Saturday, August 8, 2009

Hyperimbyerna sa Hypermarket


logo

Sinita ako ng lady guard no’ng papasok na ako sa SM Hypermarket sa SM North. May suot kasi akong backpack at dire-diretso lang ako sa loob. Winarningan na ako ni Boots na sisitahin daw ako ‘pag di ko dineposit ang bag. E, ang dami kayang tao sa loob na may malalaking bag, so in-assume ko na lang, pwede ang bag ko.

Lady Guard: Ser, pakiiwan na lang po ang bag sa counter.
Ako: Bakit ang ilang tao sa loob, may dala-dalang bag. Ang lalaki pa.
Lady Guard: E, kasi po, backpack ang sa inyo.
Ako: Pa’no kung magdala ako ng sling bag na sinlaki ng sako, okey lang ‘yon?

Bihira akong mag-snap sa harap ng maraming tao, pero di ko na napigilan. Pinalampas ko na lang, kesa naman gumawa pa ako ng eksena.

Sa loob, tingin ako nang tingin sa mga bag ng mga naggo-grocery. Sinusukat kung mas malaki sa backpack ko. Panay ang reklamo ko kay Boots na maraming bag ang mas malaki sa bag ko. Natatawa siya dahil hindi sa pamimili ako naka-focus, kundi sa pagsusukat ng mga bag. Meron pa ngang isa, may dalang travel bag. Kumusta naman ‘yon? Dahil medyo pormal ang suot nila? Dahil makinis ang balat nila? Dahil mukhang mayaman sila? Dahil mukhang di sila magnanakaw?

Samantalang ako, porke nakashorts lang at nakatsinelas at kita ang maugat at maalikabok na paa, di na dapat pagkatiwalaan at kelangang ipaiwan ang maliit na backpack sa counter?

Makapag-social experiment nga…



3 comments:

Zweihander said...

Ako nga, nanggigitata ang paa sa putik at dugyut na dugyot ang itsura sa pawis, pero walang nagawa ang guard sa Shopwise nung sinabi kong "May laptop akong dala."

"Ah sige po sir, pasensya na po kayo sir."

Tonton said...

and for that, magdadala ako ng desktop.

Zweihander said...

Bonggang bonggang red carpet ang sasalubong sa iyo.