Sunday, June 28, 2009

Michael Jackson Overload


1

Today was Michael Jackson Day. Pagkagising na pagkagising ko kanina, sinindihan ko ang radyo. Si Michael Jackson ang balita. Nakinig lang nang konti, tsaka ko pinatay. Nanood ako ng TV. Jacko sa Etc, sa CNN, sa BBC, sa MTV, kahit sa ilang Korean at Chinese channels.

Jacko music video marathon naman sa MYX. Sobrang na-enjoy ko dahil naalala ko ‘yong kabataan ko. No’ng nakikinuod ako ng MTV kina Ate Grace. Nakahiga pa kaming magpipinsan no’n sa semento habang nanonood. No’ng kinokompetensiya ko ang ilang pinsan sa padamihan ng alam tungkol sa mga music video ng King of Pop. Hay, nostalgia galore.

Nang magsawa, binisita ko ang peyups.com. Sabi ng isang poster: ”Kaya don’t be sad people. Celebrate! Wear white gloves. Dance. Moonwalk.” ‘Yoko nga, magmumukha lang akong tanga. Gusto ko ang music ni Jacko, pero di ako gano’n ka-fan para i-channel ang kumakadyot-kadyot na Jacko.

Bumisita rin ako sa iTunes. Wala akong masabi sa powers ni Jacko. Siyam na album niya ang nasa top 10 albums downloads chart. At marami siyang singles na namamayagpag sa singles charts. Ang “Man In the Mirror”, isa sa mga pinakagusto kong Jacko song, ang #1. Wow!

Sa Facebook, nakiuso ako at sinagutan ang “Which Michael Jackson Song Are You” quiz. Ang resulta: “Billie Jean”.

Niyaya ako ni Boots na lumabas para bumili ng de lata sa tindahan sa labas ng village. E, tinatamad ako. Mainit kasi sa labas, ayokong pagpawisan. Mapilit siya, so ang sabi ko: ”Tinatamad akong lumabas. Patay na kasi si Michael Jackson.”

2 comments:

Zweihander said...

Buti pa si Farah Fawcett. God bless their souls.

Tonton said...

Di man lang siya isinama sa In Memoriam sa Oscars.