No'ng isang araw.
Job orientation. Maraming nagtatanong kung sinong sumampal sa 'kin nang todong-todo't bigla ko na lang naisipang pumasok sa trabahong kahit suhulan ako ng isang milyong piso'y di ko papangasin. Masyadong sensitibo sa 'kin ang isyung 'to kaya di muna ako sasagot. Sa ngayon, kailangan ko munang mag-ipon nang lakas para kolektahin at kainin ang mga salitang isinuka't itinae ko.
Kahapon.
Nanood kami ni Anne ng opening ng UAA Season 71. Siyempre, host ang UP. Isa lang ang masasabi ko: ang yayabang ng mga isko't iska. Hahaha! Bumaha na naman ng mga t-shirt na "We Set the Standard" at "UP Ako, Ikaw?" at "Tres sa UP, 100 sa Iba". 'Yong iba pa nga, suot-suot ang lanyard na ipinagsisigawang "Hoy, tingnan mo ako. Mamatay ka sa inggit!" Ako naman, attitude lang ang suot ko. Uulitin ko, UP attitude. 'Yong tipong nangangain ng mga tanga. Hahaha!
Nagkita kami rin kami ni Steve pagkatapos ng opening ceremony. Natuwa naman ako't sobrang nag-click sila ni Anne, mapa-politika, kulturang popular, o kantutan ang usapan. Pagkatapos kumain sa ___ (di ko matandaan ang lugar), naglakad-lakad kami sa Araneta Center. Yosi. Kuwentuhan. Yosi pa. Siyempre, pilit inuungkat ni Steve ang dahilan kung bakit tinanggap ko 'yong trabaho. Nakakainis ang mga "I told you" niyang mga ngiti. Siya kasi ang numero unong kontra sa mga bagay na pinaninindigan ko.
Mamaya.
Magsi-swimming kami sa Teacher's Village. Kasama si Queenie, Cyrho, Mako, at Badang. Pupunta ako, pero di ako magtatampisaw. Medyo di maganda ang pakiramdam ko. Mahirap na, baka di ako makapasok sa unang araw ng trabaho ko.

0 comments:
Post a Comment