Panahon na naman ng Eiga Sai. No'ng nabasa ko'ng synopsis ng "Linda Linda Linda", sabi ko, mapanood nga. Mukhang light comedy at di 'yong typical mindfuck Japanese films.
Inaantok ako no'ng unang 10 minuto. Dala siguro ng sobrang pagod. Halos sumadsad na kasi sa sahig ang dila ko sa kamamadaling makarating sa Shangri-La.
So, balik tayo sa pelikula. 'Yon nga, inantok ako sa umpisa. Di ko kasi masundan kasi andaming pangalang sinasabi. Iniisip ko, sino sa kanila si Linda? Saka ko lang nalaman na pamagat pala 'yon ng kanta ng Japanese punk band na blue Hearts.
Tungkol 'to sa isang all-girl high school band na naghahanap ng bagong bokalista. Napakatipikal ng kuwento. Pero wala akong panahong magpaka-intelektuwal no'ng pinapanood ko 'to. Basta ang alam ko, napatawa niya ako. Solb na ako do'n. Solb na solb, sa totoo lang.
Pinakagusto kong eksena 'yong nag-meet si Son at 'yong secret admirer niya sa equipment room. Halong kilig at tawa at inis at awa.
Andito si Noriko ng "Battle Royale" at 'yong isang artista sa "Sympathy for Mr. Vengeance".
Para akong niregaluhan ng dalawang suntok sa tiyan matapos kong panoorin to. Nawala ang pagod ko. No'ng naglalakad nga ako papasok sa trabaho, na-LSS ako sa kanta.
Linda Lindaaaaaa...Linda Linda Lindaaaaaa-ha...Linda Lindaaaaaa...
1 comments:
hey. links ex?
Post a Comment