Decapitation Galore”. Isa na 'yong bitchesa dito sa office na nagpa-pop-out ang mata na di naman kagandahan.
Ito lang ang mga naiisip ko sa ngayon. Kung meron kayo nito, ibigay ninyo na sa akin. Now na.
Posted by Tonton at 11:48 AM 2 comments
Labels: wich list
Monday, December 15, 2008
Pamatay na Quotable Quotes ng mga UP Prof
I love UP profs. May character talaga. Ang sakit sa ulo. Haha. Got the following UP professors' quotable quotes here:
"The aim of policy making is to invoke action! Because action speaks louder than words! You do not just say I love you. You say: If you love me, enter me! " - Dr. Alfonso Pacquing
You may wear anything you want to wear. People are not supposed to be judged by the clothes they wear. Thus, wearing the latest fashion or one that belongs to the fashion archive does not really make a difference. Just make sure that you have the right to wear it. Spare the class of the agony of having to look at your clothes, no matter how good or sexy you think you are in that outfit, if reality tells otherwise. - Sir Quilop, Polsci
Valentines day: Ano ba yan? Students ba kayo ng UP? Bakit ang bababa ng scores niyo? Siguro wala kayong date ngayong valentines kaya ganito kayo. Losers!!! When I was your age I had a date. Hindi ba naapektuhan ng UP FAIR euphoria ang grades niyo? Parang di kayo masaya. (sabay tapon ng quizzes sa sahig). I won't record this. Go find a date. (sabay walk out.) - Sir Doliente, BA.
"I don't give surprise long exams. all exams are announced. Halimbawa, Class, mageexam tayo, NGAYON NA!" - Ma'am Chei
"Oo, nagpapaulan ako ng uno... baket? Aanhin ko ba nun? Di naman ako yayaman dun." - Atoy Navarro, Hist I
"Don't take the BAR and yourselves too seriously. Baka mabalitaan nalang namin na nag-o-oral summation kayo sa Luneta. O lumulutang-lutang sa Pasig River. Enjoy yourselves, relax, and read at least 15 hours a day. Nakakabobo ang sobrang tulog. Mag-relax ka habang nagbabasa. Magrelax habang nagmi-memorize."
"Baka naman kasi mababa ang IQ mo kaya di mo maintindihan." - Jun Cruz Reyes, Malikhaing Pagsulat
''Alam ko ang psychology ng aso.” - Jun Cruz Reyes, Malikhaing Pagsulat
Student: Ma'am, pwede po bang next week na kami mag report?
Prof: Alam mo, God is good. And I am God. So yes, pwede next week.
"Hoy girls, wag kayong kukuha ng boyfriend dito sa UP. Pare-parehas tayong mahirap dito. Kumuha kayo ng mayaman. 80% of the child's intelligence comes from the Mother naman eh. Kayo guys, wag kayo kukuha ng bobong babae. Kahit matalino kayo, magiging bobo
anak niyo."
"Class, kaya mahal ang bayad sa mga professors sa ibang school kasi ang bobobo ng mga estudyante dun. Dyuskoh, I used to teach there, at lumuluha talaga ako ng dugo bago maintindihan ng mga students yung sinasabi ko. Ang mahal nga ng bayad, magkakasakit ka naman sa panga kakaulit ng lessons! Wag na lang! Dito na ko sa UP, at least nagkakaintindihan tayo. Di ba?"
“Putang ina. Mas magaling pa akong magsulat nung nasa kinder ako kesa sa inyo.” (Sabay balibag ng mga libro at walk-out) – Art Studies prof
2nd to the last meeting: “Okay class, next week, we start the lecture proper.” - Ma'am Vitriolo
"Hindi mahirap makakuha ng UNO sa class ko. Yung gumradweyt last year na Magna Cum Laude ng Biochem, uno siya sakin sa Chem 18" - Ma'am Ilao
"I'll strangle you, strangle you really hard, smack right in your jugular (Pause ng mga 5 seconds). You do know where your jugular is?"
“Ano bang natapos mo? Italian 8? Punyetissima!" - Sir Tiamson, Italian 11
“Marx is more Christian than Christ and Christ is more Marxist than Marx.” - Sir Lanuza.
Student: Sir, sa exams po ba nagbibigay kayo ng partial points?
Prof: Hmm, if I see partial wisdom.
Prof: Did I remind the class last meeting that we're going to have an exam today?
Class: (dead air)
Prof: Ok, it seems I forgot to remind the class that we're going to have an exam today. I'm giving you five minutes then to buy a bluebook. We're going to have an exam today.
“The one who wrote this story, yes, Nick Joaquin, I seduced him before... when this (points at her breasts) thing were more beautiful than it appears now. Well, hindi natuloy. Is Nick Joaquin gay?” - Humanities prof
“I'm attending a mass in time for the holy gospel, and leave the church as soon as i finish the holy communion. grand entrance and early exit are important, why, I'm a star!" - lady prof
Posted by Tonton at 1:30 PM 4 comments
Labels: UP professors
Tuesday, December 9, 2008
Otis
Otis ang tawag sa akin ng ilang kaibigan. Autistic. Mahilig kasi akong tumunganga. Gumagawa ng sariling mundo. Hindi naman ‘yong tipong tunganga ng isang taong tanga - ‘yong tipong nanlalaki ang mga mata at nilalangaw ang bungangang nakanganga. Hindi gano’n. Ako ‘yong tipong bigla na lang tatahimik sa gitna ng paglalaro at mauupo sa isang sulok. Maraming kaibigan nga ang naiinis sa akin. Gano’n talaga, ‘pag tinopak ako, walang warning, nawawalan ako ng interest na makipag-usap. Sa pagtunganga ko, mukhang blangko ang mukha ko. Pero ang totoo n’yan, ang likot-likot ng isip ko. Lumilipad kung saan-saan.
Posted by Tonton at 2:35 AM 8 comments
Labels: daydreaming
Monday, December 8, 2008
Wawa Pala, Ha
Posted by Tonton at 12:49 AM 8 comments
Labels: carabao dung, childhood memories, revenge
Wednesday, November 26, 2008
My Wonderful Magnificent Sensational Marvelous and Super Beloved Landlady
Posted by Tonton at 3:31 PM 6 comments
Monday, November 24, 2008
Si Potpot. My Alter Ego.
Posted by Tonton at 12:32 AM 2 comments
Sunday, November 9, 2008
Loob
Isang magkasintahan ang nagkatampuhan at ilang araw nang di nag-uusap. Nang muling magharap, ito ang nasabi ng babae sa lalaki: “Masamang-masama ang loob ko sa iyo. Ikaw na nga ang may kasalanan, ni hindi ka man lang nagkusang-loob na lapitan ako’t ipaliwanag ang kalokohan mo. Utang na loob, magpakatino ka naman kahit minsan.” Kapansin-pansin sa tinurang ito ng babae ang paggamit sa salitang loob nang tatlong beses: masama ang loob, kusang-loob, at utang na loob.
Ang salitang Tagalog na loob ay isang mahalagang konsepto sa pag-unawa sa pagkataong pilipino. May ilang gamit at dimensiyon ang loob ng Pilipino. Unang-una na ang ugnayan ng loob at katawan: ang sama ng loob ay katambal ng init ng dugo; ang laki ng loob o mabuting loob ay katumbas ng laki ng puso; sinasabing ang dalawang tao ay magkaututang dila kung sila ay nakakapagpalagayan ng loob; ang kabuhusan ng loob ay ipinahahayag ng kadikit ng bituka; at sinasabing ang isang lalaki, o babae man, ay may bayag kung siya ay may lakas ng loob o tibay ng loob. Kung gayon, ang mga lamang loob o ilang bahagi ng katawan ang karaniwang nagpapahayag ng loob.
Ang loob ay may intelektuwal na dimensiyon din. Halimbawa, sasabihin ng guro sa mga mag-aaral na isaloob nila ang lahat ng natutunan nila sa klase. Ibig sabihin, tandaan at ipasok sa utak, sa kukote, at puso ang lahat ng mga napag-aralan; hindi iyong papasok sa isang tenga at diretso labas sa kabilang tenga.
Sa emosyonal na dimensiyon, nariyan ang pagbabagong-loob. Halimbawa: “Bagong taon na, magbagong-loob ka na.” Ang pagbabagong loob na ito ay maaring negatibo (pagiging masungit, malungkutin, mainipin) o positibo (pagiging mabait, masayahin, optimistiko). Isa pang halimbawa: “Sobrang nabagabag ang loob ko sa pinanood ko kanina. Masyadong nakakadistorbo,” Ang pahayag na ito ay tumutukoy sa halu-halong emosyong nadama ng nagsalita (pagkagitla, pag-aalala, pangamba). Ilan pang halimbawa ang mga sumusunod: matigas ang loob, matibay ang loob, masakit ang loob, mababa ang loob, buo ang loob, nabuhayan ng loob, napanghinaang loob, pukawin ang loob, at nasa loob.
Mayroon ding etikal na gamit ang loob. Ang magandang loob ay tumutukoy sa kadalisayan at kabutihan ng puso ng isang tao. Kabaligtaran nito ang walang loob, o iyong walang puso. Sa mga konsepto naman ng utang na loob at ganting loob, lumulutang ang ekspektasyon ng isang taong maibalik sa kanya, sa anumang paraan o anyo, ang ibinigay niya sa kapwa. Ang taong may mababang loob ay taong mapagpakumbaba. Halimbawa rin ng etikal na pagpapahayag ng loob ang mga sumusunod: pagbabalik-loob, nagkakaloob, sa tanang loob, gawang-loob, bigay-loob, kaloob, at tanging loob.
Mapapansin sa mga halimbawang nabanggit na ang paggamit ng salitang Tagalog na loob at ang pagpapahayag nito ay holistiko. Ibig sabihin, ang loob ay tumutukoy sa malawak na katotohanan ng tao at sa umiiral niyang interaksiyon sa sarili at pakikipag-kapwa-tao.
Posted by Tonton at 4:28 AM 0 comments
Labels: loob
Wednesday, November 5, 2008
Madugo ang Maging Bata
Posted by Tonton at 6:31 PM 0 comments
Tuesday, October 21, 2008
Reality TV
Next na gusto kong team ang mag-inang Toni at ang kotrobersiyal/maiskandalong si Dallas. Mukhang makakabanggaan nila sina ang kontrabida-in-the-making na sina Kelly at Christy. At sana 'wag munang maalis ang full-blown kontrabidang tandem nina Nick at Starr, para makasalpukan nila ang dalawang kontrabida-in-the-making. At natawa rin pala ako sa tatay ni Phil nung niyakap niya sina Marissa at Brooke.
Wala na yatang tatalo pa kay Kenley sa pagiging numero unong nega. Nagmukhang maamo si Wendy Pepper sa kanya. Pati si Tim Gunn, Heidi Klum, Nina Garcia, at Michael Kors, di nakaligtas sa mga patutsada niya. No wonder, wala siyang kaamor-amor kina Korto at Leanne. So tapos na nga ang 5th Season, at third place lang siya. Sayang. 'Yong collection niya ang pinakagusto ko sa tatlo pero mukha raw kasing ginaya kay Alexander McQueen ang designs niya. Well, di naman ako familiar sa fashion so wala akong alam. Basta ang alam ko, ang boring at napaka monotonous ng kay Leanne. 'Yong kay Korto naman, parang walang bago. Masa masaya sana kung si Kenley ang nanalo. Hahaha!
So, kasama sa Final 3 sina Phillip, Veejay, at Aries. Di na ako masyadong nakakapanood nito, so di ko alam kung tapos na ang finale. Sana si Phillip ang manalo. May mga pangalan na kasi sa industry sina Aries at Veejay, e. At mabuti naman at di nakapasok sa top 3 ang fellow UP student kong si Mara. Ang basura lang ng mga tdesign niya.
Posted by Tonton at 2:13 PM 2 comments
Labels: project runway philippines, project runway. amazing race 13, survivor gabon
Thursday, October 16, 2008
THES-QC and UP Ranking Brouhaha
Sa UP, nagsialisan na ang maraming guro at pinili na lang magturo sa DLSU, ADMU, UA&P, o sa mga unibersidad sa labas ng bansa. Kumusta naman 'yong pang-pandesal lang ang kinikita ng mga guro sa UP kumpara sa pang-Auntie Anne's almond-flavored pretzel ang kita sa ibang Unibersidad? Problema din ang kakulangan ng reseach output mula sa kaguruan. Pa'no kasi, walang pondo. Ang matrikula, mula P300 per unit sa undergrad, naging P1000 na. Sa graduate studies, mula P500 per unit, ngayon P1500. Sa'n ka pa. Kaya naman sobrang disadvantaged ang mga mag-aaral na nasa mababang income bracket. Meron ngang STFAP, andami namang butas.
Ayun. Kaya di ako magtataka kung bumaba man ang ranking ng UP sa mga university ranking sa mundo.
Pero ang di ko mapalampas ay 'yong institusyong napaka-iresponsable sa pangangalap ng datos para i-rank ang mga unibersidad sa mundo. Ayos lang ang ranking, dahil kahit paano, nakikita natin kung paano makipag-compete ang mga unibersidad sa Pilipinas sa iba pang mga unibersidad sa ibang bansa. Pero kung napaka-problematiko ng metodong ginamit, na hindi ipinaliliwanag, ay ibang usapan na 'yan.
---------------------------------------------
“UP can hardly be expected to spend more than 2 million pesos on publicity for itself involving a survey conducted by an organization that refuses to divulge where it obtains its data,” Hidalgo said.
In 2007, UP was invited to participate in the survey, but when THES-QS refused to explain where it obtained the data used to determine UP’s rank in the 2006 survey (where UP was ranked No. 299), university officials decided not to accept the invitation to participate in the 2007 survey. Moreover, the university was given barely a week to respond to the questionnaire.
UP wrote THES-QS in July 2007, informing them of this decision, and again in September 2007, requesting the organization to respect UP’s decision. In response, research assistant Saad Shabir wrote back saying that if it did not receive the information it would be “forced to use last year’s data or some form of average.”
These rankings are supposedly meant to serve as “the definitive guide to universities around the world which truly excel.” In evaluating institutions it computes half of the index based on its reputation as perceived by academics (peer review 40%) and global employers (recruiter review 10%). Since it does not specify who are surveyed or what questions are asked, the methodology is problematic.
An earlier statement, released by UP in August this year, and carried by several national dailies, said: “Even peers require standardized input data to review. But according to the International Ranking Systems for Universities and Institutions: A Critical Appraisal, published by BioMed Central, the Times simply asks 190,000 ‘experts’ to list what they regard as the top 30 universities in their field of expertise without providing input data on any performance indicators (http://www.biomedcentral.com/1741-7015/5/30). Moreover, the survey response rate among selected experts was found to be below 1%. In other words, on the basis of possible selection biases alone, the validity of the measurement is shaky.”
According to the statement, the other half of the index is based on such indicators as student-to faculty ratio, the number of foreign faculty and students in the university, and the number of academic works by university researchers that have been cited internationally. “Data for these indicators, however, typically depend on the information that participating institutions submit. An institution’s index may be easily distorted if it fails to submit data for the pertinent indicators, or if it chooses not to participate.”
As Dr. Leticia Peñano-Ho said in an article carried by the UP Forum last year: “The crux of the matter is to identify the indices that can approximate the different landscapes of universities. There might be a need to relate these indicators to the unversities’ mission statements. UP’s constituents can identify their own indicators and decide on their desirability, relevance and reliability. These criteria should, as an added value, provide international comparisons.”
- http://www.up.edu.ph/features.php?i=93
Posted by Tonton at 7:03 PM 3 comments
Labels: THES-QC, university ranking, UP
Wednesday, October 15, 2008
Parasitiko
Si Meegz, 'yong bagong salta sa opisina, lagi kong hinuhuthutan ng yosi. Nakakahiya, pero lagi akong nagpapalibre kay Mako (hello, credit card?). Pinakahuling pinakain niya ang isang pizzang sinlaki ng takip ng drum. Ilang mga kaibigan na rin ang pinakiusapan kong bigyan ako ng cell phone load. At mauubos ko na ang anti-dandruff shampoo na iniwan ng kaibigang laging nakikitulog sa bahay. 'Yong kakarampot na suweldo ni Kuya mula sa pagtuturo, na laging delayed, binabawasan ko rin. Nakikihati rin ako sa mga padala ni Mama, na para sana sa gamot at check up ni Papa.
Pero. Pero, pero.
Ang sabi sa Wikipedia, "The parasite benefits from a prolonged, close association with the host, which is harmed." E, hindi lang naman ako ng nagbe-benefit, pati rin sila.
Kapalit ng isa o dalawang stick ng Marlboro Lights ang isang yosi session na pantanggal ng banas sa makatuyot-utak na opisina. Kapalit ng panlilibre ni Mako ang tengang bugbog sa mga hinaing sa love life, sa trabaho, at sa pamilya. Kapalit ng cell phone load ang pagiging clown 'pag nakikipagkuwentuhan. Kapalit ng ant-dandruff shampoo ang magdamagang alam-niyo-na. Kapalit ng perang ibinibigay nina Kuya at Mama ang pride at karangalan at katalinuhang dala ko sa pamilya (Hahaha! Nagyeyelo na sa tuktok na ng Mt. Everest ang upuan ko).
So 'yon. Mutalism pala at di parasitism.
Pero may kilala akong akong dambuhalang parasitiko di mapuksa-puksa. Siya ang dahilan kung bakit nasa Ortigas ako ngayon at nagpapagago sa mga kliyenteng Amerikano. Siya ang dahilan kung bakit kelangan ko pang manghingi ng yosi at load. Kung bakit umaasa ako sa mga pagkaing dala ni Mako. Kung bakit binabalakubak ako ngayon. Kung bakit "Kuya, padala naman ng pera jan, o." ang drama ko ngayon.
Isang matinding gamutan at operasyon ang kelangan para malusaw ang parasitikong 'to.
Posted by Tonton at 2:00 PM 0 comments
Labels: mutualism, parasatism
Monday, October 6, 2008
Mga Takas sa Mental
Posted by Tonton at 7:46 PM 6 comments
Labels: baliw friends, fun
Saturday, October 4, 2008
Hep, Hep, Horey!
Hep-hep-horey Day ko kahapon. Nawp. Di ako sumali sa putanginang pakulo ng Wowowee. Juskolord, ako, papatol sa gano'ng ka-cheapan? (Pero sige, aamin ako, nag-eenjoy akong panoorin kung pa'nong magmukhang eng-eng ang mga tao sa circus na 'yon).
Going back, Hep-hep-horey Day ko nga kahapon. Pa'no kasi, andaming magagandang nagyari sa akin. Una, naikabit na uli ang pukenenang SmartBro ko. Imagine (Eugene Domingo Bear Brand mode), bilyong beses kong finalow-up 'yon. Hayup sila, kung makasingil, daig pa ang mga Bumbay. A, hindi pala. Ang mga Bumbay kasi medyo di harsh sa paniningil. Daig pa ng Smart ang mga Manang 5-6. 'Yon. Anyway, ayoko nang isipin 'yan. Hep-hep-horey Day ko pa naman kahapon. Dapat good vibes lang. So 'yon, maaadik na naman ako sa kangkangan sa Internet nito.
Napa-tumbling pass din ako mula Batanes hanggang Borneo nang magpadala si Kuya ng pera. Shet talaga. As in shet na shet. Buti na lang. Kasi mukha na talaga akong instant noodle. Isang linggo ba namang puro Maggi Pancit Canton ang laman ng sistema ko, e. Hinahaluan ko rin naman ng konting gulay para mas healthy ng konti. Ayun, nakabili na rin ako sa wakas ng shampoo. Humanda kayong mga hindot na balakubak kayo. At siyempre, nakabili na rin ako ng Safeguard Blue, di na ako magtitiyaga sa Champion bareta.
Napaluhod talaga ako at napatingala sa langit, with matching dipa ng kamay (spotlight, please) dahil may dumating na raket. Aleluyasisbumbay! May dagdag kaperahan na rin ako, sa wakas. Hmmmm...mag-mall kaya ako? Tapos bibili ako ng bagong pantalon ('yong dalawang pants ko, ngumingiti na sa singit part), damit na Oxygen, at Olay Total Effects? Baka mag-treasure hunting na lang ako sa Arlegui sa Quiapo.
A, 'wag na lang pala muna. Kelangan ko omunang bayaran 'yong P5000 na student loan ko, P4500 na renta sa bahay, P3600 na utang ko sa 5-6, P2000 na utang ko kay Bebang, P1600 na utang ko kay Anne, P1000 kay Rita, P500 kay Hanzel, P500 kay Viring, P500 kay Kweni Varga, P300 kay Xiao Yeoh. Plus bill sa kuryente at cable, etc. etc. Shet!
Hummmmm...Positive energy... Hummmmm...Kaya ko 'to... Hummmmm... Hep-hep-horey Day ko kahapon... Hummmmm...
Posted by Tonton at 2:49 PM 0 comments
Labels: gutom, reconnection, utang
Thursday, September 25, 2008
Isang Gabi sa Quezon Avenue
Sa wakas, uwian na. Para akong bombang malapit nang sumabog paglabas ko sa opisina. Namamanhid ang magkabilang pisngi ko at sige sa pagpintig ang sentido ko. Nanginginig ang labi ko at pakiramdam ko’y may naglalarong kuryente sa anit ko. Pinahid ko ang mamasa-masang mata dahil sa maghapong pakikipagbuno sa electromagnetic field na mula sa monitor ng computer.
Isang malalim na buntung-hininga. Isinuot ko ang berdeng baseball cap at tumakbo palayo sa opisina.
Bumuti-buti ang pakiramdam ko habang humihithit ng Marlboro Lights at sinisipa-sipa ang isang maliit na bato sa Roxas District papuntang Quezon Avenue. No’ng una’y masaya akong nakikipaglaro rito. Pero napangiwi ako nang makita ko sa bato ang mukha ng taong matagal ko nang isinusuka. Itinigil ko ang pagsipa. Pinulot ko ang bato at itinapon sa kanal. Nagsindi pa ako ng isa pang yosi.
Sa di kalayuan ay ang isang grupo ng mga asong nag-uulol na sa libog. Nag-uunahan ang mga lalaking makapatong sa babaeng walang konsepto ng quality control. Ang dudugyot at galisin pa ang mga lalaki. May ilang mga tuta ring nang-iistorbo sa ginagawa ng mga matatanda. Tumigil ako sa paglalakad. Takot akong makagat uli ng aso.
Dumudugdug-dugdug man ang puso ko, itinuloy ko ang paglakad palapit sa mga aso. Umangil ang ilan nang nasa tapat na nila ako. Binagalan ko ang paglakad. Halos mawalan ako ng hininga. Kinagat ko ang dila ko at bumulong ng: “Saint Roque, your dog.” Ito ang payo sa akin ng lola ko, para raw di habulin at kagatin ng aso.
Nanlambot ang mga tuhod ko nang makalampas sa mga aso. Sinundan ako ng mga tuta at kinahulan. “Diyos ko po,” bulong ko sa sarili, “patahimikin po Ninyo ang mga lintik na tutang ‘to.” Hindi dininig ng Diyos ang panalangin ko. Kinailangan ko pang maghagis ng Skyflakes para lang tantanan na ako ng mga tuta. Langya, parang mga kongresistang naambunan ng pork barrel.
Madilim na nang marating ko ang Quezon Avenue. Sa tapat ng Pegasus ako nag-abang ng masasakyang jeep papuntang Unibersidad ng Pilipinas. Sa isang paupahan kasi sa likod ng isang dormitoryo roon ako tumutuloy.
Nagsindi ng ilaw ang Pegasus, ang paraiso ng mga matatandang lalaking isinusuka na ang puki’t suso ng kanilang mga asawa, mga politikong naghahanap ng maibabahay, mga lalaking nuknukan ng pangit, mga kagagaling sa trabaho na gustong mag-hapi-hapi, mga kabataang di makontrol ang pagwawala ng kanilang testosterone, at mga manager na nang-i-scout ng pasisikating starlet.
Ibinabandera sa billboard ng KTV bar ang mga babaeng mukhang sinabuyan ng balde-baldeng tubig. “Raging Wet”, ang sabi sa billboard. Napako rito ang tingin ng mamang malapit sa akin. Namumungay na mga mata – di ko alam kung inaantok lang lang o nakainom. Naging bato siya matapos makipagtitigan sa mga babae ng Pegasus. Putik, tinamaan din yata ako ng alindog ng mga babaeng naka-display.
Inilabas ko ang kaha ng Marlboro Lights mula sa bulsa ng sling bag ko. Naku naman, saka pa ako naubusan ng yosi. Tiyempo namang may dumaan na isang takatak boy. Takatak takatak takatak. Naglalaway akong naghanap ng yosi. Ubos na raw ang Marlboro Lights. “Sige, ‘yong pula na lang,” sabi ko kahit di naman talaga ako nagyoyosi ng pula. Sinindihan ko ang yosi at halos mangalahati ito sa isang hithitan.
Nagsimula nang magdatingan ang mga bida sa KTV bar. Abot-tenga ang ngiti ng mga guwardiya at bouncer habang sinasalubong ang mga babaeng maya-maya lang ay rarampa na sa entablado nang nakahubad. Todo make-up ang mga ito. Paiklian ng palda. Pahapitan ng pang-itaas. Pagandahan. Parang mga sasali sa Miss Baranggay. Para akong napapalibutan ng iba’t ibang prutas: may amoy mansanas, may amoy strawberry, may amoy cherry, may amoy guyabano. Pero meron din namang amoy luya. Ang mamang naging bato, amoy chico. Ngayon, alam ko na. Ke aga namang naglasing nito.
Magkakalahating oras na akong nakatayo sa tapat ng Pegasus. Namimintig na ang mga daliri ko sa paa. Kumukururog na ang tiyan ko. Di pa kasi ako nanananghalian. Kung nakabubusog lang sana ang pagkain ng usok at alikabok, idagdag pa ang ilang galong laway na nalunok ko na, sigurado akong bundat na ako. Tulad ng mamang traffic enforcer sa di kalayuan na di magkanda-ugaga sa pagtitiket sa mga motorista.
Kating-kati na ang mga paa kong makauwi. Konti na lang kasi at sasabog na ang ulo ko dahil sa matinding pressure sa opisina, sa isang small-time na kompanya pero big-time kung kumabig ng kita. Maraming salamat sa mga kliyenteng foreigner na tinatamad o wala lang talagang panahon sa pagsusulat ng kanilang mga term paper. Walang binatbat ang paghihintay ni juan Tamad na mahulog ang bayabas sa kanyang bibig.
Online researcher-slash-writer. ‘Yan ang trabaho ko. Ito ‘yong tipong pinasusulat ako nang kung anu-ano tungkol sa business management, marketing, sports, media studies, social sciences, at arts. Di lang ‘yan, ibinabato rin sa akin ang ilang paksa tungkol sa pedagogy, trligion, logistics, information technology, total quality management, at finance. Eto’ng pamatay: Kung kakayanin, gumagawa rin ako ng statistical analysis at sumasagot ng mga problem set sa math, physics, at chemistry. Sisiw, Art Studies lang naman ang tinapos ko sa kolehiyo.
Cut. Paste. Rephrase. Cite. Mag-yosi kasama si Manong Guard. Cut. Paste. Rephrease. Cite. Lumaklak ng kapeng 3-in-1. Cut. Paste. Rephrase. Cite. Ipahinga ang nagdurugong utak at ang namamagang mga daliri. Cut. Paste. Rephrase. Cite. Mag-surf nang porno sa Internet. Ito ang routine ko sa buong maghapon. Nakakabobo.
Pumikit ako nang mariin at napabuntung-hininga. Iniisip na, kinabukasan, balik alipin na naman ako sa opisina. Makita ko na naman ang pagmumukha ng boss kong lukot ang mukha tuwing araw ng sahod. Ang boss kong mas mataray pa kay Celia Rodriguez. Ang boss kong walang alam sa employee motivation. Ang boss kong tax evader. Ang boss kong nagpasarap no’ng isang linggo sa States na nakipagsigawan para sa manok niyang si Svetlana Kuznetsova sa US Open Tennis Championship. Kaya nga gigil na gigil akong itinapon sa kanal ang bato kanina.
Sutsot ng puso kong malapit nang bumigay: “Hoy, kung ayaw mo sa ginagawa mo, ‘wag ka nang babalik sa opisina.” Hirit naman ng pagod ko nang utak: “Ang renta sa bahay, pambayad sa tubig, kuryente, cable, telepono, labada. Ang pambili ng pagkain, libro, yosi, damit na pamporma.”
Tama, konting tiis muna.
Anak ng pating! Ang engot ko. Kaya naman pala wala akong masakyan, sa maling lugar ako pumuwesto. Sa Jollibee sa kanto ng Roces ang sakayan ng jeep papuntang UP. Dalawang kanto ang layo sa Pegasus. Kinabahan ako. Nitong huli kasi, lagi akong nawawala sa sarili. Para akong matandang may sakit na Alzheimer. Nagsisimula na yatang bumigay ang utak ko dahil sa stress. Baka dahil sa sobrang gutom kaya di ko namalayan na nasa maling lugar pala ako. O, baka kinukulang lang talaga ako sa sex.
Sinimulan ko ang paglalakad papuntang Roces. Nakakailang hakbang pa lang ako palayo sa Pegasus, malapit sa billboard ng “Jesus Loves Us”, nang may mamang kumalabit sa akin. Lumingon ako. Ang payat niya, simpayat ni Palito. Parang ‘yong kalansay na naka-display sa science room namin no’ng high school. Tinanong ako kung may nakita akong lalaking nakaberdeng baseball cap.
“Ako,” sabay turo sa suot kong sumbrero. Grabe naman ‘tong mamang ‘to, kalansay na nga, color blind pa.
Hinahabol daw nila ang lalaking nakaberdeng sumbrero dahil nang-snatch ng cell phone. Nanlisik ang mga mata ko. Aba, aba, pagbibintangan pa yata ako. Mukhang snatcher ba ako? Sabagay, kanina pa kasi nakakunot ang noo ko at mukhang di mapakali.
“Hindi naman sa pinagbibintangan kita, pero parang ikaw ‘yong snatcher,” sabi ng mamang tingting. Naku naman, hindi ba pagbibintang ‘yon? Ano’ng tawag do’n?
“Hindi ho ako ‘yon. Kahit itanong n’yo pa sa mga guwardiya sa Pegasus. Kanina pa ho ako nakatayo do’n,” matigas kong sagot.
Tumalikod ako. Bukod sa gusto ko nang makauwi at nang magkalaman na ang kumakalam kong sikmura, ayokong masangkot sa gulo. Pinigilan ako ng mama. Naramdaman ko ang mga malalamig at mabubuto niyang daliri sa kanang balikat ko. Lintik. Hinarap ko siya.
“Hindi ho talaga ako ‘yon,” naiirita kong sabi sa kanya.
“Sigurado ka?” maangas niyang tanong.
Akmang tatalikuran ko na ang mamang di ko masiguro kung buhay ba talaga o bangkay na nabuhay lang nang may lumapit na isa pang mama. Maumbok ang dibdib nito at parang may sariling buhay ang mga masel sa braso. Balbas-sarado. Wow, nandito lang pala sa Pilipinas si Chuck Norris. Tiyak, magtititili sa tindi ng excitement ang nanay ko pag nakita ang mamang ‘to. Tinanong ako kung ano’ng problema.
“Pinagbibintangan ho kasi akong nang-snatch. Hindi ho talaga. Kahit itanong pa ho ninyo sa mga tao,” sabay turo sa dalawang ale at isang mamang nag-aabang ng masasakyan.
“Sigurado ka?” sabi ng kamukha ng bida sa “Missing in Action”.
Langya, iba na yata ‘to.
Inisa-isa ko sa kanila ang mga nangyari sa akin mula sa paglabas ko sa opisina hanggang sa pag-abang ko ng masasakyan sa tapat ng Pegasus.
Pinanlakihan ako ng mata ni Palito, “Gago ka, ‘wag mo kaming sinasagot-sagot, ha.” Ang sarap tusukin ng barbecue stick ang nandidilat niyang mga mata. Hindi niya ako masisindak sa mga gano’n-gano’n lang.
“Magkaiba ho ang pagpapaliwanag sa pagsasagot-sagot,” matapang kong sagot kay palito. Sabi nga nila, sa mga panahong napaliligiran ng masasamang loob, ‘wag na ‘wag magpapakita ng takot.
Walang anu-anong kinaldag ako ni Chuck Norris. Bumalandra ang likod ko sa mabutong dibdib ni Palito. Sigurado akong may nabaling buto sa dibdib ng mamang patpatin. Di ko alam ang problema ng dalawang ‘to, pero sigurado ako, matindi ang galit nila sa mundo. Nawalan ng trabaho? Kinaliwa ni misis? Namatayan ng kamag-anak? Naubusan ng pambili no beer at yosi? Nakapanggigigil lang na pati ako idinadamay nila sa problema nila.
Muntik ko nang maihian ang pantalon ko sa sobrang nerbiyos. Di hamak na mas nakakatakot ang dalawang halimaw na ‘to kesa sa multo ng lola kong nakita kong nakasabit sa sampayan ng mga damit.
“Ilabas mo’ng cell phone na ninakaw mo,” pilit ni Palito.
“Hindi ho talaga ako snatcher,” pagmamatigas ko. Talo ko pa ang sirang plaka sa paulit-ulit kong pagtanggi sa bintang nila.
“Tangna mo, di mo ilalabas? Gusto mong mabaranggay? Ako’ng kapitan dito,” pagyayabang ni Chuck Norris. Buong angas na hinimas-himas ang kanyang balbas.
“May ID ho kayo? Sa’ng baranggay ho kayo? Baka ho kasi niloloko n’yo ako. At hindi ho yata ganyan umasta ang mga kapitan.” Patay. Di ko alam kung bakit ‘yon ang lumabas sa bibig. Hinanda ko ang sarili. Hinihintay ang matinding sapok ni Chuck Norris.
“Gago kang putang ina mong hayup kang hindot ka. Sasagot-sagot ka pang gago ka,” ang malutong na mura ni Chuck Norris. Hanep, napagsama niya sa isang pangungusap ang mga salitang di ko narinig na sinabi sa akin ng mga magulang ko.
Saludo ako sa kanya. Gayunpaman, namula ang tenga ko sa matinding galit, gigil, at takot.
“’Wag mo kaming niloloko ha. Patingin ng cell phone,” atat na sabi ni Palito.
Ayokong ilabas ang cell phone ko dahil sigurado akong isa ‘tong modus operandi. ‘Pag nilabas ko ‘yon, sasabihin nilang ‘yon nga ang ninakaw na cell phone. Bibigyan nila ako ng dalawang pagpipilian. Kung papalag ako, palalabasin nilang magnanakaw ako. Kung mananahimik ako at sasama sa kanila, makakaiwas ako sa isang malaking iskandalo. Siyempre, pipiliin ko ang huli. Takot yata akong makuyog ng taong bayan, tulad ng mga ipinapalabas sa mga panggabing balita. Pagkatapos, dadalhin nila ako kunwari sa baranggay hall. Pero, ang totoo n’yan, sa madilim na lugar nila ako ipupunta. Doon na nila kukunin ang cell phone na ilang buwan kong pinag-ipunan. Malamang, lilimasin din nila ang laman ng pitaka kong pamasahe at panghapunan lang ang laman.
Puwede rin namang manlaban ako. Kung tutuusin, kayang-kaya kong pataubin si Palito. Isang pitik lang, tiyak, tatalsik siya hanggang Delta. Bagamat aminado akong mahihirapan akong labanan ang hininga niyang mabaho pa sa utot ko. Si Chuck Norris, na umuusok na ang ilong, ang kinatatakutan ko. Baka kasi magpakawala ng isang pamatay na roundhouse kick. Sa tangkad at masel pa lang, natutunaw na ako sa takot. Mahirap talagang maging maliit.
Hinanap ko ang traffic enforcer na malaki ang tiyan. Baka sakaling mahingan ko ng tulong. Malas, wala na siya. Naka-quota na siguro. Nilingon-lingon ko rin ang paligid para hanapin ang mga kamera, baka kasi wina-Wow Mali lang ako.
Naiinis ako sa sarili dahil di ko magawang umalis sa kinatatayuan. Dala siguro ng nerbiyos. Puwede namang tumakbo na lang ako at humingi ng saklolo sa mga tao sa paligid. A, malamang di rin naman nila ako tutulungan. Pustahan. Kanina pa ako minumura at dinuduro-duro ng dalawang mama, pero wala silang nakikita.
Ganito din no’ng nasa Grade 3 ako. No’ng bibili ako ng ulam malapit sa eskuwelahan. May nakasalubong akong isang pulutong ng mga asong di mapigil ang panggigigil. Napagkamalan yata akong kaagaw, kaya ‘yon, kumaripas ako ng takbo at hinabol ng kalbong aso. Nahulog ako sa kanal. Hindi pa man ako nakakabangon, pinagkakagat-kagat na ng aso ang likod ko. Sigaw ako nang sigaw no’n. Wala ni isang sumaklolo. ‘Yong tinderang pagbibilhan ko sana ng ulam, di man lang binugaw ang aso. Pagkatapos, pinagalitan pa ako ng nanay ko dahil ayokong sabihin kung ano ang nangyari sa akin.
“Akin na’ng cell phone mo,” pasigaw na sabi ni Chuck Norris. Pilit niyang kinukuha ang sling bag ko.
Lagi-lagi akong pinaaalahanan ng tatay ko na ‘wag daw manlaban sa mga masasamang loob. Baka raw magripuhan ako sa tagiliran kung magmamatigas ako. ‘Yon din ang payo ko sa mga kaibigan. Katangahan nga namang ipagpalit ang sariling buhay sa cell phone. Tulad ng nangyari sa boyfriend ng roommate ng kaklase ng kaibigan ko.
Pero, gano’n pala ‘yon. Ngayong ako na ang nasa sitwasyong ginigipit ng mga taong nabubuhay sa pang-aagaw ng cell phone nang may cell phone, gusto kong magmatigas at lumaban. Kahit pa ma-headline ako sa mga tabloid kinabukasan. Ito na nga yata ‘yong sinasabi nilang survival of the fittest. Kailangang matalo ko ang mga ungas na ‘to. Nai-imagine ko tuloy, pa’no na lang ang susunod na henerasyon kung ang mga katulad nila ang maghahari sa mundo? Patay tayo d’yan.
“Tarantadong ‘to,” pilit na binubuksan ng sidekick ni Chuck Norris ang zipper ng bag ko.
Hinigpitan ko ang kapit sa bag habang hinaharang ang pananapok nina Chuck Norris at Palito. Nakatingin lang sa amin ang mga tao. Ang aleng hinayupak, nakuha pang magtext. Malamang, ibinabalita niya sa asawa ang nasasaksihan. Puwede rin namang nakikipagchikahan lang sa amiga, o nagda-download ng mga balitang showbiz.
Nag-ala Hulk Hogan ako. Buong lakas kong itinulak si Chuck Norris. Di ko malaman kung paano ko nagawa ‘yon o kung saan nanggaling ang lakas ko. Basta ang alam ko, kailangan kong makawala sa kanila bago pa man ako magulpi nang todo. Napaatras si Chuck Norris. Di nakapalag sa ginawa ko. Napanganga lang si Palito.
Sinamantala ko ang pagkagulat ng dalawang latak sa lipunan. Tumakbo ako palayo sa kanila. Hinabol nila ako. Di ko alam kung instict ba na kinakagat ko ang dila ko at umuusal ng “Saint Roque, your dog” habang kumakaripas ng takbo. Nililingon-lingon ko sila para matantiya kung maabutan nila ako. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Pakiramdam ko tuloy, ako ‘yong bida do’n sa pelikulang black-and-white na napanood ko. Siya na nga ang ninakawan ng bisikleta, siya pa ang hinabol ng tao. Hinihintay ko na lang din na kuyugin ako ng madla. Awa ng Diyos, hindi naman. Sa wakas, tinantanan ako nina Chuck Norris at Palito sa kanto ng Roces.
Pero hindi ako tumigil sa pagtakbo. Tumakbo ako nang tumakbo nang tumakbo. Walang kapaguran.
Posted by Tonton at 1:50 PM 6 comments
Labels: short story