Sunday, September 27, 2009

Phil Animal Welfare Soc Needs Help Rescue Animals

PAWS is asking help regarding their rescue operation in flood-stricken areas of Marikina. Here’s a text message sent to a friend last night:

“Help us announce to people in Marikina that they can bring their animals to PARC or PAWS Animal Rehabilitation Center (higher ground) just to save them from flood waters. We can be evacuation center but we need more roofed cages and the owners need to leave their complete contact information with us. – Anna Cabrera of Phil. Animal Welfare Society”

PAWS Animal Rehabilitation Center (PARC)
Aurora Blvd, Katipunan Valley,
Loyola Hts, QC
Tel. nos: (02) 475-1688
Contact person: Anna Cabrera (0917-831-5970)

If you have way of informing the media about this, please do so. It will be of great help to the animals and their owners, since evacuation centers don’t accept animals.

Saturday, August 8, 2009

Hyperimbyerna sa Hypermarket


logo

Sinita ako ng lady guard no’ng papasok na ako sa SM Hypermarket sa SM North. May suot kasi akong backpack at dire-diretso lang ako sa loob. Winarningan na ako ni Boots na sisitahin daw ako ‘pag di ko dineposit ang bag. E, ang dami kayang tao sa loob na may malalaking bag, so in-assume ko na lang, pwede ang bag ko.

Lady Guard: Ser, pakiiwan na lang po ang bag sa counter.
Ako: Bakit ang ilang tao sa loob, may dala-dalang bag. Ang lalaki pa.
Lady Guard: E, kasi po, backpack ang sa inyo.
Ako: Pa’no kung magdala ako ng sling bag na sinlaki ng sako, okey lang ‘yon?

Bihira akong mag-snap sa harap ng maraming tao, pero di ko na napigilan. Pinalampas ko na lang, kesa naman gumawa pa ako ng eksena.

Sa loob, tingin ako nang tingin sa mga bag ng mga naggo-grocery. Sinusukat kung mas malaki sa backpack ko. Panay ang reklamo ko kay Boots na maraming bag ang mas malaki sa bag ko. Natatawa siya dahil hindi sa pamimili ako naka-focus, kundi sa pagsusukat ng mga bag. Meron pa ngang isa, may dalang travel bag. Kumusta naman ‘yon? Dahil medyo pormal ang suot nila? Dahil makinis ang balat nila? Dahil mukhang mayaman sila? Dahil mukhang di sila magnanakaw?

Samantalang ako, porke nakashorts lang at nakatsinelas at kita ang maugat at maalikabok na paa, di na dapat pagkatiwalaan at kelangang ipaiwan ang maliit na backpack sa counter?

Makapag-social experiment nga…



Thursday, July 16, 2009

Unang Attempt Ko sa Tanaga

Pagpasensiyahan na. Nagsisimula pa lang akong tumula. Marami pa akong sususuhing gatas (Nakaka-challenge and, at the same time, fun pala ang pagsusulat ng tula).


Con-Ass My Ass

Sige sa pagsasayaw
Alagad ng gahaman;
Wag tayong magpasilaw
Sa saliw ng halimaw.


Biyaheng L.

Ikaw ay nakaidlip
Sa karag-karag mong dyip
Matapos na mag-takip
Ang babaeng sumipsip.


Sugat

Sa lupa isinulat
Ang dalumat ng sugat.
Sinukat, sumambulat
Gubat ng pagkamulat.

Sunday, June 28, 2009

Ay, Naku, Jankovic!


1

Ano na, Jelena? Fan ako ng makapunit-singit mong split, pero, ano na? Natalo ka na naman. Chance mo na sanang masungkit sa Wimbledon ang unang Grand Slam mo. Coach mode: Nasa’n ang confidence?

Michael Jackson Overload


1

Today was Michael Jackson Day. Pagkagising na pagkagising ko kanina, sinindihan ko ang radyo. Si Michael Jackson ang balita. Nakinig lang nang konti, tsaka ko pinatay. Nanood ako ng TV. Jacko sa Etc, sa CNN, sa BBC, sa MTV, kahit sa ilang Korean at Chinese channels.

Jacko music video marathon naman sa MYX. Sobrang na-enjoy ko dahil naalala ko ‘yong kabataan ko. No’ng nakikinuod ako ng MTV kina Ate Grace. Nakahiga pa kaming magpipinsan no’n sa semento habang nanonood. No’ng kinokompetensiya ko ang ilang pinsan sa padamihan ng alam tungkol sa mga music video ng King of Pop. Hay, nostalgia galore.

Nang magsawa, binisita ko ang peyups.com. Sabi ng isang poster: ”Kaya don’t be sad people. Celebrate! Wear white gloves. Dance. Moonwalk.” ‘Yoko nga, magmumukha lang akong tanga. Gusto ko ang music ni Jacko, pero di ako gano’n ka-fan para i-channel ang kumakadyot-kadyot na Jacko.

Bumisita rin ako sa iTunes. Wala akong masabi sa powers ni Jacko. Siyam na album niya ang nasa top 10 albums downloads chart. At marami siyang singles na namamayagpag sa singles charts. Ang “Man In the Mirror”, isa sa mga pinakagusto kong Jacko song, ang #1. Wow!

Sa Facebook, nakiuso ako at sinagutan ang “Which Michael Jackson Song Are You” quiz. Ang resulta: “Billie Jean”.

Niyaya ako ni Boots na lumabas para bumili ng de lata sa tindahan sa labas ng village. E, tinatamad ako. Mainit kasi sa labas, ayokong pagpawisan. Mapilit siya, so ang sabi ko: ”Tinatamad akong lumabas. Patay na kasi si Michael Jackson.”

Monday, June 15, 2009

Eiga Sai 2009


From the Japan Foundation, Manila:

In celebration of Philippines–Japan Friendship Month, the Japan Foundation, Manila, in cooperation with the Embassy of Japan, the Shangri-La Plaza Mall, and the UP Film Institute proudly presents a Japanese Contemporary Film Festival, titled “Eigasai ‘09” (literally means ‘film festival’ in Japanese) that will serve as its kick-off activity on July 2, 2009 at Shang Cineplex Cinema 3 for the month-long celebration.

“Eigasai ‘09” aims to bolster further the diplomatic relations between the Philippines and Japan by continuously providing an opportunity for Filipinos to enhance the understanding and appreciation of Japanese arts and culture explored in this medium. This year’s offering brings together 7 contemporary films and 1 anime film in 35mm format. An invitational screening of Always – Sunset on Third Street (Always San-chome no yuhi, 2005) by director Yamazaki Takashi will be held on July 2, 2009 (Thursday) at 7:00 p.m. at the Shangri-La Plaza Cinema 3, Edsa, Mandaluyong City.

Other films to be featured are Memories of Matsuko (Kiraware Matsuko no issho, 2006) directed by Nakashima Tetsuya, Kamome Diner (Kamome shokudo, 2006) directed by Ogigami Naoko, Memories of Tomorrow (Ashita no kioku, 2006) directed by Tsutsumi Yukihiko, The Milkwoman (Itsuka dokusho suru hi, 2005) directed by Ogata Akira, Turn Over – An Angel Is Coming on a Bicycle (Futari biyori, 2004) directed by Nomura Keiichi, Tony Takitani (Toni Takitani, 2004) directed by Ichikawa Jun, and the sole anime film Mind Game (Mind Game, 2004) directed by Masaaki Yuasa.

All films will be shown with English subtitles. Admission is free. Screening venues are at the Shangri-La Plaza Cinema 3 (July 2 to 12) and UP Film Institute (August 14 to 20). “Eigasai ‘09” will also have provincial screenings that will commence in Gaisano South City Mall, Davao (July 18 and 19); Ayala Center, Cebu (July 28 to Aug 2) and Baguio Center Mall, Baguio (August 7 to 11). For detailed screening schedules and inquiries, please access the Japan Foundation, Manila website or call the JFM telephone numbers (+632) 811-6155 to 58.

Sunday, June 14, 2009

Every Night Is Mating Night at Che’lu


1

Che’lu

Akala ko sa Library kami. Pero sa Che’lu ang ending. Actually, di naman dapat talaga ako kasama. Hindi kasi ako komportable sa Orosa-Nakpil nightlife. Di lang ako nakatanggi kay Boots at sa mga pinsan niya kaya sumama na rin ako.

Natawa lang ako sa experience.

Pabonggahan ang mga bakla, o kung anuman ang gusto mong itawag sa kanila (bi, bi-curious, straight tripper, trisexual, multisexual, lalaking pumapatol sa lalaki). Kompetisyon kung kompetisyon. Dito nagkakaalaman kung kaninong marketing strategy ang effective. May pamintang buo at pamintang durog. May mga silent type at pa-mysterious effect. May mga social butterfly na halos lahat ay kinikilala.

Pinakamabenta ang mga straight acting na guwapo. Mabenta naman sa mga top (go figure) ang mga medyo malambot kung kumilos pero guwapo. Kung panget ka, sorry na lang. The best bet ay maging sociable ka. Para may panget ding ma-attract sa ‘yo. Harsh. pero ganyan ang realidad sa Orosa-Nakpil.

Gabi-gabi, mating season dito. ‘Pag may napadaang pogi, mararamdaman mo ang testosterone sa hangin. Ang mga mata, ang tatalim kung makatingin. Nanghuhubad. Ang iba’y mga titig na kumakantot/kinakantot at chinuchupa/chumuchupa. Mga tingin na nanggagahasa. Kung suwerteng magustuhan, umaatikabong bakbakan sa kama ang ending.

Madalas magsimula ang landian sa dancefloor. Ito ang classic na mating dance. Niyaya ako nina Boots at Palmy na magsayaw sa loob ng Che’lu (kung claustrophobic ka at may hika, ‘wag kang papasok dito). E, di sayaw-sayaw ang mga kasama ko. Para akong tuod na napapaligiran ng mga gumigiri-giring katawan. Di talaga kasi ako sayaw person.

Dama ko ang hininga ng mga taong halos mawala na sa sarili sa pagsasayaw. Balat sa balat. Nar’yang may maramdaman akong bukol na dumudunggol sa puwetan ko, kamay na humahaplos sa tadyang at gumagapang sa harap ko. Ayaw na ayaw ko pa naman nang hinahawakan ako ng mga taong di kilala. Inis akong umalis sa gitna at pasimpleng itinulak ang mga nakaharang.

Tumambay na lang sa isang sulok para mag-observe. May mga go-go boys na sige sa paggiling sa platform (mga nagyayabang sa katawan pero wala namang face value). May mga naglalaplapan na parang wala nang bukas. May mga desperado sa atensiyon. May mga babaeng umaasa pa ring makabingwit. At may mga katulad kong nagmamatyag lang.

———

Nawalan ng cell phone ang kasama naming si Richard. Si Bibeth, nag-highblood dahil walang ginawa ang Che’lu sa reklamo ng kapatid.

Friday, June 12, 2009

Nakakaloka


1


Sampol ng mga keyword phrases na ginagamit ng mga napapabisita sa wordpress blog ko:

puki nang birhen
nilamas ang suso ng kapatid
pagkaing pampalibog
babae sa babae kiskisan
kinantot ang tatay
kantutan ng magkasintahan
napako sa paa ano gamot
luto adobo
kantutan ng mag ina
asawa ng kapitbahay kinantot ng di kilalang lalaki
suso utong tinggil
lolo dalaga sex kantot
mga lalaking nagkakantutan
bakit nagsasalsal ang mga lalaki?
pledge of love and faithfulness
iyak sa kantot
bubot pa ng kinantot
video ng pagbabate
pamimilipit dila
kita ang puke ng dalaga sa jeep
mga nanalo sa mga sport

Bumness Effect



Kung trabaho lang ang pagtulog, milyonaryo na siguro ako. Swear (coño mode). Ewan ko, ang sarap kasing matulog. Kung pwede nga lang talunin si Sleeping Baeuty, tatalunin ko talaga siya. Epekto siguro ng bumness (o bumhood?). Bored. Sobra.

(Ito ‘yong tipo ng blog entry na for the sake lang na may entry. haha!)

Tuesday, June 9, 2009

2nd Palihang Rogelio Sicat

2nd Palihang Rogelio Sicat. May 27-31. Palayan City Nueva Ecija.

TULA: Patrick Noah R. Bautista, Paul Joseph Corpuz Belisario, Harold John C. Fiesta, Colleen S. Gadon, Walther Neil L. Hontiveros, Soleil Erika C. Manzano, Princess F. Marasigan at Christian Tablazon;

KUWENTO: Patrick Lawrence Alzona, Jerome T. Co, Mar Anthony Simon Dela Cruz, Sierra Mae Paraan at Romeo Peña.

DULA: Anna Levita T. Macapugay at Marco Antonio Rodas.

Mga kasapi sa Kaguruan ng Palihan: Jesus Manuel Santiago (panauhing guro),Jun Cruz Reyes, Roland Tolentino, Glecy Atienza, Luna Sicat-Cleto, at Romulo P. Baquiran, Jr

Mga direktor: Jimmuel Naval at Reuel Molina Aguila.

Ang mga sumusunod na larawan ay kuha ko, nina Sir Reuel, Walther, Colleen, at Princess:

Monday, June 8, 2009

Of Gums and Dentures


ganush

Sa title pa lang, B movie na B movie ang dating ng Drag me to Hell. Kaya nga pinanood ko dahil sa campy feel ng title, poster, at trailer. And I wasn’t disappointed.

1. Ito ang masasabi ko: Mrs. Ganush FTW!!!

2. Hag fight with lots and lots of gums and dentures involved. Mrs Ganush biting Christine with her gums is riot.

3. LOL and hilarious lines: “I beat you, you old bitch!” “Here kitty, kitty…” (poor cat. haha!)

4. Classic Raimi. Love the Evil Dead and Army of Darkness tongue in cheek humor in the film.

5. Chilling high pitched violin = Fantastic sound effects.

6. Superb ending. Predictable, but superb. Di ko pa rinmakalimutan ang pag-atras ni Christine sa train station. haha!

7. Talking goat, squirting nosebleeds, stapled eyeball, an eyeball in a piece of cake, evil panyo, greenish and yellowish phlegms, gums, and more gums. Panoorin ninyo na lang.

Van Gogho-hum


vangogh

French Film Festival na naman. E, ‘yong super excited akong kumandi-kandirit papuntang sa Shangri-La. Van Gogh ang 8 pm screening. Interesting, sabi ko. Art Studies naman ang undergrad ko, so mukhang magugustuhan ko.

Ang ganda. Sobra. Sarap matulog sa sinehan. Kung gusto mong ma-coma, panoorin mo ‘to.

Draaaaaaging! Ang daming unnecessary scenes. Confused ang filmmaker kung ano ang ifo-focus (problema ng mga baguhang indie-indiehang direktor sa Pinas). Makatunaw-pasensiya ang editing. Namatay talaga ako no’ng nasa loob ako ng sinehan. Kung ugali ko lang ang magwalk-out, lalayasan ko talaga.

Alam kong may paepek ang direktor kung bakit gano’n ang approach niya. Pero, sorry. Di umepek sa akin. Sa iba siguro. na-trauma tuloy si Stan, ‘yong friend ni Anmare na baguhan sa French Film Fest. Di na raw uli siya manonood. Haha!

Friday, May 22, 2009

7-11 Bingo


Sino ang bumibili sa 7-11 dito? Paki-check naman sa mga resibo ninyo kung may N31, N41, N43, O70, O71, O66. Kung meron, hingin ko na lang. Namumuro na kasi ako sa Bingo. Pramis, may balato kayo sa akin pag nanalo ako. Isang daang piso at milyones ang pinag-uusapan natin dito. hehehe

Senyales na ba ito ng kahirapan? hahaha!)

Sunday, May 3, 2009

So, nanalo pala si Pacman. Fine.


pacquiao-hatton


As of this writing, ipinapalabas pa lang ang laban sa GMA 7. Dinig na dinig ko ang announcer sa TV ng mga kapitbahay ko. Panay ang hiyawan ng mag-asawa sa tabi ng unit ko. Pati ang pamilyang Muslim sa likod, sigaw nang sigaw nang “Whoa!”. Ganun din ang mga construction worker sa labas ng subdivision (Yes, naririnig ko ang sigawan nila). Inulan na rin ako ng mga text na nanalo na nga si Pacman in just 2 rounds. Sa Facebook, unahan ang mga kaibigan ko sa pag-congratulate sa ultimate pound-for-pound king.

Okey. Congrats. Nanalo na naman ang Pambansang Kamao.

I’m sure, pagbalik ni Pacman ditto sa Pinas, bonggang-bonggang karnabal na naman ‘to. Motorcade sa Manila kung saan dudumuging parang Nazareno si Pacman. Habang ang mga oportunistang buwakanang inang hindot na politiko ay todo kaway sa mga tao. Magpupunta sa Malacanang para sa isang photo op with the President. Perfect para sa pagpapabango ng pangalan. Pagpipiyestahan si Pacman ng media. Iinterbyuhin si Jinky at ang mga anak nila. At siyempre, di mawawala sa spotlight ang fast-rising star na si Aling Dionisia, with matching “Hay Diyos ko” sabay himatay. Ang buong Pilipinas, si Pacman ang isinisigaw. 

Nakakairita. Sana di na lang siya nanalo. Don’t get me wrong. It’s not a case of crab mentality.

 1. Naisasantabi ang ilang sports in favor of boxing. Admit it, adik tayo sa boxing (at basketball). At dahil ito ang sikat sa madla, may tendency na ibuhos ng sports bodies ang attention nila dito. Kaya ang dali lang makapag-produce ng magagaling na boxer. E, pa’no naman ang ibang sports? Well, they’re struggling for our attention. ‘Pag may events sila, walang publicity. ‘Pag nanalo, hindi sila front page. At ang funding at incentive, kumusta naman. Pero kung boxer ka at nanalo sa isang major na laban, asahang ikaw ang ibabandila sa primetime news.

2. Dahil sa pagkapanalo ni Pacman, nagsilitawan ang mga oportunistang buwakanang inang hindot na politiko. The nerve! Arrrrgh! Malapit na ang election, so asahan ang pag-epal ng mga politiko. Pustahan, mag-uunahan silang magpa-picture-picture kasama si Pacman habang itinataas ang kamay ng boxer. Tangina. Ang sarap nilang regaluhan ng isang matinding sliding forearm smash.

3. His victory increases his chances of grabbing a seat in Congress. Wala akong problema sa pagtakbo ni Pacman. That is, kung genuine ang intention niya. E, ang lumalabas, sinusulsulan siya ng mga ilang oportunistang buwakanang inang hindot na politiko. Kung ako sa kanya, mag-boxing na lang siya. ‘Wag na siyang sumabak sa politika.

4. Masa-saturate na naman ang TV ko ng mga commercial niya. Kelangan ko nang bumili ng ear plug at Visine.

5. Para sa bayan o para sa pera? 

Friday, April 17, 2009

Ted Failon Overload


Inis na inis ako sa TV Patrol World kanina. Ted Failon marathon. My God. As if ‘yon lang ang kabali-balitang balita. Wala na bang mas importante? Wala bang update sa kasalang Juday-Ryan? O sa awayang Annabelle-Welma? O sa pagdedemanda ni Rechard? Si Ted, si Ted, lagi na lang si Ted. Ililipat mo sa GMA at TV5, gano’n pa rin. Si Ted pa rin. Ngayong kelangang-kelangan ko ng cable, saka naman mawawalan.


------


In fairness, magandang materyal para sa isang crime film. Isang high-profile personality ang suspek. Siksik sa drama (pagkawala ng isang butihing ina), suspense (murder/suicide), action (marahas na paghuli sa mga suspek), comedy (paggamit ng paraffin test), at horror (hintayin nating magparamdam si Trina). At ‘wag ka. Bigatin ang mga cameo appearance. Ang Vice President. Mga senador. Sa’n ka pa? Ang daming nakikisawsaw. Interbyuhin na rin si Jonalyn Viray para sumikat.


------


Sabi ni Ted, suicide. Sabi ng mga kamag-anak nila, suicide. Sabi ng mga kasambahay, suicide. Natural lang na reaction to kasi nga idinidiin sila sa pagkamatay ni Trina. Pero nawe-weirdohan ako sa mga kaibigan ni Trina. Bakit ganun na lang sila ka-prepared na sabihing suicide nga? Suicide is a very sensitive case. Parang hindi appropriate na i-announce sa media na nag-suicide nga ang kaibigan mo. If I were them, mananahimik na lang ako at sa korte na lang ako magsasalita.


Naalala ko tuloy ang Rosemary’s Baby.


------


Obstruction of Justice daw ang kaso nina Ted at mga kasambahay, kasi nga nilinis daw nila ang crime scene. Sabi sa Section 1(a) ng Presidential Decree No. 1829 (Penalizing Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offender): “preventing witnesses from testifying in any criminal proceeding or from reporting the commission of any offense or the identity of any offender/s by means of bribery, misrepresentation, deceit, intimidation, force or threats.” E, pa’no si Romulo Neri? E si Jocjoc Bolante? Weird.

Saturday, March 21, 2009

Oplan Bawas Timbang


abs

Sabi ng doktor sa annual physical exam ko, overweight daw ako ng 7 kilos. Shet, di nga, sabi ko. 7 kilos? Oo nga, magbawas ka ng timbang, sabi niya.

E di magbawas. Simula ngayon:

1. Lalakarin ko na mula MRT North Avenue hanggang bahay (sa Tandang Sora) nang matunaw na ang dapat matunaw. Ilang kilometro lang naman. Tsaka umaga naman ako umuuwi, so wala pang gaanong polusyon. (Dalawang magkasunod na araw ko nang nasubukan ‘to, ang maglakad mula MRT pauwi na dadaan sa SM North, Mindanao Avenue, Veterans, Project 6, Congressional, at Road 20.)

2. Hindi na ako gagamit ng elevator papasok sa opisina. Kaya ‘yan. Ano lang ba naman ang 27 floors. Pampalusog na ng puso, pampaganda pa ng binti, hita, at puwet. Magandang cardio workout. Saka na uli ako lalangoy, pag kalaway-laway na uli ang katawan ko (di naman sa pagyayabang, pero sexy ako dati haha!). Baka kasi lamunin ng bilbil ko ang ibang lumalangoy.

3. Lagi ko nang sasayawin ang “Single Ladies (Put a Ring on It)” ni Beyonce – bago pumasok sa trabaho at bago matulog. Puwede rin habang break time sa opisina. O habang naglalakad pauwi. Dapat performance level para ma-maximize ang benefits ng workout.

4. Dadalasan ko na ang pakikipag-anuhan (baka may mag-react na naman ‘pag sinabi kong kangkangan). Ilang calories din ang nabu-burn nun. Anuhan sa agahan, anuhan sa tanghalian, at anuhan sa hapunan. Kung may panahon pa, anuhan sa merienda. Kelangang iba-ibang posisyon at degree of difficulty para may variety. Maraming puwedeng gayahin sa porn sa Internet.

5. Iiwasan ko na ang mga pagkaing mayaman sa transfat tulad ng fried chicken, french fries, ice cream, cookies, crackers, etc., etc. Wait lang, mahirap yata ‘to. Sige, ito na lang: Kakain pa rin ako ng fried chicken, french fries, ice cream, cookies, crackers, etc., etc. basta sundan ng ___ (kahit alin sa itaas).

6. Iiwasan ko na ang ma-stress. Sabi kasi nila, nagre-release daw ng sobra-sobrang cortisol ang katawan ‘pag stressed out ka. Dahil sa cortisol kaya tumatakaw ang isang tao. Kaya di ko na lang papansinin ang babaing eye sore sa opisina. Di na ako magrereklamo sa trabaho. Di ko na pahihirapan ang sarili sa pag-iisip kung bakit naiirita ako kay Willie Revillame. Di na ako manonood ng mga mind-fuck na pelikula.

Gusto ko rin sanang mag-gym, pero ‘wag na lang. Baka ma-stress pa ako sa ilang adik sa pagpapalaki ng kanilang mga masel (na inversely proportional naman sa kanilang utak). So ‘yon. Sana makayanan ko.

Thursday, March 12, 2009

10 Early Signs of Aging


1. Kung dati-rati’y nakukuha sa palakad-lakad lang sa Sunken Garden ang pag-shed sa mga unwanted pound, ngayon, kahit mag-marathon pa mula Quezon City hanggang Isabela, walang nagyayari.

2. Bawal ang kalendaryo sa loob ng bahay.

3. Nagingiti ‘pag naririnig sa iPod ang “Mmmbop” ng Hanson at “Get Down” ng Backstreet Boys

4. Sumasakit ang singit pagkatapos mag-lampaso sa bahay. Minsan, napa-paralyze sa pagod. Minsan, nako-coma.

5. Nag-iipon ng pambili ng mga anti-wrinkle cream, anti-aging moisturizer, neck at face lifting cream, at iba pang mga produktong kontra blotches, age spots, at fine lines.

6. Nagsisimula nang dalawin sa panaginip ng mga baboy na nilamon, yosing hinithit, at alkohol na nilaklak.

7. Sexual desire drops. Grrrr..

8. Madalas paglaruan ng mga duwende. Bigla na lang nawawala ang mga gamit. Bigla ring lilitaw.

9. Lahat, inirereklamo: kung bakit lasang plastic ang carrot, kung bakit walang buko sa fruit salad, kung bakit si KC ang gaganap na Vivian sa “Lovers in Paris” Pinoy version, kung bakit mapait ang buwakanang inang beer, kung bakit humi-hello ang buhok sa ilong ng kausap, etc.

10. Pumopogi. Seryoso

Wednesday, March 11, 2009

Wala na bang Gentleman Ngayon?


2500766129_95a63d2485

North Avenue Station. Unahan ang mga puwet sa pag-upo. Balyahan kung balyahan. Minalas ang sa ‘kin at kalahati lang ang nakaupo. Bad trip.

Quezon Avenue Station. Ilang puwet pa ang nagnasang makaupo. Dalawang aleng may kasamang bata ang pumuwesto sa harap ko. Pumikit ang mamang nasa dulo. Walang balak ibigay ang upuan. Tumayo ang katabi ko at pinaupo ang mas matandang babae. “Hay salamat,” sabi niya. Kinalong niya ang bata. Sa tapat niya tumayo ang kasamang babae. Panay ang tingin sa akin. Umaasa yatang gentleman ako. Tiningnan ko lang siya at lalong isiniksik ang puwet sa kinauupuan.

Cubao Station. Bumukas ang pinto. Walang pakundangan ang mga pasahero sa pagpipilit na ipasok ang katawan sa train. “Aray ko naman!” reklamo ng dalagang di ko alam kung naapakan ang daliri sa paa o nalamas nang mariin ang suso. Tatlong babae ang pumuwesto malapit sa akin. “Wala na bang gentleman ngayon?” tanong ng aleng katabi ko sa kasama niya. Pasaring na rin sa ‘kin to at sa iba pang mga lalaking nakaupo.

Gusto kong sabihin, “’Nay, di porke babae kayo, pauupuin na namin kayo. Ano kayo, sinisuwerte? Nauna ako sa puwesto, so manigas kayo. Pareho lang tayong nagbabayad. Kung pagod kayo, pagod din ako.”

Nagtulug-tulugan lang ako.

Bulong naman ng kasama ng aleng katabi ko (na narinig ko dahil wala naman talaga siyang balak sarilinin ang reklamo), “Grabe na talaga ang mga lalaki ngayon.”

Nangangati akong sabihin, “Ano bang nirerekla-reklamo mo diyan? Humihingi kayo ng equality, at sinasabi ninyong di kayo mahina, bakit di ninyo pangatawanan ‘yan? O baka naman ginagamit mo ang pagiging babae mo para makuha mo ang gusto mo? Sorry, ale, pero di uubra sa ‘kin ang ganyang modus operandi.”

Binasa ko na lang ang ilang tulang isinalin sa Filipino na nakapaskil sa MRT para mahupa ang kumukulo ko nang dugo.

--------------------------------

Ang nakakainis pa sa MRT, bakit kailangang ihiwalay ang mga babae sa mga lalaki. Okay, fine. On the one hand, disadvantaged ang mga babae dahil nasususugan ang mapangbansot (haha, very tibak) na tingin sa mga kababaihan bilang kasarian na mahina at dapat protektahan. On the other hand, disadvantaged ang mga lalaki dahil maraming babae ang nagpupunta sa puwesto ng mga lalaki, therefore, mas masikip. Sige, sundin natin at pangatawanan natin ‘yang segregation na ‘yan. Kung hindi tumatanggap ng mga lalaki sa women’s area, dapat hindi rin tumatanggap ng babae sa men’s area. O bakit hindi na lang tanggalin ang tanginang hindot na segregation na ‘yan?

Monday, February 2, 2009

Sa Joy, Tunaw ang Sebo!

Kanina lang niya sinimulang uminom ng diet pills. Diet pills na nagpapatuyo ng lalamunan. Para laging mauhaw. Para dumalas ang pag-inom ng tubig. Para madaling mabusog. Para mawala ang appetite sa pagkain ng paboritong shawarma rice with matching ham and egg. Para laging lumobo ang pantog. Para maya’t maya, umiihi. Para tayo nang tayo. Para lakad nang lakad papuntang CR na 25 metro ang layo sa kinauupuan. Para ma-burn ang unwanted fats. Para mawala ang umaalog-alog na bilbil sa tiyan na nagkapatung-patong, salamat sa Pasko at Bagong Taon. Para lumiit ang brasong dati’y singkartada ng kay Beyonce na ngayo’y mukhang higanteng brazo de mercedes. Para lumitaw ang matagal nang nagtatagong collar bones. Para maging muling maging kasipol-sipol ang legs na ginagapangan na ng varicose veins at cellulites.

Para makapagsuot na ng two-piece swimsuit sa beach. Para ma-discover at maisakatuparan ang pangarap na maging commercial model. Para mai-display sa mga billboard sa kahabaan ng EDSA ang 35-23-35 na katawan. Para maibenta ang mga produktong pampapayat/ pampaganda/ pampalasing/ pampalibog sa mga taong umiidilo sa kanya at hanga sa kanyang success story. Para lapitan ng mga bossing sa film industry. Para maging isang sikat na artista. Para makapareha si Piolo. Para mapangasawa si Piolo. Para makagawa ng maraming-maraming pelikula. Para maging Diamond Mega Superstar of all Season (Di lang Star of the New Decade).

Para masabi ang “Di kita kilala!” sa mga taong ngumudngod sa kanya sa putikan. Para tirahin at siraan ng press. Para maubos ang movie at commercial offer. Para iwanan ni Piolo. Para ma-depress. Para kumain nang kumain ng shawarma rice with ham and egg. Para bumilog ang mukha. Para mawala ang leeg at magtago ang collar bone. Para kumain pa ng maraming-maraming pagkaing nag-uumapaw sa transfat. Para maging mala-troso ang hita’t binti. Para muling katakutan ang brasong sinlaki ng paa ng elepante. Para mabalutan ng taba ang puso. Para mamatay.

Pero sa ngayon, tiis muna sa maya’t mayang pag-inom ng tubig at pag-ihi. (Ang payo ko, maligo ng Joy dishwashing liquid para tunaw ang sebo. Guaranteed!)

Friday, January 30, 2009

Open Letter sa mga Adik sa Pagbabate

Sunday, January 25, 2009

Ramdam na Ramdam Na

Si June. Pulang-pula na’ng mukha. Hindi na maibuka ang talukap ng mata. Nakangisi. Ngising di malaman kung nangmamanyak o nang-iinis o wala lang. Nakasandal sa monoblock chair. Si Brian. Dinedemostrate kung pa’no kinantot ang girlfriend sa loob ng isang kuweba sa Rizal. With matching ooohhh…aaahhh…ooohhh. Bidang-bida ang pakiramdam. Si Chely. Pudpod na ang mga daliri sa katetext. Parang nilukot na papel ang mukha. Panay ang buntung-hininga. Panay ang bulong ng “Leche.” Si Rene. Paubos na ang isang kaha ng Gudang Garam. Umuubo, dumidighay, at umuutot na ng usok. Si Rhona. Ikinukuwento ang mga nabasa tungkol sa mga bampira at zombie habang walang tigil sa pagpapak sa malamig nang sisig. Habang hinahaplos ang tenga ni Rene. Si Mother Darla. Isinasayaw ang “Single Ladies” ng idolong si Beyonce. In full choreography mode. Walang kapaguran. Si Butch. Sige sa pagkuha ng litrato ng mga kaibigan. Mga litratong ipopost sa Multiply at Facebook at papamagatang “Eto ang Itsura ng mga Nawalan ng Trabaho.”

Biyaheng Quiapo Papuntang Langit

My first attempt at writing erotica. I still have a lot to learn.


------

Biyaheng Quiapo Papuntang Langit

Kagat-labing pinagpapantasyahan ni Mel ang diyosang halos kita na ang kaluluwa sa tuktok ng isang gusali sa tapat ng Quiapo Church. Simputi at singkinis ito ng iba pang mga nagrereyna-reynahan sa kahabaan ng mga kalsada sa Maynila. Silang mga diyosang nakabuyangyang ang katawan, nagpapaligsahan sa pang-aakit sa mga motorista.

Hanep sa katawan. Pamatay.

Kating-kati na si Mel na sibasibin ng halik ang nangingintab na labi ng babae, panggigilan ang utong na bumabakat sa bra nito, at dilaan ang puking nagtatago sa manipis na panty. Lalong sumidhi ang pagnanasa ni Mel nang kindatan siya ng mapang-akit na diyosa. Sa rurok ng kalibugan, kulang na lang ay akyatin ni Mel ang higanteng kuwadrado, magsalsal, at mantsahan ang “Bench” na nakatitik sa kuwadrado.

“Manong, anong petsa tayo lalarga? Kanina pa tayo nakaparada rito, a,” pagtataray ng baklang abot langit ang taas ng kilay. Parang sinabuyan ng tubig ang nagbabagang kaligayahan sa pagitan ng mga hita ni Mel.

Alas dose na pala. Maaga pa akong mamamasada mamaya.

Pinaharurot ni Mel ang kalawanganing jeep. Nakapinta Sa itaas ng windshield ang mga pangalang “Lengleng” at “Junjun” at sa tapalodo ay nakatitik ang “God Bless Our Way”. Nangungupas na ang pintura sa sahig ng jeep. Kulay dilaw ang nababakbak nang bubong, pula naman ang butas-butas nang upuan. Nanlilimahid na rin ang kurtina sa tabi ni Mel. Isang bahin lang, tiyak, bibigay na ang jeep.

“Please lang, marami pa akong pangarap sa buhay,” irap ng bakla nang paspasan ni Mel ang takbo ng sasakyan.

Walang imik si Mel. Nagmamadaling makauwi nang maihiga na ang katawang maghapong tinagtag ng biyahe. Kating-kati na rin siyang iligo ang mga libag na namuo sa singit-singit ng kanyang katawan dala ng pinagsama-samang usok, alikabok, at pawis. Kulang na lang ay lumipad siya pauwi nang maipagpag na ang kunsomisyong dulot ng makalusaw-pasensiyang trapiko, pasaway na motorista, at mga pasaherong walang konsepto ng pagbabayad.

Para!”

Sa wakas, makakauwi na rin ako.

Tatanggalin na sana ni Mel ang signboard nang parahin siya ng dalawang babae sa ilalim ng overpass sa Delta. Naghintayan sila kung sino ang tatabi kay Mel at kung sino ang pupuwesto sa may bungad. Naupo sa tabi ni Mel ang may katangkaran ngunit payat na babae. Pilit namang isiniksik ng kanyang kasama ang malaking puwet nito sa upuan. Halos bumigay ang gulong ng jeep sa bigat ng babae.

Panakaw na hinagod ng tingin ni Mel ang katawan ng katabi. Napangiti siya nang mapansing may kaliitan ang suso nito. Di hamak na bubot kumpara sa nagmumurang suso ng mga modelong araw-araw niyang pinagbabatehan.

“Friend, mami-miss talaga kita. Wala na akong kakulitan sa shift natin. Alam mo ‘yon, ikaw lang ang nakakaharutan ko,” sabi ng dambuhalang babae habang nagkakalkal ng barya sa bag.

“Ha’mo, pag endo ka na rin, sabay tayong mag-aplay sa SM. Chika sa ‘kin ng pinsan ko, bukod sa mas maraming guwapo, mas malaki raw ang kita do’n.”

“Pustahan tayo, may kalyo na ang pisngi ng pinsan mo sa maghapong pagngiti sa mga kostumer. Si ate nga, matapos magtrabaho sa SM, ang mga ugat sa paa, diyosmiyo, puwede nang anihin at ilako sa palengke.”

Pangisi-ngisi si Mel habang pinakikinggan ang walang prenong kuwentuhan ng dalawang pasahero. Naranasan na rin kasi niyang magtrabaho sa isang department store. Hindi naman nangalyo ang pisngi niya sa kangingiti, napudpod lang ang lalamunan niya sa walang humpay na pagdedemo sa isang magic kutsilyo. Kutsilyong kayang humiwa ng prutas, karne, plastik, kahoy, semento, bakal, bato. Muntik na ring maputulan ng daliri si Mel nang mapagkamalan niyang okra ito. Dala ng matinding pagod. Nang ma-endo, ginamit niya ang jeep na iniwan ng kanyang kuyang nakipagsapalaran sa Dubai.

Tuloy ang dakdakan ng dalawang babae.

“Uy, kumusta na kayo ng boyfriend mong pinaglihi sa titi? Bati na ba uli kayo ng gagong ‘yun?” usisa ng babaeng nagmamantika na ang mabilog na mukha.

“Hayup siyang hindot siya, wala siyang kuwenta.”

“Dapat lang, ‘no. Kung ako rin ikaw, naku, hihiwalayan ko rin ‘yang hinayupak na ‘yan. Sa ayaw mo pang magpatira, e. ‘Yun lang talaga ang habol sa ‘yo ng gagong ‘yun.”

Hayup, birhen pa pala.

Napansin ni Mel na unti-unting umuusog palapit sa kanya ang katabi. Hanggang sa magdikit ang kanilang mga balikat. Muling nagningas ang libog sa katawan ni Mel. Bahagya siyang napa-aray nang mahatak ng sabik na sabik niyang titi ang makapal niyang bulbol. Sige pa rin sa pagratatat ang dalawang babae. Sumimple si Mel sa pagkambiyo kay manoy. Nahuli niyang nakatingin sa kanya ang katabi. Agad na inilabas ni Mel ang kamay sa basketball shorts. Pakiramdam niya, nahuli siyang nagsasalsal ng kanyang ina. Nginitian siya ng babae. Tulirung-tuliro si Mel.

Ayos, to. Jackpot ka, Mel.

Sa SM North bumaba ang babaeng sa isip-isip ni Mel ay refrigerator na dinamitan, sinapatusan, at minake-up-an.

Binagalan ni Mel ang pagpapatakbo sa sasakyan nang makasama pa nang matagal ang naiwang pasahero. Panay ang sulyap niya sa babae. Nanginginig na tinanggal ni Mel ang signboard. Sasabog na ang kanyang dibdib sa sobrang pagnanasa. Bahagyang ibinuka ng babae ang kanyang mga hita. Nagmamantika na ang kanyang tigyawating mukha sa tindi ng init na nararamdaman.

Ipinusod ng babae ang kanyang buhok. Lumitaw ang mahaba at mabuto niyang leeg. Pinagpag niya ang alikabok sa blouse at in-adjust ang strap ng bra. Namungay ang singkit na mata ng babae at nginitian si Mel. Napalunok siya sa ginawa ng babae. Pinahid niya ng nanlilimahid na Good Morning towel ang pawis sa kanyang leeg.

Tangna, Mel, makaka-iskor ka.

Nataranta si Mel sa sumunod na ginawa ng dalaga. Walang kagatul-gatol na sinapo nito ang harapan ng lalaki. Pinisil niya ang kargada ng tuliro nang si Mel. Gumewang-gewang ang andar ng jeep.

Aligagang ipinarada ni Mel ang jeep sa isang madilim at di mataong sulok ng Visayas Avenue, sa tabi ng isang punong mas matanda pa sa kanyang mga ninuno. Walang inaksayang oras si Mel. Ipinasok niya ang namamawis niyang kamay at sabik na sabik na nilamas ang di kaumbukang suso ng babae. Gigil na kinurot ang utong.

“Aray naman, dahan-dahan lang.”

Hinubad ng babae ang blouse at bra. Hindi makapaniwala si Mel sa nangyayari. Nang mahubad ng babae ang dapat hubarin, nanlaki ang mga mata ni Mel. Agad niyang dinalahirot ng kanyang dila ang kambal ng dalaga. Parang sanggol si Mel na ilang buwang di pinasuso ng ina. Napakagat ng labi ang babae. Pumikit siya nang mariin at dinama ang kuryenteng (ilang boltahe rin) dulot ng paglalaro ng dila ni Mel.

“Ganyan lang. Ang sarap,” singhap ng babaeng mabaliw-baliw na sa sarap.

Lalong ginanahan sa kanyang ginagawa si Mel. Hinimas-himas niya ang hita ng babae. Inililis niya ang palda saka idinantay ang nanginginig na palad sa maumbok na puki ng babae. Napaungol nang malakas ang babae nang pagapangin ni Mel ang mga daliri sa loob ng magaspang na panty. Agad na hinanap ang basang-basa nang puki at hinimas ang tinggil. Hindi maipinta ang mukha ng babae sa langit na nadarama. Napalakas ang halinghing ng dalaga nang igiya ni Mel ang daliri sa hiwang kumikibut-kibot. Ibinuka niya ang kanyang mga hita at nagpaduyan sa ikapitong glorya.

“Aaaaaaa.” Umagos ang malagkit na likido mula sa kapirasong karne.

Humihingal na ibinaba ni Mel ang basketball shorts at ang basang-basang brief hanggang tuhod. Umigkas na parang spring ang titi ni Mel. Pigil sa pagtawa ang dalaga. Paano kasi, kung palakihan at patabaan ang labanan, kakain ng alikabok ang alaga ni Mel (pagtabihin ang pentel pen at lapis). Gayunpaman, matikas ito at parang sundalong handang sumabak sa digmaan sa Mindanao, sa Iraq, at maging sa Aprika.

Napakapit nang mariin sa manibela si Mel nang hagurin ng dila ng babae ang katawan ng kanyang titi at paglaruan ang ulo nito. Umunat ang kanyang binti at nanigas ang mga daliri sa paa. Muntik pang pulikatin. Sa pagkakataong ito, mas pipiliin pa ni Mel na makipagtalik na lang buong araw, jingle lang ang pahinga, kaysa mamasada maghapon at kumita nang kakarampot.

Hindi magkamayaw si Mel sa pag-iskrima ng babae sa kanyang kaselanan. Kung may paligsahan ng pagmumura, tiyak, panalo si Mel. Lahat na yata, minura na niya. “Tanginaaaaa!” “Putang amaaaaa!” “Tangna mo, Gloriaaaaa!” Maging ang mga pasaway na pasahero, mga kotong cop, baku-bakong kalsada, at mga santa santita sa Quiapo Church, minura ni Mel.

Pumatong ang babae sa kandungan ni Mel. Nagtataka ang lalaki sa ipinamamalas na agresyon ng babae, gayung kanina lang ay narinig niyang birhen pa ito. Pero walang pakialam si Mel. Para sa kanya, ke birhen o hindi, ayos lang, pekpek pa rin. Kulang man sa sampung paligo ang babaeng kajugjugan niya kumpara sa mga naggagandahang babae sa tuktok ng mga gusali, ayos lang para kay Mel. Kipay pa rin ‘yon.

Lalong naulol sa sarap si Mel nang gumiling ang babae. Nariyang sapuhin niya ang suso nito, lamutakin ang puwet, ipulupot ang mga kamay sa balakang nito, at sabunutan ang sarili. Kulang na lang ay kuyumin niya ang rosaryong nakasabit sa harap ng sasakyan. Napahiyaw si Mel nang pumulandit sa kaloob-looban ng dalaga ang tamod niya. Nalukot ang kanyang mukha. Kung sinu-sinong diyos ang minura ni Mel sa grasyang natanggap. Nagtakip ng kanyang tenga ang dibuho ni Santo Niño sa tagiliran ng jeep. Naeskandalo sa pinaggagagawa nina Mel.

Sa wakas, natapos ang sinimulan. Tuluy-tuloy, walang hadlang. Kabaligtaran sa sistemang kontraktuwal, putol-putol, ang nasimulan ay di natatapos. Kung puwede lang sanang anurin ng rumaragasang dagta ng dalawang nilalang ang problemang kinakaharap nila bilang mga aliping lublob sa balon ng paghihirap, gayung nagdurugo sa umagatanghaligabing pagkayod.

Lantang gulay si Mel matapos ang umaatikabong bakbakan. Nanginginig pa rin ang pagal na katawang kanina lang ay mayupi-yupi na sa pamimilipit. Tahimik namang nagbibihis ang babae. Nakanganga lang sa kanya si Mel. Nginitian siya ng dalaga.

“First time mo, ‘no?” tanong ng babae.

“Pareho lang tayo,” nahihiyang tugon ni Mel, hindi makatingin nang diretso sa babae.

“Hindi rin,” pilyang ngisi ng babae.

“Ha, ‘kala ko ba birhen ka pa? Narinig kong pinag-uusapan n’yo kanina.”

“A, ‘yon ba? ‘Yong boyfriend ko kasi, gusto akong kantutin sa puwet. E, ano ako, sira?”

Natulala si Mel sa tinuran ng babae. Hindi niya akalaing birhen sa puwet pala ang babae.

“300 na lang,” sabay hablot ng babae sa kaha at binilang ang perang pinaghirapang kayurin ni Mel sa pamamasada. “May discount na ‘yan. Mukha ka kasing mabait.” Agad ding isinoli ng babae ang kaha nang makuha ang kailangan.

Bagsak ang panga ni Mel hanggang hita.

“Sa ganitong panahon, kailangan kong mamukpok nang mamukpok. Giyera kung giyera,” isinuksok ng babae sa kanyang bag ang tatlong daang piso.

Napapakamot ng ulo si Mel habang nakatitig sa natitirang barya sa kaha.  

“O, siya, tara na. Baka maispatan pa tayo ng pulis, delikado,” sabi ng babaeng blangko ang mukha.

Nanlalatang pinalipad ni Mel ang karag-karag na jeep.

Monday, January 19, 2009

Big Brother sa Opisina


Pwede naman na sigurong mag-blog, no? Wala naman na akong ginagawa dito sa opisina, since tapos ko na lahat ng trabaho ko. Sinobrahan ko pa sa quota para walang masabi ang kliyente namin. Alangan namang tumunganga lang ako. 'Yoko na rin namang magyosi kasi makapal na'ng dila ko at masakit na sa lalamunan. Di naman ako nakapagdala ng libro kaya walang mabasa. Di rin naman ako pwedeng mag-surf sa Internet kasi may matang nakamasid. Yup, under surveillance ang PC ko. Last week lang nilagyan ng monitoring software. Para raw namamanmanan nila ang mga aktibidades namin. Para raw ginagawa namin ang trabaho. Classic panopticon 'to. E, pano 'pag tapos na ang mga kelangang tapusin? Di naman pwedeng matulog dahil bawal. Sinasabi nilang magiging mas productive daw pag laging minomonitor. E, lalo nga akong bumagal nang lagyan nila ng espiya ang PC ko. Writing job pa naman 'to. Di nila naiintindihan na 'pag inaagiw ang utak mo at magdugo ang ilong sa kapipilit na may maisulat, kelangang may diversion. Ang diversion ko dati, magbasa-basa ng mga blog, magpost sa mga forum, makipagchat sa YM, at manood ng mga clips sa Youtube. Dahil do'n nawawala ang katigangan ng utak ko. E, ngayon, di na raw pwede 'yon. Sinubukan ko minsang mag-surf. Tapos na kasi ang trabaho ko. Kinabukasan, sinabihan ako ng staff ng IT na kitang-kita raw nila LAHAT ng logs ko. LAHAT. Siyempre natakot ako. Nababasa raw ang usapan sa chat, pati ang mga username at password ko sa Yahoo, Gmail, at Blogspot. Grabe. Pordyosporsanto. Super violated ako. Malamang binabasa/babasahin nila 'tong sinusulat ko ngayon. Exciting to.