Wednesday, September 26, 2007

Kalbaryo sa BIR

Mabuti na lang at hindi ako marunong gumawa ng bomba. Kung hindi, pinasabog ko na ang isang building ng BIR. Iba talaga ang environment dito: hostile at walang pakialam sa mga taong willing magbigay ng perang kukurakutin din naman ng gobyerno. ‘Yong guard sa payment section, abot hanggang tenga na nga ang ngiti ko no’ng nag-inquire ako, aba, tinaasan ako ng boses. Naku, kung di ako nakapagtimpi, hinugot ko na sa tadyang niya ang baril. Bobogahin ko siya.

E, di nagpunta ako sa assessment section. Wow, umaatikabong tsismisan ang sumapak sa akin pagpasok ko ng pinto. Ang mga taxpayers, inuugat na ang mga paa sa kahihintay. Ang iba, tinutubuan na ng kamote. Puwede nang mag-harvest. Isang tao na lang at turn ko na. But no, umalis at umakyat sa second floor ang officer. Hintay. Hintay. 47 years. 48 years. Samamabitsmaderpakershet! Isa’t kalahating oras na, kumukulot na ang kulot kong buhok, di pa rin bumabalik ang officer!

Maraming salamat kay Gabriel Garcia Marquez, dahil kahit paaano, nabawasan ang pagka-inis ko. Habang nagpapatubo ng ugat sa paa, ang mga empleyado, tawanan nang tawanan. Kainan nang kainan. Samantalang kami – kaming ilang oras nang nasa BIR, kaming may mga iba pang mga lakad, kaming mga nagpapawis nang balde-balde – mukhang naghihintay sa wala. Tatakbo na sana ako sa lab para mag-culture ng cholera nang bumalik ang officer. Pagod na pagod na raw siya. Ok.

Turn ko na. Siyempre, mukhang anghel na naman ako (kahit sa loob-loob ko, para na akong nag-aalburotong Mt. Pinatubo). I was thinking, baka mahawa sila sa magandang aura ko. Mabuti naman at maganda nag pakikitungo niya sa akin. Kung hindi, mag-aamok talaga ako sa galit.

Hindi ko maintindihan, bakit gano’n ang trato ng mga empleyado sa mga taong pinagsisilbihan nila? Sure, napaka-toxic ng trabaho nila. Pero sana naman mag-improve ang customer service nila. Nakakabaliw!

0 comments: