Sunday, May 3, 2009

So, nanalo pala si Pacman. Fine.


pacquiao-hatton


As of this writing, ipinapalabas pa lang ang laban sa GMA 7. Dinig na dinig ko ang announcer sa TV ng mga kapitbahay ko. Panay ang hiyawan ng mag-asawa sa tabi ng unit ko. Pati ang pamilyang Muslim sa likod, sigaw nang sigaw nang “Whoa!”. Ganun din ang mga construction worker sa labas ng subdivision (Yes, naririnig ko ang sigawan nila). Inulan na rin ako ng mga text na nanalo na nga si Pacman in just 2 rounds. Sa Facebook, unahan ang mga kaibigan ko sa pag-congratulate sa ultimate pound-for-pound king.

Okey. Congrats. Nanalo na naman ang Pambansang Kamao.

I’m sure, pagbalik ni Pacman ditto sa Pinas, bonggang-bonggang karnabal na naman ‘to. Motorcade sa Manila kung saan dudumuging parang Nazareno si Pacman. Habang ang mga oportunistang buwakanang inang hindot na politiko ay todo kaway sa mga tao. Magpupunta sa Malacanang para sa isang photo op with the President. Perfect para sa pagpapabango ng pangalan. Pagpipiyestahan si Pacman ng media. Iinterbyuhin si Jinky at ang mga anak nila. At siyempre, di mawawala sa spotlight ang fast-rising star na si Aling Dionisia, with matching “Hay Diyos ko” sabay himatay. Ang buong Pilipinas, si Pacman ang isinisigaw. 

Nakakairita. Sana di na lang siya nanalo. Don’t get me wrong. It’s not a case of crab mentality.

 1. Naisasantabi ang ilang sports in favor of boxing. Admit it, adik tayo sa boxing (at basketball). At dahil ito ang sikat sa madla, may tendency na ibuhos ng sports bodies ang attention nila dito. Kaya ang dali lang makapag-produce ng magagaling na boxer. E, pa’no naman ang ibang sports? Well, they’re struggling for our attention. ‘Pag may events sila, walang publicity. ‘Pag nanalo, hindi sila front page. At ang funding at incentive, kumusta naman. Pero kung boxer ka at nanalo sa isang major na laban, asahang ikaw ang ibabandila sa primetime news.

2. Dahil sa pagkapanalo ni Pacman, nagsilitawan ang mga oportunistang buwakanang inang hindot na politiko. The nerve! Arrrrgh! Malapit na ang election, so asahan ang pag-epal ng mga politiko. Pustahan, mag-uunahan silang magpa-picture-picture kasama si Pacman habang itinataas ang kamay ng boxer. Tangina. Ang sarap nilang regaluhan ng isang matinding sliding forearm smash.

3. His victory increases his chances of grabbing a seat in Congress. Wala akong problema sa pagtakbo ni Pacman. That is, kung genuine ang intention niya. E, ang lumalabas, sinusulsulan siya ng mga ilang oportunistang buwakanang inang hindot na politiko. Kung ako sa kanya, mag-boxing na lang siya. ‘Wag na siyang sumabak sa politika.

4. Masa-saturate na naman ang TV ko ng mga commercial niya. Kelangan ko nang bumili ng ear plug at Visine.

5. Para sa bayan o para sa pera? 

2 comments:

Zweihander said...

At dahil nanalo siya, araw-araw ko naririnig ang kanta niya habang pauwi. Wala na atang ibang sound track ang CityLink kung 'di ang Pilipino, Pilipino, Pilipino ang lahi ko... Pinoy ako! Hindi ako nakakatulog kaya grogging-groggy ako. :(

Tonton said...

kaya nga di ako nagbabasa ng newspaper at nanonood ng balita sa tv at nakikinig sa local fm, e. grrr...