Wednesday, September 26, 2007

Kalbaryo sa BIR

Mabuti na lang at hindi ako marunong gumawa ng bomba. Kung hindi, pinasabog ko na ang isang building ng BIR. Iba talaga ang environment dito: hostile at walang pakialam sa mga taong willing magbigay ng perang kukurakutin din naman ng gobyerno. ‘Yong guard sa payment section, abot hanggang tenga na nga ang ngiti ko no’ng nag-inquire ako, aba, tinaasan ako ng boses. Naku, kung di ako nakapagtimpi, hinugot ko na sa tadyang niya ang baril. Bobogahin ko siya.

E, di nagpunta ako sa assessment section. Wow, umaatikabong tsismisan ang sumapak sa akin pagpasok ko ng pinto. Ang mga taxpayers, inuugat na ang mga paa sa kahihintay. Ang iba, tinutubuan na ng kamote. Puwede nang mag-harvest. Isang tao na lang at turn ko na. But no, umalis at umakyat sa second floor ang officer. Hintay. Hintay. 47 years. 48 years. Samamabitsmaderpakershet! Isa’t kalahating oras na, kumukulot na ang kulot kong buhok, di pa rin bumabalik ang officer!

Maraming salamat kay Gabriel Garcia Marquez, dahil kahit paaano, nabawasan ang pagka-inis ko. Habang nagpapatubo ng ugat sa paa, ang mga empleyado, tawanan nang tawanan. Kainan nang kainan. Samantalang kami – kaming ilang oras nang nasa BIR, kaming may mga iba pang mga lakad, kaming mga nagpapawis nang balde-balde – mukhang naghihintay sa wala. Tatakbo na sana ako sa lab para mag-culture ng cholera nang bumalik ang officer. Pagod na pagod na raw siya. Ok.

Turn ko na. Siyempre, mukhang anghel na naman ako (kahit sa loob-loob ko, para na akong nag-aalburotong Mt. Pinatubo). I was thinking, baka mahawa sila sa magandang aura ko. Mabuti naman at maganda nag pakikitungo niya sa akin. Kung hindi, mag-aamok talaga ako sa galit.

Hindi ko maintindihan, bakit gano’n ang trato ng mga empleyado sa mga taong pinagsisilbihan nila? Sure, napaka-toxic ng trabaho nila. Pero sana naman mag-improve ang customer service nila. Nakakabaliw!

Tuesday, September 25, 2007

Dreams

I wonder kung ano ang gustong i-convey na message/meaning ng mga panaginip ko kagabi.

Panaginip # 1: May isang baliw on the loose. Sinakal si Cyrus. Pinutulan ng paa si Cyrho. Pinugutan ng ulo si Anne Marie. Nagkalat ang ulo't paa sa lansangan. May party afterwards sa bahay nina Ate Luz.

Panaginip # 2: May lion (malaki, parang si Aslan sa 'The Lion, the Witch, and the Wardrobe') sa isang community center sa Sa Laguna. Dinaluhong ako. Hindi naman ako namatay, medyo nagkasugat-sugat lang. Pinagbayad ako ng Barangay Captain ng dalawang piso.

Panaginip # 3: Nasa bangka sina Auntie Josie at Uncle Pacio. Nalunod si Uncle. Lumitaw uli at nakipagkuwentuhan sa asawa.

Wednesday, September 19, 2007

Sabihin Kung Alin ang Naiba

UST Salinggawi's Controversial Wig

Alin, alin, alin ang naiba. Sabihin kung alin ang naiba



Tuesday, September 18, 2007

Heroes Personality Test


Your Score: Isaac Mendez


You scored 33 Idealism, 54 Nonconformity, 41 Nerdiness




I need painting supplies
. Congratulations, you're Isaac Mendez! You're a talented, creative, artistic soul with a few demons you've been working to overcome. You are really passionate person and you are not afraid to express yourself or your emotions. Your best quality: Creativity and artistic talent. Your worst quality: A possibly addictive or indulgent personality

Link: The Heroes Personality Test written by freedomdegrees on OkCupid, home of the The Dating Persona Test

Monday, September 17, 2007

UP Rocks!

If I were president Roman, I'd declare a one-day holiday to celebrate UP Pep Squad's (and the UP community as a whole) victory in the 2007 UAAP CDC. With the five-year drought finally ending, one day is not enough to gloat. Until now, gustung-gusto ko pa ring asarin ang mga kaibigan from UST. It's such a joy watching their reactions. Kulang ang isang araw para makipagkuwentuhan sa mga kaibigan, i-download sa Internet lahat ng CDC videos at photos, makipag-argue sa pex at kung saan-saan pang forum, magbasa ng blogs, at magsulat ng blog entry. Andaming interesting na analysis, pasaring, pagyayabang, at pagbi-bitter-bitter-an. I'm too tired to post them here.

The following photos make me a proud Isko (The first 11 photos came from the Multiply site by Teresa Barrazo, and the rest were taken from ubelt.com):
















Astig talaga ng UP Pep. Although not perfect ang routine, wala akong masabi sa galing nila. The gollowing passage says it all:

The lithe and blithe dancers were a sight to behold and the routines were impeccably executed, albeit extremely difficult and risky. Having incorporated a theme to their routine, theirs was a visual cacophony of timing, coordination and agility, a sonorous esprit de corps, proverbially rocking and rolling the coliseum. Congratulations UP!

--Inday, nanood ng UAAP Cheerdance








Sunday, September 16, 2007

16 Sept 2007

9:40 am – Nabulahaw ako sa kiriring ng alarm clock. Masakit sa ulo kasi puyat.

10:20 am – Nag-check ng e-mail, umepal sa mga thread sa peyups.com, tiningnan kung sino ang mga taong nag-view sa profile ko sa friendster at multiply, nag-check ng mga nag-pm sa akin sa isang landian site, nag-check ng order sa niraraket ko, nanood ng past performance ng UP Pep Squad sa youtube, at nanood sandali (sandali lang naman) ng porn.

11:30 am – Watched “Kay Susan Tayo”. Yes, maka-Susan ako. Nagutom ako sa episode nila about delicacies ng Bulacan. Hindi pa ako naliligo, so medyo nagiging strong na ang musky scent ko, which I find a feast for the nose.

12:30 pm – Watched “One Flew Over he Cuckoo’s Nest” sa DVD. Di ko na tinapos kasi bibili pa ako ng cake para sa birthday ni Cyrus. Besides, napanood ko naman na ito before.

2:00 pm – Bought chocolate cake with colorful flowers (icing na maasim) sa Goldilocks.

2:30 pm – I was at Queenie and Cyrho’s boarding house in Dagohoy. Ane Marie, Brian, Tina, Judith and boyfriend, Xandy and Jay-R, Shiglyn and Badang were there. Sayang nga lang kasi hindi kumpleto ang barkada. Nevertheless, riot naman. Yamot na yamot ang birthday boy, may sinat kasi. Apat ang cake, sa’n ka pa. Hindi kasi nakapag-usap kung anu-ano ang dadalhin. Medyo na-hyper tuloy ako dahil sa excessive sugar intake.

3:00 pm - Watched UAAP Cheerdance Competition. We’re flyong high because, after a 5-year drought, nanalo rin, finally, ang UP Pep Squad. Second ang UST, and third ang FEU. I wanna gloat, pero sa separate blog entry na lang. Dahil sa pagkapanalo ng UP, ginanahan kami sa paglantak sa cake, ice cream at pancit. Arrrgghh. Sana Mang Boks lechon manok na lang ang dinala ko.

6:00 pm – Dumating si Abe and Ads, sumunod si Senya. Kumusta naman ‘yung isang platitong pansit na lang ang natira sa handa. Si Brian, nilalandi si Abe.

7:30 pm – We went to Apder, kung saan ‘yon, amin-amin na lang. Hanapin ninyo sa Philcoa. Isa itong videoke bar na ang pangunahing parokyano ay mga construction worker. Kung gusto mong dumugo ang tenga mo, Apder is the place to be. Dito, naghahalo ang balat sa tinalupan. I sang “Escape” (Enrique), “Mmmbop” (Hanson), and “I’ll Be There for You” (Moffats/Mofatts/Mafets/Whatever). Ayos lang kahit wala sa tono. Wala rin akong pakialam kung sinasapian ako ng iba-ibang boses. Si Brian, sobrang na-entertain ako sa kanya, dinaig ang ka-hyper-an ng isanlibong may ADHD. Madaling-araw na kaming umuwi.

Saturday, September 15, 2007

Hello, Dubai?


Kelan ko lang napanood ang pelikulang "Dubai" ng Star Cinema. Napag-isip-isip ko tuloy, what if, iwanan ko ang Pilipinas at mag-Dubai na lang. Tutal, marami naman akong kilalang nandoon na ngayon: si Kuya Julius na engineer, si Ate Galet na bank teller, si Uncle Caloy na beautician, Si Ate Nenet na sales lady, at marami pa mula sa baranggay namin sa Isabela.

Ilang mga kaibigan na rin ang nagbabalak na mag-Dubai. Sina Etas at Charles, sisimulan na ang pag-aasikaso sa mga papeles next year. Si Richard, graduate ng clothing tech, masaya naman daw sa Dubai. Iniinggit niya nga kami na mala-Bora raw ang likod ng tinitirhan niya.

Sa hirap ng buhay ngayon sa Pilipinas, maraming Pinoy ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa, partikular sa Dubai, kung saan may naghihitay na oportunidad. Napanood ko sa TV Patrol World, nangangailangan daw ito ng libu-libong engineers. Brain drain kung brain drain ito.

Ako nga, considering the plight of the teachers here, kino-konsider ko na rin ang option na mag-Dubai.

Ang Kalunus-lunos na Kalagayan ng Kaguruan

Gusto kong magturo. Dine-deny ko man noong una, calling ko yata ang magturo.

Sinubukan kong mag-aplay sa ilang kolehiyo at unibersidad. Nanlulumo ako. Paano ka naman mamo-motivate na magturo kung kakapiranggot ang suweldo? 80 pesos per hour sa isang IT school sa Fairview. 90-something pesos sa isang institute sa Cubao. Ang nakakainis pa, sasabihin lang sa 'yo kung magkano ang rate pagkatapos kang pagsuotin ng pagkapormal-pormal na get-up at paghintayin ng sanlaksang taon para ma-interview. Kailangan mo ring magdaan sa written exam na naglalaman ng napaka-outdated at napaka-irrelevant na mga tanong. Siyempre, hindi mawawala ang demo teaching, na hindi naman pinapansin ng ilang member ng faculty na bahagi ng audience. Aksaya sa laway. Pwe.

Ang nakakaloko pa, sa isang inaplayan ko, tinanong ako ng interviewer kung ano ang gusto kong ituro. Siyempre, sabi ko, Filipino o Panitikan, since knowledgeable naman ako sa subject na 'yan. Sabi ba naman niya, "English, gusto mo?" Ano ba naman 'yan, ate. Hinihimatay naman ang isang kaibigan tueing naalala ang masaklap na karanasan niya sa pagtuturo. Nagtapos siya ng Malikhaing Pagsulat sa Filipino. Una, pinagturo siya ng Agham Panlipunan. Ok lang, dahil kahit paano ay malapit naman sa tinapos niya. Nang tumagal, pinagtuturo na siya ng Natural Sciences! Nag-resign siya ura-urada.

Sabi ni Charles, isang kaibigan, ba't daw di ko na lang muna pagtiyagaan. For experience daw. Sabi ko naman, hindi ko maaatim na tapakan nang ganun ang propesyon ng pagtuturo. Parang hindi tao ang turing nila sa mga guro. Nagkakamal sila ng limpak-limpak na salapi mula sa tuition fee at kung anu-ano pang dagdag na bayarin ng mga naghihirap na estudyante. Ano ba naman yung gawing makatao ang pagtrato sa mga guro.

Si Kuya, kasalukuyang guro sa hayskul sa Isabela, kakarampot lang ang nakukuhang suweldo na kinakaltasan pa. Bukod dito, lagi ring delayed ang pasuweldo. Si Mama naman ay dating guro sa elementarya. Dahil sa napakababang sahod, nag-DH siya sa Taiwan. Hindi sinuwerte kaya umuwi pagkatapos ng isang taon. Awang-awa ako sa kanya dahil sa mga hirap na pinagdaanan niya. Pagkaraan ng dalawang taon, nagtrabaho siya sa Israel bilang tagalinis ng bahay ng kung sinu-sino. Mabuti naman at hindi siya na-ano ng giyera sa israel. Dahil hindi pa rin sapat ang kinikita, nakipagsapalaran siya sa UK bilang isang caregiver. Nakalulungkot na hindi mabigyan ng magandang kondisyon ng pamahalaang Pilipinas ang mga Pilipinong manggagawa.

Dahil sa nakapanlulumo kong karanasan sa pag-aaplay bilang maging isang guro at sa masaklap na kalagayan ng mga kaibigang guro, nina Kuya at Mama, nagdadalawang-isip tuloy ako kung itutuloy ko pa ang karera ko sa akademya.

Hello, Dubai?

Friday, September 14, 2007

On Marriage

(I've posted this entry somewhere. I'm reposting it since a friend is getting married soon.)

Kagabi, bumili ako ng Eden cheese at Milo sa isang tindahan sa labas ng subdivision. Tanong ng tindero: "Anong trabaho mo?" Nalukot nang bahagya ang balat sa noo ko. Close ba tayo? Tatay ba kita? Kuya ba kita? Naiinis kasi ako pag tinatanong ako ng mga personal na bagay ng mga taong di ko naman kilala. Freelance writer, sabi ko. Inunawa ko na lang. Ang weird kasi ng konsepto ng "loob" ng mga Pinoy, e. Sakop ng "loob" nila ang "loob" ng iba. Ibig sabihin, ang loob mo ay loob ko rin. In short, magpakialamanan tayo.

“May asawa ka na?” Ay, naku, alam ko na ang takbo ng usapan. Gusto ko mang sabihing meron na para matapos na ang usapan, hindi ko yata masikmurang magsinungaling. Wala pa ho, sagot ko. “Ha? Mag-asawa ka na.” Kitams.

Pilit ang mga ngiti ko habang sinasabing wala sa isip ko ang pag-aasawa. Gusto kong sabihin sa tindero: Ay, oho, excited na nga ho akong mag-asawa. Grabe, ang sarap ho siguro ng feeling na nakakulong ka sa isang kontrata. ‘Yung tipong hindi mo pwedeng gawin ang gusto mong gawin dahil nakatali ka na. Ang saya siguro no’n. And I’m sure, manong, mag-eenjoy akong umagatanghaligabi kasama ko ang asawa ko.

I really don’t believe in marriage. ‘Yung haharap ka sa pari, at ipapangako sa lahat na mamahalin ang asawa habambuhay, ay, ang hirap naman no’n. Hindi ako naniniwala sa kontrata ng kasal, pero naniniwala ako sa kontrata ng pagmamahalan. Sabi nga sa isang kuwento ni Eli Rueda Guieb III: “Iisa lang naman ang batas ng relasyon, pagmamahal. Kapag iyon ang nawala, wala na ring silbi ang katotohanan ng mga kontrata.”

Gusto ko sanang ipaliwanag sa tindero ang saloobin ko tungkol sa nakakatakot na “till death do us part”, pero ‘wag na lang, alam kong lalo lang niya akong kukulitin.

Kailangan ko yatang magpraktis kung paano magteleport. Para sa susunod na sabihan ulit ako ng mga tao sa paligid na mag-asawa na, madali na lang akong makaka-eskapo.

Takot ako sa Aso

Napag-usapan namin ng isang kaibigan kung anong childhood trauma ang hinding-hindi namin makakalimutan. Sabi niya, muntik na raw siyang mamatay nang tangayin ng agos habang naliligo sa ilog. Ako naman, sariwang-sariwa pa sa gunita ko ang pag-atake sa akin ng isang askal.



Dog lover ako no’ng bata ako. Nariyan si Tygra, na nakagat ng asong ulol, at tuluyang na-ulol. Sina Wooly at Booly, na pasttime ang pandadaluhong ng tao. Ang kawawang si Tyson, na sa pagkakatanda ko ay kinatay at pinulutan. Si Queenie (pasintabi sa isang kaibigan), na namatay nang mabulok sa sinapupunan niya ang mga asong pinagbubuntis niya. At ang pinakapaborito ko sa lahat, si Pilay (peeh-lai), na nasagasaan ng traktor no'ng tuta pa lang siya at nagkasakit ng isang milyong beses pero nabuhay pa rin nang matagal.


Pero nagka-phobia ako sa aso. Grade 4 ako noon. Galing ako sa eskuwela at bibili ng lutong-ulam kay Ate Lisa, ang maninindang kulay itim ang mga kuko. E, may nakasalubong akong isang pulutong ng mga malilibog na aso. Pinag-aagawan ang isang babaeng aso. Nang mapatapat ako sa kanila, kinahulan nila ako nang kinahulan. ‘Tong mga asong ‘to, akala yata kaagaw ako. Ang susunod na naalala ko na lang ay nang mahulog ako sa kanal, nakadapa. Pumatong sa akin ang isang nag-uulol na aso at gigil na kinagat ang likod ko. Nang tantanan ako, nanginginig akong tumayo, pumunta sa tindahan ni Ate Lisa, at bumili ng giniling. Parang ganito ang nangyari sa akin:

Ngayon ko lang na-realize ang matinding traumang sinapit ko noon. Imagine, putikan akong bumalik sa school. Tapos, si Mama, nagpa-panick na dahil ayaw kong sabihin ang nangyari sa akin. Niyuyugyog niya ang balikat ko, pero ayaw kong magsalita. Iyak ako nang iyak. Simula noon, talagang kinatakutan ko ang mga aso. Kelan na lang uli ako naka-recover.