Wednesday, March 11, 2009

Wala na bang Gentleman Ngayon?


2500766129_95a63d2485

North Avenue Station. Unahan ang mga puwet sa pag-upo. Balyahan kung balyahan. Minalas ang sa ‘kin at kalahati lang ang nakaupo. Bad trip.

Quezon Avenue Station. Ilang puwet pa ang nagnasang makaupo. Dalawang aleng may kasamang bata ang pumuwesto sa harap ko. Pumikit ang mamang nasa dulo. Walang balak ibigay ang upuan. Tumayo ang katabi ko at pinaupo ang mas matandang babae. “Hay salamat,” sabi niya. Kinalong niya ang bata. Sa tapat niya tumayo ang kasamang babae. Panay ang tingin sa akin. Umaasa yatang gentleman ako. Tiningnan ko lang siya at lalong isiniksik ang puwet sa kinauupuan.

Cubao Station. Bumukas ang pinto. Walang pakundangan ang mga pasahero sa pagpipilit na ipasok ang katawan sa train. “Aray ko naman!” reklamo ng dalagang di ko alam kung naapakan ang daliri sa paa o nalamas nang mariin ang suso. Tatlong babae ang pumuwesto malapit sa akin. “Wala na bang gentleman ngayon?” tanong ng aleng katabi ko sa kasama niya. Pasaring na rin sa ‘kin to at sa iba pang mga lalaking nakaupo.

Gusto kong sabihin, “’Nay, di porke babae kayo, pauupuin na namin kayo. Ano kayo, sinisuwerte? Nauna ako sa puwesto, so manigas kayo. Pareho lang tayong nagbabayad. Kung pagod kayo, pagod din ako.”

Nagtulug-tulugan lang ako.

Bulong naman ng kasama ng aleng katabi ko (na narinig ko dahil wala naman talaga siyang balak sarilinin ang reklamo), “Grabe na talaga ang mga lalaki ngayon.”

Nangangati akong sabihin, “Ano bang nirerekla-reklamo mo diyan? Humihingi kayo ng equality, at sinasabi ninyong di kayo mahina, bakit di ninyo pangatawanan ‘yan? O baka naman ginagamit mo ang pagiging babae mo para makuha mo ang gusto mo? Sorry, ale, pero di uubra sa ‘kin ang ganyang modus operandi.”

Binasa ko na lang ang ilang tulang isinalin sa Filipino na nakapaskil sa MRT para mahupa ang kumukulo ko nang dugo.

--------------------------------

Ang nakakainis pa sa MRT, bakit kailangang ihiwalay ang mga babae sa mga lalaki. Okay, fine. On the one hand, disadvantaged ang mga babae dahil nasususugan ang mapangbansot (haha, very tibak) na tingin sa mga kababaihan bilang kasarian na mahina at dapat protektahan. On the other hand, disadvantaged ang mga lalaki dahil maraming babae ang nagpupunta sa puwesto ng mga lalaki, therefore, mas masikip. Sige, sundin natin at pangatawanan natin ‘yang segregation na ‘yan. Kung hindi tumatanggap ng mga lalaki sa women’s area, dapat hindi rin tumatanggap ng babae sa men’s area. O bakit hindi na lang tanggalin ang tanginang hindot na segregation na ‘yan?

4 comments:

Anonymous said...

Kaya ayaw kong umuupo sa LRT o MRT eh. Unless na maganda or gwapo yung makakatabi ko. Haha

Tonton said...

Haha. May statement ganyan.

wiLfRed said...

lols. funny.. :D

Tonton said...

hi wilfred. that sea urchin nearly downed me.