Tuesday, October 21, 2008

Reality TV


Sayang, eliminated na ang Southern Belles. Gusto ko pa naman sila. Naaalala ko sa kanila ang Beauty Queens, sina Dustin at Candice. Pero mas gusto ko pa rin ang BQs kasi physically stronger sila tsaka mas madiskarte. Ayun. Sana sina Aja at TY na lang natanggal, sila lang ang parang kulang sa personality sa season na to. So far, pinakagusto ko ang tandem nina Ken at Tina (na mukhang nalosyang sa divorce nila ni ken). Tatlong first place ba naman. Pinakagusto kong challenge nila so far 'yong Fighting Cholitas.

Next na gusto kong team ang mag-inang Toni at ang kotrobersiyal/maiskandalong si Dallas. Mukhang makakabanggaan nila sina ang kontrabida-in-the-making na sina Kelly at Christy. At sana 'wag munang maalis ang full-blown kontrabidang tandem nina Nick at Starr, para makasalpukan nila ang dalawang kontrabida-in-the-making. At natawa rin pala ako sa tatay ni Phil nung niyakap niya sina Marissa at Brooke.



Si Sugar ang manok ko sa season na 'to. Nasa kanya kasi ang hidden immunity idol at curious ako kung pa'no niya ito lalaruin. “yon nga lang, parang napapaikot ni Ace ang ulo niya. Pero sana umaakting lang si Sugar at siya pala ang naglalaro kay Ace. Ang engot ng Fang, hindi nila na-blindside si Sugar. Delikado sina Crystal (na natawa ako kasi nangialam ng bag nang may bag) at Ken, lalo ngayong wala na si GC. Mukhang Mabubuo nina Sugar, Ace, at Matty (na kahawig ni Marat Safin) ang tatapat sa “Onion Alliance” nina Charlie, Marcus (haha! Nakita ko na 'yong clip ng penis slip), at Corinne. Natawa ako sa immunity challenge, no'ng sumigaw si Randy ng “Freeze, Ace. Freeze!” tsaka do'n sa homoerotic moments nina Charlie at Marcus.


Wala na yatang tatalo pa kay Kenley sa pagiging numero unong nega. Nagmukhang maamo si Wendy Pepper sa kanya. Pati si Tim Gunn, Heidi Klum, Nina Garcia, at Michael Kors, di nakaligtas sa mga patutsada niya. No wonder, wala siyang kaamor-amor kina Korto at Leanne. So tapos na nga ang 5th Season, at third place lang siya. Sayang. 'Yong collection niya ang pinakagusto ko sa tatlo pero mukha raw kasing ginaya kay Alexander McQueen ang designs niya. Well, di naman ako familiar sa fashion so wala akong alam. Basta ang alam ko, ang boring at napaka monotonous ng kay Leanne. 'Yong kay Korto naman, parang walang bago. Masa masaya sana kung si Kenley ang nanalo. Hahaha!

So, kasama sa Final 3 sina Phillip, Veejay, at Aries. Di na ako masyadong nakakapanood nito, so di ko alam kung tapos na ang finale. Sana si Phillip ang manalo. May mga pangalan na kasi sa industry sina Aries at Veejay, e. At mabuti naman at di nakapasok sa top 3 ang fellow UP student kong si Mara. Ang basura lang ng mga tdesign niya.



2 comments:

Anonymous said...

hey. saw your blog sa forum. he he he pareho tayo ng mga sinusubaybayang reality programs. of course, fanatic ako ng survivor series.

Tonton said...

gusto ko sa final 3 si sugar, kenny, and crystal. lol