May tumatawag sa akin sa cell phone kanina. Tawag nang tawag. Pero di ko sinasagot. Baka kasi 'yon 'yong pinagkakautangan ko o 'yong trabahong di ko sinipot. Di rin ako nakatiis. Sinagot ko, baka kasi nanalo ako sa raffle or something.
Panalo nga! Sabi ng babae sa kabilang linya, pasok daw ako sa 2008 IYAS Creative Writing Workshop. Isa ako sa 15 fellows. Siyempre, nagtatatalon-talon ako. First time ko kayang makasali sa ganitong workshop. Ibinasura man ng UST-CCWS National Writers Workshop ang etries ko (suspetsa ko, nabastusan sila sa pagbanggit ko ng puke, titi, salsal, kantutan, susuhan sa mga akda ko), haping-hapi naman ako at napansin ng IYAS ang talent ko (meron din pala ako nun, akalain mo). Fiction in Filipino ang sinalihan ko.
April 20-26 ang workshop. Excited na talaga ako.
06 Abril 2008
Monday, April 28, 2008
Bacolod City, And'yan na 'Ko!
Posted by Tonton at 3:54 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment