Na-verbal abuse na naman kanina ng centuries-old kong propesor sa pagsulat ang isang kaklaseng itago na lang natin sa pangalang Abused Guy. As usual, di na naman pumasa sa taste ni Propesor Halimaw ang short story ni Abused Guy. Nag-attempt kasing magsulat ng erotika na di naman talaga nakakatigas ng burat (makakatikim ng isang matinding roundhouse kick ang sinomang magssabing bastos ang bunganga/utak/daliri ko). Ayun, nasabihan tuloy ng: "You're such a bore." Buti nga at matigas 'tong si Abused Person, e. Kung ibang tao siguro 'yon, baka umiyak na at nag-walk out. O nagpunta sa banyo at ginilitan ang sariling leeg. O nag-amok at hilahin ang dila ng paborito kong propesor.
Tangina. Sabihan ka ba namang boring ka. Ang sakit kaya nun. Abot hanggang buto. Si Abused Guy din 'yong nasabihan dati na "Baka naman kasi mababa ang IQ mo kaya di mo maintindihan", "Wala kang pag-asa, iho", at "'Wag kang magpapa-impress sa akin". Nakalimutan ko na 'yong iba. Kanina sa klase, bawat sentence ng kuwento ni Abused Guy, tinatadyakan ng halimaw na writer/professor. Sabagay, maging ako, muntik nang takasan ng bait sa sinulat ni Abused Guy.
Medyo na-guilty nga ako kasi pinagtawanan ko rin 'yong kuwento. To think na magkatabi pa kami ni Abused Guy. Ang lakas ng tawa ko sa "pumanhik sa gate" (wow, ayos ang gate, may hagdan), "hinimas ang buong katawan" (isa pang wow, isang umaatikabong quickie pero may time pa para himasin ang talampakan, singit-singit ng mga daliri sa paa, braso, kilikili, etc., etc.), at "habang tinutuklas namin ang katotohanan ng buhay" (rakenrol!).
Habang wino-workshop ang kuwento ni Abused Guy tinanong ako ni Propesor Halimaw kung nagandahan daw ba ako. Sabi ko, "Napangitan po". Tinanong din kung ano na lang ang natira sa kuwento na puwedeng i-revise. Sagot ko, "Wala na po." Tinanong din niya ako kung ipa-publish ko ba ang kuwento ni Abused Guy kung publisher ako. Siyempre hindi ang sagot ko. Ang harsh talaga, pero 'yon ang totoo. Nagmadali akong lumabas pagkatapos ng klase. Mahirap na, baka resbakan ako ni Abused Guy. Pero cool lang naman siya.
Naalala ko tuloy 'yong sinasabi ng mga panelist at ilang co-fellows ko sa IYAS. Sa La Salle at Ateneo raw kasi, very nurturing ang mga propesor dun. Tinanong ako kung pa'no mag-workshop sa UP. Sabi ko, katayan talaga. Reality check kung reality check. Kung sa tingin ng mga propesor wala kang future sa pagsusulat, sasabihin nilang, "Iho, mas mabuti pang maging critic ka na lang". Nakaka-discourage talaga. Pero I take it as a challenge. Langya, sino sila para pagsabihan akong di ako marunong magsulat? Ako, boring? Hindot nila.
So 'yon. Kaya nga labs na labs ko si Propesor Halimaw.
2 comments:
lols. laughtrip, pramis. keep it coming..
thanks, wipwed. klase namin sa kanya kanina. under sedation yata siya. hahaha. ang bait, e.
Post a Comment