Magtatatlong linggo na ako sa trabaho. Ayos naman. Nag-a-adjust pa rin. 'Yon nga lang, di ko talaga kayang labanan ang pagkainip. Nagfa-flash talaga sa harap ko ang salitang INIP. Pa'no kasi, 2am pa lang, tapos na ako sa mga ginagawa ko. E, 6am pa ang end ng shift. Gustuhin ko mang matulog, bawal. Kulang na lang, lagyan ko ng tungkod ang talukap ng mga mata ko. Di naman ako puwedeng uminom ng kape, na nagapahilo at nagpapasuka sa akin. Pamatay talaga. Para akong nasa isang emergency room. Comatose.
Mabuti na lang at puwedeng lumabas kahit anong oras. Ayun, para akong kapreng nananabako sa gilid ng swimming pool. Mas gusto ko 'yong ako lang ang mag-isa. Solo ko ang lugar. Para makapag-emote na rin (minsan kasi ang sarap lang ng feeling na nag-eemote ka). Pero minsan, natitiyempuhan ko rin dun 'yong isang barkada. Iritang-irita ako sa tinis ng pagtawa ng babaeng feeling close sa akin no'ng unang araw (gabi) ko sa trabaho. I-add ko raw siya sa Friendster o sa Facebook. Lukaret. Ang sarap hugutin ng ngalangala at lunurin sa pool.
Hanggang ngayon, wala pa rin akong nakakausap sa team namin. Hanggang hi-hello lang kami. Walang progress. Gano'n pala 'yon. Paminsan-minsan, naghahanap ka rin ng makakausap para pumatay ng oras. Pero ayos lang, sanay na ako do'n. A, no'ng Biyernes pala, nakakuwentuhan ko 'yong isang babae sa team namin. So far, siya pa lang ang nakikita kong may sense of humor (e kasi siya pa lang naman ang nakakakuwentuhan ko talaga). Ang pinagkuwentuhan namin: SEPPUKU.
--------
Sa mga gusto akong i-psychoanalyze, nagkakamali kayo ng pagbasa. hahaha.
0 comments:
Post a Comment