Isang linggo na akong naglilimlim ng itlog, pero wala pa ring nangyayari. Gusto kong maging high-quality (kung di man for export) ang itlog. Gusto kong pasarapin nito ang sopas o tortang talong o lahat ng -silog sa mga turo-turo. 'Yong tipong makakaramdam ng langit (mas gusto ko ang impiyerno) ang sinumang makakain sa pinaghirapan kong limliman.
Inilabas ko na ang lahat ng init sa katawan at utak ko, pero mukhang magiging bugok ang itlog. Nagkulang ba ako sa sustansiya? Naging pabaya ba akong mangingitlog? O, baka kulang lang talaga ako sa init - dahil sa lumulubog-lumilitaw na inspirasyon?
------
Dagdag: Ang tanga ko. Haha! Inedit ko na. Di ko sasabihin kung ano'ng inconsistency 'yon. Haha!
0 comments:
Post a Comment