Monday, July 7, 2008

Dyesebel-Dyesebelan at Grepahan sa Sarah's

Tagal ko na palang di lumalangoy. Mahigit dalawang buwan na. Kinakalawang na ang mga kasu-kasuan ko. E, kahapon, nagswim kami sa Teacher's Village. E, private pool 'yon, so medyo maliit lang at di talaga puwedeng mag-laps.

Pero masaya talaga, lalo na't kasama ang mga kuwelang sina Queenie (Princess of theStars), Mako (Pincess of the Orient), at Cyrho (MV Dona Paz). Di dapat ako maglulublob, kaya lang, nainggit ako. Ayun, pinahiraman ako ni Mako ng shorts. Nakakahiya kasi pambabae at floral pa.


Ito si Marian Rivera matapos ang aksidente.



Ayaw pang umuwi ni Mako after mag-swim. So yun, diretso kami sa Sarah's para, ano pa nga ba, lumalklak ng alkohol. Si Cyrho, maagang umuwi, sinundo ng kanyang future hubby. Mayaman 'to. Hahaha!


Si Curacha, Si Isaw King, at si Angel Locsin

Napurga ako sa barbecue at isaw manok. Sarap talaga ng tae. Si Mako, di naubusan nang kuwento tungkol sa mga problema n'ya sa buhay. Pero ayos lang, matagal na rin kasi naming di nakakasama ang hitad. At ang lakas uminom. Medyo kinabahan nga ako, baka maglupasay siya at buhatin namin pauwi. Awa ng Diyos, di naman.

0 comments: