Kelan ko lang napanood ang pelikulang "Dubai" ng Star Cinema. Napag-isip-isip ko tuloy, what if, iwanan ko ang Pilipinas at mag-Dubai na lang. Tutal, marami naman akong kilalang nandoon na ngayon: si Kuya Julius na engineer, si Ate Galet na bank teller, si Uncle Caloy na beautician, Si Ate Nenet na sales lady, at marami pa mula sa baranggay namin sa Isabela.
Ilang mga kaibigan na rin ang nagbabalak na mag-Dubai. Sina Etas at Charles, sisimulan na ang pag-aasikaso sa mga papeles next year. Si Richard, graduate ng clothing tech, masaya naman daw sa Dubai. Iniinggit niya nga kami na mala-Bora raw ang likod ng tinitirhan niya.
Sa hirap ng buhay ngayon sa Pilipinas, maraming Pinoy ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa, partikular sa Dubai, kung saan may naghihitay na oportunidad. Napanood ko sa TV Patrol World, nangangailangan daw ito ng libu-libong engineers. Brain drain kung brain drain ito.
Ako nga, considering the plight of the teachers here, kino-konsider ko na rin ang option na mag-Dubai.
Saturday, September 15, 2007
Hello, Dubai?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment