Para akong tapeworm na umaagaw ng sustansiya sa isang batang malnourished. Parang parasitism kasi ang symbiotic relationship ko sa ilang mga nakapaligid sa akin ngayon.
Si Meegz, 'yong bagong salta sa opisina, lagi kong hinuhuthutan ng yosi. Nakakahiya, pero lagi akong nagpapalibre kay Mako (hello, credit card?). Pinakahuling pinakain niya ang isang pizzang sinlaki ng takip ng drum. Ilang mga kaibigan na rin ang pinakiusapan kong bigyan ako ng cell phone load. At mauubos ko na ang anti-dandruff shampoo na iniwan ng kaibigang laging nakikitulog sa bahay. 'Yong kakarampot na suweldo ni Kuya mula sa pagtuturo, na laging delayed, binabawasan ko rin. Nakikihati rin ako sa mga padala ni Mama, na para sana sa gamot at check up ni Papa.

Pero. Pero, pero.
Ang sabi sa Wikipedia, "The parasite benefits from a prolonged, close association with the host, which is harmed." E, hindi lang naman ako ng nagbe-benefit, pati rin sila.
Kapalit ng isa o dalawang stick ng Marlboro Lights ang isang yosi session na pantanggal ng banas sa makatuyot-utak na opisina. Kapalit ng panlilibre ni Mako ang tengang bugbog sa mga hinaing sa love life, sa trabaho, at sa pamilya. Kapalit ng cell phone load ang pagiging clown 'pag nakikipagkuwentuhan. Kapalit ng ant-dandruff shampoo ang magdamagang alam-niyo-na. Kapalit ng perang ibinibigay nina Kuya at Mama ang pride at karangalan at katalinuhang dala ko sa pamilya (Hahaha! Nagyeyelo na sa tuktok na ng Mt. Everest ang upuan ko).
So 'yon. Mutalism pala at di parasitism.
Pero may kilala akong akong dambuhalang parasitiko di mapuksa-puksa. Siya ang dahilan kung bakit nasa Ortigas ako ngayon at nagpapagago sa mga kliyenteng Amerikano. Siya ang dahilan kung bakit kelangan ko pang manghingi ng yosi at load. Kung bakit umaasa ako sa mga pagkaing dala ni Mako. Kung bakit binabalakubak ako ngayon. Kung bakit "Kuya, padala naman ng pera jan, o." ang drama ko ngayon.
Isang matinding gamutan at operasyon ang kelangan para malusaw ang parasitikong 'to.
0 comments:
Post a Comment