Monday, December 29, 2008

Eto'ng Nakapanggagalaiti/ Nakakainis/ Nakapanghihinayang


Magsusulat ka ng blog tungkol sa masquerade ball ng kompanya na ayaw mong siputin no'ng una dahil required kang mag-dress to the nines, magsuot ng maskara to go with the theme, at dahil may naka-schedule kang labing-labing with special someone that night pero nag-decide ka pa ring manghiram ng maisusuot na formal wear, suungin ang swarm ng mga tao sa Divisoria para magpa-customize ng Joker-style mask, at i-reschedule ang labing-labing dahil umasa kang mananalo ka sa pa-raffle ng ref at washing machine at para sa Christmas basket na 'yong tipong ipinamumudmod sa mga nasalanta ng bagyo, baha, landslide, mudslide, sunog na magagamit mo sa Pasko, na wala rin namang nangyari in the end (maliban sa nakailang beses kang nagpabalik-balik sa buffet table at libreng beer) dahil hindi ka nanalo sa minor at major raffle draws samantalang halos lahat ng ka-share mo sa table ay natawag, dahil sa susunod na linggo na raw ibibigay ang basket, at dahil di ka na nakahabol sa labing-labing with your special someone na nagtampo sa 'yo - at magka-crash ang browser at hindi na ma-recover ang ilang paragraph na isinulat mo.

6 comments:

Anonymous said...

Bigyan mo na lang ako ng regalo para hindi ka na mainis. Haha. :p

Tonton said...

sige, pag may natanggap akong fruit cake, ibibigay ko sa yo.

Anonymous said...

Hahahaha.. ang adik mu talaga.. =)) Happy holidays!

Tonton said...

adik talaga to. hehe. hapi nuynyir!

Anonymous said...

Basta ayoko ng paputok. Mahirap na. Putukan na ng putukan dito eh. Hahaha

Tonton said...

yoko na nang bputukan. baka maaksidente/maaksidente ako. lol