Galing sa isang kaklaseng nag-aangas.
Thursday, March 06, 2008
panawagan sa UP CAL
***
Sa mga kinauukulan:
Pwede ba, wag nyo namang ibigay ang contact numbers at
email address ng mga graduate nyo sa mga call center!
Aba, nakakainsulto sa katalinuhan at kakayahan ng mga
matatalino at maabilidad na mga bagong graduates nyo!
Feeling nyo ba mas gusto naming sumagot sa telepono
pagkatapos naming umiyak at magpawis ng dugo para lang
grumadweyt nang cum laude at nang may karangalang
banggit sa thesis?
Kainis.
--
Kanina lang, may tumawag sa akin. Nagdalawang isip ako
kung sasagutin ko ba dahil hindi ko naman kilala ang
numero at made-drain na naman telepono ko (bilang
teleponong may topak na namamatay kapag tinatawagan)
pero dahil matagal nang walang tumatawag sa akin
naisip kong why not, balatbat? so ganito ang naging
usapan:
Jamaica (ang pangalan ng agent na tumawag sa akin):
Hello, is this Sarah? Can I talk to you for just 3
minutes? We are a company chorva, chorva, chorva, from
US and we're expanding, chorva, chorva, chorva. Can I
talk to you for just 3 minutes?
Ako: Uh, sino ito?
Jamaica: This is Jamaica. We are a company chorva,
chorva, chorva, from US and we're expanding, chorva,
chorva, chorva. And we choose you to be a part of our
company chorva, chorva, chorva. You're from UP, right?
And cum laude, right?
Ako: Um, saan nyo po nakuha ang information tungkol sa
akin?
Jamaica: From UP CAL, you're one of their recommended
graduates.
Ako: (napaisip, What?!) A, ganoon po ba? Um, anong
company po ito ulit?
Jamaica: Yes. We're something, something, actually
from US ang company namin and we're expanding so
kailangan namin ng mga dedicated people.
Ako: Um, call center po ba ito?
Jamaica: No, we're a company from US and ang sweldo ay
from 25 thousand to 30 thouand. Chorva, chorva,
chorva, chorva.
Ako: A, okey (napapagod na dahil sobrang bilis
magsalita ng kausap at sobrang tinis ng boses at
parang machine lang dahil ayaw akong pagsalitain,
parang asawang bungangera)
Jamaica: So, can you come tomorrow? Alam mo, Sarah, we
know naman na we are all professionals so we expect
you to be there at 6:30 pm in business attire chorva,
chorva. And our excutives are from UP naman something,
something, chorva.
Ako: Ha? (e hindi pa naman ako umo-oo na pupunta ako,
a?)
Jamaica: Okey, we expect you tomorrow. Ang office
address namin ay 15th floor Teleperformance Bldg,
Ortigas.
Ako: A, so call center nga?
Jamaica: No. No. We're a company from US and we're
expanding chorva, chorva, chorva, chorva. Okey? See
you tomorrow!
--
Seriously, bakit ako pupunta diyan? E ni hindi nga
sinabi kung ano ba talaga ang trabaho? Tapos malalaman
ko ang pangalan ng building e TELEPERFORMANCE? E diba
call center yun? Tangina talaga. Pang-insulto.
Pasintabi sa mga nagtatrabaho sa call center pero
hello, anong kagaguhan gimik ng mga kumpanyang yan at
nangha-harass ng mga tao?
Sabi nga ni Beverly Siy aka Bebang Hibang ang
mekanismo ng call center ay parang isang taong mayaman
na maraming gustong gawin at malaman, so mag-aaral
siya o magtatrabaho ng trabahong gusto niya o
maglalakbay sa kung saang lugar niya gusto maglakbay -
pero kailangan niya ring maglaba o maglinis ng bahay o
mag-alaga ng mga halaman, anak, o tuta hindi na niya
kayang gawin ang mga bagay na ito so kukuha siya ng
katulong para siyang gumawa ng mga bagay na ayaw na
niyang gawin. So ang taong mayaman na maraming gustong
gawin at malaman - kapag may katulong na- ay mas
uunlad, mas maraming matututunan, mas maraming
mapupuntahan, mas maraming magagawa na gusto niya.
Habang ang katulong, dahil pare-pareho ang kaniyang
ginagawa sa araw-araw na ginawa ng Poong Maykapal ay
mananatiling katulong, mananatiling walang alam,
mananatiling mangmang, amen.
Ganito ang ginagawa ng call center sa atin. May hinala
akong sinasadya ng Estados Unidos na kunin ang
pinakamagagaling na manggagawa ng Pilipinas na
magtrabaho sa call center at sinisilaw ng salapi para
mabobo sa kakasagot ng "Hello, ma'am, how may I help
you?" nang sa gayon walang mga empleyadong
makakapagpaunlad sa bansa. Walang chemist na
makakaimbento ng garbage-evaporating -into-thin-
environment- friendly- air-substance dahil lahat ay
naghehello ma'am sa call center. Walang writer na
magsusulat ng matitinong nobela o tula at journalists
na magsusulat ng katotohanan dahil lahat ay
nafi-freeze ang utak sa lamig ng call center. Walang
mga guro na magtuturo sa mga kabataan dahil lahat ay
nasa call center. Walang mga doktor o accountant lahat
nasa call center.
Anong klaseng bansa meron tayo kung puro call center
agents ang bumubuhay sa ekonomiya natin? Asan ang
ipinagmamalaking galing ng mga manggagawang Pinoy?
--
Pagkatapos kong makahinga mula sa pangna-nag nung
Jamaica girl agent ay tinext ko siya nang:
"This is Sarah Grutas. I won't be coming tomorrow. Mas
kailangan kasi ako ng mga kababayan kong
Out-of-School- Youth na tuturuan ko kaysa ng
imperyalistang US. At kung taga-UP nga ang boss mo,
malamang maiintindihan niya ako."
Okey. Hindi totoo yung out-of-school- youth part pero
gusto ko lang kutyain yung babae na hello anong
pinagsasasabi mong 'we're a company from US' - I'm
sure ni hindi ka kilala ng boss mo dahil nagpapa-itim
siya ng pwet sa Hawaii o kumakain ng steak sa France o
sa kung saan man na I'm sure di mo pa napuntahan dahil
ikaw ay slave worker ng putanginang call center na
yan!
So yun. Naiinis ako sa UP CAL.
Monday, April 28, 2008
Usapang Call Center, Kapitalismo, at Pagfo-forward ng Numbers ng mga Graduate ng CAL
Posted by Tonton at 3:45 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment