65 years old. Hindi pumapalya sa pag-A-Ama Namin araw-araw. Always present sa mga misa (front seat pa) at laging bida sa mga charity mission ng simbahan. Ipinangangalandakan ang pagiging Kristiyano. Big time kung magbigay ng abuloy sa simbahan. Pumapalakpak ang tenga kapag nakakarinig ng mga papuri. Napapa-sign of the Cross at hesusmaryosep kapag nakakapanood ng mga kissing scene sa pelikula at telebisyon o nakakakita ng mga kabataang naglalambutsingan sa kalye. Pinamemewangan at nginingiwian ang mga taong imoral. Puwede nang i-appoint bilang MTRCB Chair.
Di pangkaraniwan ang laki ng tengang nag-evolve para sa matinding pangangailangang makasagap ng latest tsismis: “’Wag na ‘wag kang lalapit diyan sa kapitbahay mong matandang dalaga. Sinasabi ko sa ‘yo, exhibisionist ‘yan.” “’Wag mong kakausapin ‘yang pulis sa tabi ng unit mo. May topak ‘yan. Galing mental.” Parang guardia civil sa tindi ng pagpapatrol sa personal na buhay ng mga tenant. Nirerespeto raw ang privacy ng mga nangungupahan, pero alam na ilang buwan nang hindi nagkakantutan ang mag-asawang tenant na araw-araw kung magyarian dati. O kung ano ang kulay ng panty at brief ng mga tenant. Daig pa ng reyna ng tsismis ang NBI sa pangangalap ng mga ebidensiya. Walang sinabi si Gossip Girl.
Halimaw pa sa halimaw sa paniningil ng renta sa bahay. Kahit piso, hindi pinapatawad. Business is business daw. Perfect ang laki at tabas ng bunganga para sa walang katapusang pagbunganga at pagdaldal. Amoy bagong gising ang hininga. Knocked out ang mga tenant kapag kinakausap, lalo na kung halos madikit na sa ilong ang bungangang 70% gilagid, 20% pustiso, at 10% ngipin. Lalong-lalo na kung bumubulwak ang panis na laway.
Buhay pa, pero inuuod na. Amoy lupang sumisingaw ng alimuom. Halos di na mabuhat ng sakang na mga paa ang katawang hugis hamburger at mga brasong magiging sanhi ng tsunami kapag hinampas sa Ilog Pasig. May lahing Intsik. Walang anak. Under the saya ang asawa.
Ang mata at tenga ng apartment.
6 comments:
Haha. Ayos. Wala lang, napadaan lang sa blog mo dahil naghahanap ako kanina ng mga salita`ng may 'loob'. Tapos nabasa ko na rin ito. Haha. Yun lang xD
hi pat, buti naman at naligaw ka rito. =)
Mukhang Lion's Roar nga. Haha
Baka gamitan ko siya ng Buddha's Palm Technique. Ewan ko lang.
pare wala kang kasing-swerte, bihira magka-lanlidi/lanlurd ng mga ganyan. all-out ang concern sa mga tenants.
tanginang concern yan. hahaha! actually love ko naman si landlady. love na love na love ihagis sa pasig river.
nga pala, i've just received one of those letters. bayaran ko na raw ang bill sa kuryente. e sa dec. 8 pa deadline. anak ng tipaklong talaga.
Post a Comment