Controversial ngayon ang editorial spread ng August issue ng Vogue India kung saan kino-convey ang message na ang fashion ay hindi lang para sa mga sosyalero't sosyalerang fasyon-fasyonan, kundi para rin sa mga taong six feet under na sa mga utang. Kumusta naman 'yong makakakita ka ng larawan ng batang mula sa isang mahirap na pamilya na nakasuot ng Fendi bib worth $100? O ng nakayapak na mamang nagmo-model ng $200 Burberry umbrella? O ng babaeng nakasakay sa motor at nakatraditional Indian dress na may hawak na Hermès Birkin bag worth more than $10,000?
Sabi ng editor ng Vogue India, “fashion is no longer a rich man’s privilege. Anyone can carry it off and make it look beautiful.” At 'wag daw masyadong seryosohin ang mga larawan.
Seryoso, “anyone can carry it off”? E, hello. Halos katumbas kaya ng isang buwang suweldo (o higit pa) ang presyo ng mga designer something na 'yan. Sa bansa kung saan pilit pinagkakasya ang $1.25 sa isang araw para mabuhay? Kung saan in na in ang pagkakamatay para makatakas sa utang? Seriously? Regaluhan ko kaya ng isang orgy ng sampal ang editor na 'yan. At I'm sure, ni hindi nila nahahawakan ang mga ganyang superluxury items. Malamang, ipagtatabuyan na sila bago pa man makapasok sa shop.
Kung sa tingin ng Vogue ay naiaangat nila ang imahe ng mga nahihirap sa India sa pamamagitan ng pagkuha sa kanila ng mga larawan habang hawak/suot ang mga bagay na simbolo ng kapangyarihan, aba, nagkakamali sila. Lalo pa ngang nababansot ang sektor ng mahihirap. C'mon. Ni hindi nga pinangalanan ang mga taong object ng larawan. Pero kung sikat na personalidad 'yan, I'm sure, all-caps pa ang pangalan sa caption.
Sa kabilang banda, puwede rin namang tingnan ang mga larawan bilang komentaryo sa rich-poor gap sa India at sa iba pang mga bansang developing at underdeveloped. Napaka-powerful ng juxtaposition. Puwede rin naman itong tanawin bilang komentaryo sa pag-usbong ng consumerist society sa India. O sa mala-halimaw na epekto ng globalisasyon. Pero ang mga larawang 'to ay makikita sa Vogue. Ano ba ang purpose ng magasing tulad nito? Go figure.
Ewan, pero naaawa ako sa mga taong kunuhanan ng larawan at sa mga taong nirerepresent nila.

2 comments:
hayyy kawawa naman!
try kaya nila yan sa pinas. tingnan natin kung di sila kakalbuhin ng kamara! heheheh
sa ngalan daw ng fashion. pweh! haha!
Post a Comment