Wednesday, September 17, 2008

Shangri-La, Sept. 17, 2008


Ang hirap pala nun. Yung magpapanggap ka sa harap nila na parang wala lang. Yung kelangan mong tumawa from time to time para itago ang panginginig ng mukha mo. Yung kunwari maghihikab ka para ilabas ang hanging hindi mailabas sa dibdib. Yung palilitawin mong masaya ang mga mata mo kahit na isang kurap na lang ay tutulo na ang luha mo. Yung kelangan mong mag-maintain ng eye contact (kahit na gusto mong ibaling sa iba ang paningin para di mo makita kung pa'no nila tingnan ang isa't isa) para palabasing di ka apektado.

Tangina.



4 comments:

Anonymous said...

ayyyyyyyy... ilabas mo yan! hehehhe :D

napadaan lang po....

Tonton said...

hi geisha. ano'ng ilalabas ko? haha!

Anonymous said...

i was about to tell you na ilabas mo ang nararamdaman mo! kugn gusto mong bombahin ang mall GO!!!!

:D

Tonton said...

haha. ginawa mo pa akong terorista. hmmm... siguro, sawi sa pag-ibig ang mga terorista.