Bakit kan'yo:
1. Bumabaha sa mantika ang Lily's Peanut Butter na nabili ko. At ang tigas, ha. Para siyang Chocnut na ibinabad sa mantika. Nakakainis dahil di siya swak sa Gardenia high fiber wheat bread. Ang sakit pa sa lalamunan 'pag pinapapak ko. Dati naman, ayos ang mga nabibili kong Lily's Peanut Butter.
2. Rebolusyon! Sigaw ng buhok kong gusto nang lumaya. First time ko kasing magpahaba ng buhok. Balak ko sanang ipaayos a la John Lloyd Cruz (ambisyoso?). E, ang kaso, nasa pinakapangit na stage na ang buhok ko: matigas, tuyo, may grudge sa mundo.
3. Halos pasabugin ng migraine ang ulo ko. Kumusta naman 'yong nadale ako ng heat wave. Sablay kasi sa ventilation ang nirerentahan kong studio. A, mali, ang nirerentahan kong bath house pala. Kung gusto n'yo ng steam bath, samahan n'yo 'ko dito. Libre.
4. Namumuro na sa 'kin ang kapitbahay ko. Aba, ginawang talyer ang tapat ng unit ko. Nabasag ang ear drum ko sa ingay ng makinang ginamit nila. Na-high din ako sa nalanghap kong mga chemical. Ay, daig ko pa ang mga Rugby Boys sa Delta. Di rin ako nakapag-concentrate sa sinusulat ko. Istorbohin n'yo ako 'pag lasing ako, o 'pag natutulog ako, o 'pag nangangarap nang gising. 'Wag lang talaga 'pag nagsusulat. Magkamatayan na.
5. In fairness, ang mahal ng ticket sa Super Ferry, ha. Umabot ng P1.6k. Tourist class. 'Yan, pasikat kasi. Pa-tourist-tourist class pa. Tuloy, tinext ko ang lahat ng puwedeng matext para utangan. Ni hi ni ho, wala.
17 Abril 2008
Monday, April 28, 2008
Sooper Bad Trip Ako!
Posted by Tonton at 3:56 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment