Pwede naman na sigurong mag-blog, no? Wala naman na akong ginagawa dito sa opisina, since tapos ko na lahat ng trabaho ko. Sinobrahan ko pa sa quota para walang masabi ang kliyente namin. Alangan namang tumunganga lang ako. 'Yoko na rin namang magyosi kasi makapal na'ng dila ko at masakit na sa lalamunan. Di naman ako nakapagdala ng libro kaya walang mabasa. Di rin naman ako pwedeng mag-surf sa Internet kasi may matang nakamasid. Yup, under surveillance ang PC ko. Last week lang nilagyan ng monitoring software. Para raw namamanmanan nila ang mga aktibidades namin. Para raw ginagawa namin ang trabaho. Classic panopticon 'to. E, pano 'pag tapos na ang mga kelangang tapusin? Di naman pwedeng matulog dahil bawal. Sinasabi nilang magiging mas productive daw pag laging minomonitor. E, lalo nga akong bumagal nang lagyan nila ng espiya ang PC ko. Writing job pa naman 'to. Di nila naiintindihan na 'pag inaagiw ang utak mo at magdugo ang ilong sa kapipilit na may maisulat, kelangang may diversion. Ang diversion ko dati, magbasa-basa ng mga blog, magpost sa mga forum, makipagchat sa YM, at manood ng mga clips sa Youtube. Dahil do'n nawawala ang katigangan ng utak ko. E, ngayon, di na raw pwede 'yon. Sinubukan ko minsang mag-surf. Tapos na kasi ang trabaho ko. Kinabukasan, sinabihan ako ng staff ng IT na kitang-kita raw nila LAHAT ng logs ko. LAHAT. Siyempre natakot ako. Nababasa raw ang usapan sa chat, pati ang mga username at password ko sa Yahoo, Gmail, at Blogspot. Grabe. Pordyosporsanto. Super violated ako. Malamang binabasa/babasahin nila 'tong sinusulat ko ngayon. Exciting to.
Monday, January 19, 2009
Big Brother sa Opisina
Posted by Tonton at 1:46 PM
Labels: big brother, panopticon, workplace surverillance
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
Hindi mo ba yun pwede ma-disable? Try mo kaya. Mas exciting yun.
di pwede e.
Tapos na ako sa work kaya petix mode na muna. at malamang sa malamang, nababasa din nila tong message ko na to. haha
Hay nako ako naghahanap ng mga company na tumatanggap ng intern. Kainis.
hehe. kaya mo yan. nananalig ako sa yo. hehe
Ayown. Salamat naman.
Post a Comment