French Film Festival na naman. E, ‘yong super excited akong kumandi-kandirit papuntang sa Shangri-La. Van Gogh ang 8 pm screening. Interesting, sabi ko. Art Studies naman ang undergrad ko, so mukhang magugustuhan ko.
Ang ganda. Sobra. Sarap matulog sa sinehan. Kung gusto mong ma-coma, panoorin mo ‘to.
Draaaaaaging! Ang daming unnecessary scenes. Confused ang filmmaker kung ano ang ifo-focus (problema ng mga baguhang indie-indiehang direktor sa Pinas). Makatunaw-pasensiya ang editing. Namatay talaga ako no’ng nasa loob ako ng sinehan. Kung ugali ko lang ang magwalk-out, lalayasan ko talaga.
Alam kong may paepek ang direktor kung bakit gano’n ang approach niya. Pero, sorry. Di umepek sa akin. Sa iba siguro. na-trauma tuloy si Stan, ‘yong friend ni Anmare na baguhan sa French Film Fest. Di na raw uli siya manonood. Haha!
2 comments:
E 'di sana pala nagpaburger ka na lang? Hahahaha
ska na ang burger, pag afford ko na. haha
Post a Comment