Otis ang tawag sa akin ng ilang kaibigan. Autistic. Mahilig kasi akong tumunganga. Gumagawa ng sariling mundo. Hindi naman ‘yong tipong tunganga ng isang taong tanga - ‘yong tipong nanlalaki ang mga mata at nilalangaw ang bungangang nakanganga. Hindi gano’n. Ako ‘yong tipong bigla na lang tatahimik sa gitna ng paglalaro at mauupo sa isang sulok. Maraming kaibigan nga ang naiinis sa akin. Gano’n talaga, ‘pag tinopak ako, walang warning, nawawalan ako ng interest na makipag-usap. Sa pagtunganga ko, mukhang blangko ang mukha ko. Pero ang totoo n’yan, ang likot-likot ng isip ko. Lumilipad kung saan-saan.
Tuesday, December 9, 2008
Otis
Minsan, nakakarating ako sa Antarctica , nakikipaghabulan sa mga penguin. Ang sarap magpadausdos sa yelo. Nakakapunta rin ako sa Africa . Do’n, sumasama ako sa mga Ashanti sa pagtatanim ng mga patatas at mais. ‘Pag nagpupunta ako sa Europe, di puwedeng di ko daanan ang Spain at France . Sa Spain , nagpapahabol ako sa mga toro. Sa France , inaakyat ko ang Eiffel Tower . Kung gusto ko naman ng adventure, nanghuhuli ako ng anaconda sa sulok-sulok ng Amazon at umaakyat sa tuktok ng Mount Everest .
‘Pag nakatunganga ako, nakakapag-time travel din ako. Paborito ko ‘yong panahon ng mga dinosaur. Adventure talagang makipaghabulan sa mga T-Rex. Siyempre, di ako nagpapahuli sa kanila. Magaling akong magtago. ‘Yoko ngang magkalasug-lasog ang katawan ko. Lagi rin akong nagpupunta sa panahon nina Adan at Eba. Gusto ko kasing makita kung pa’nong kinagat ni Eba ang mansanas. Ang ahas na nang-akit, hindi ko mahuli-huli dahil masyadong mabilis. Lagi rin ako sa ancient Egypt . Naaawa ako sa mga trabahador na gumagawa ng mga pyramid. Parang ako ang nabibigatan sa mga pinagbububuhat nila.
Madalas din akong tumunganga para bumuo ng love story. O porno. Pero ‘wag na tayong tumuloy diyan at masisira lang ang tono ng sinusulat ko.
Gumagawa ako ng sariling mundo. Minsan, humahagikhik akong parang isa sa mga duwende ni Snow White, sumisimangot tulad ng pagsimangot ng mga taong Yanomani na nakikita ko sa National Geographic, nagugutom tulad ng mga batang lumolobo ang ulo at tiyan sa Africa, at nagsusungit na para bang isang emperor sa China na di nasunod ang kagustuhan. Sinasamahan ko ang mga ‘yan ng mga monologue. Kung hindi sa Ilokano, sa Filipino o sa Ingles. ‘Pag tinotopak, nag i-Intsik-Intsikan, German-Germanan, at French-Frenchan ako.
‘Yon. Masarap magpaka-otis.
Posted by Tonton at 2:35 AM
Labels: daydreaming
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
Masarap talaga. :)
haha. kumusta? mukhang ikaw lang nagbabasa ng sinusulat ko, a. pero ayos lang. mas ok na yun kesa wala.
Ay ito, umo-otis.
Magaling ka kasing magsulat. :)
Woooooooooo! Ang bola, ang taas ng talbog. lol
Ha? Ah baka dahil mahangin? Haha
Hinde. Bouncy lang talaga siya. lol
lols. laughtrip.. i feel for you.. madalas rin akong napapagkamalang abnormal lalo dito sa workplace, may sariling mundo rin.. madalas nakakatanggap ng unsolicited na simangot.. hehehehe..
Madalas din akong tumunganga para bumuo ng love story. O porno. hardcore kapatid, grabe tawa ko sa huli..kala ko ako lang mahilig dun.. =))
gusto ko rin makita pano kinagat ni eba ang mansanas.. whoa! good luck!
haha. ipokrito(a) lang ang walang pantasya.
Post a Comment