Monday, December 29, 2008

Eto'ng Nakapanggagalaiti/ Nakakainis/ Nakapanghihinayang


Magsusulat ka ng blog tungkol sa masquerade ball ng kompanya na ayaw mong siputin no'ng una dahil required kang mag-dress to the nines, magsuot ng maskara to go with the theme, at dahil may naka-schedule kang labing-labing with special someone that night pero nag-decide ka pa ring manghiram ng maisusuot na formal wear, suungin ang swarm ng mga tao sa Divisoria para magpa-customize ng Joker-style mask, at i-reschedule ang labing-labing dahil umasa kang mananalo ka sa pa-raffle ng ref at washing machine at para sa Christmas basket na 'yong tipong ipinamumudmod sa mga nasalanta ng bagyo, baha, landslide, mudslide, sunog na magagamit mo sa Pasko, na wala rin namang nangyari in the end (maliban sa nakailang beses kang nagpabalik-balik sa buffet table at libreng beer) dahil hindi ka nanalo sa minor at major raffle draws samantalang halos lahat ng ka-share mo sa table ay natawag, dahil sa susunod na linggo na raw ibibigay ang basket, at dahil di ka na nakahabol sa labing-labing with your special someone na nagtampo sa 'yo - at magka-crash ang browser at hindi na ma-recover ang ilang paragraph na isinulat mo.

Tuesday, December 23, 2008

My Wish List



Shet, Christmas na pala bukas. Di ko man lang namalayan. Ayos na rin 'yon. At least wala na akong time para magpaka-Scrooge. At least wala na akong makakabangga sa pagiging nega ko. At least matatapos na rin ang season ng nakaririnding “Merry Christmas Happy new Year” batian, puwersahang pag-attend sa mga company Christma party, pagbigay ng Christmas basket aka relief goods, plastikan sa mga reunion, traffic, at walang habas na pag-shopping ng mga taong wala namang pambili pero sige pa rin sa pagbili dahil sa dikta ng consumerism.


At sa wakas, matatapos na rin ang panahon ng paggawa ng mga kalokohang wish list. Kalokohan para sa mga walang pambili. Kalokohan para sa mga taong kunwari aksidenteng naipabasa sa mga kaibigan/kamag-anak/jowa/kajugjugan ang listahan. Kalokohan para sa mga nagpapauto at tumutupad sa mga wish ng gumawa ng litahan.


Since may wish list na halos lahat ng kakikalala ko, sige, makikiuso na rin ako. Try ko lang. Di naman siguro ako mamamatay.


1. Sleeping quarters sa office.
My gahd, it's about time. Night shift ako at di naman required sa work ko ang real time interaction sa clients. Sabi sa isang study, mas nagiging productive daw ang isang employee kung nakakanakaw ng isang oras na tulog during work hours. Mas mataas daw ang risk for stress and depression and heart problems kung walang tulog. No wonder mukha na akong zombie.


2. Maraming-maraming pintura.
Ayos lang kahit 'yong di mamahalin. Kelangang-kelangan ko lang kasi. Pipinturahan ko lang ang mukha ni Bayani Fernando sa mga poster sa EDSA. 'Yong sobra, ibubuhos ko sa mga pulitikong umeepal sa pagbati ng “Happy Holidays” sa mga tarp.


3. Metal spikes.
Perfect para sa mga taxi driver na may kakupalan sa pagtanggi sa mga pasahero. Perfect din para sa mga FX na may rutang MRT-Novaliches na hindi pa rin nagbababa ng singil sa pasahe.

4. Packaging tape. Kelangan ko nang marami. Ipantatakip ko lang sa bunganga ng landlady ko, ng isang kakilalang wala nang ginawa kundi magkuwento nang magkuwento nang magkuwento nang magkuwento kung pano siya tinitira ng jowang may jowang iba, at ng tindero ng lutong-ulam sa Tandang Sora na madalas akong daldalin tungkol sa mga exploits niya sa mga babae.

5. Samurai. Matagal ko na kasing gustong mamugot ng ulo. Maraming nakapila sa listahan ko ng “Decapitation Galore”. Isa na 'yong bitchesa dito sa office na nagpa-pop-out ang mata na di naman kagandahan.

Ito lang ang mga naiisip ko sa ngayon. Kung meron kayo nito, ibigay ninyo na sa akin. Now na.

Monday, December 15, 2008

Pamatay na Quotable Quotes ng mga UP Prof


I love UP profs. May character talaga. Ang sakit sa ulo. Haha. Got the following UP professors' quotable quotes here:


"The aim of policy making is to invoke action! Because action speaks louder than words! You do not just say I love you. You say: If you love me, enter me! " - Dr. Alfonso Pacquing


You may wear anything you want to wear. People are not supposed to be judged by the clothes they wear. Thus, wearing the latest fashion or one that belongs to the fashion archive does not really make a difference. Just make sure that you have the right to wear it. Spare the class of the agony of having to look at your clothes, no matter how good or sexy you think you are in that outfit, if reality tells otherwise. - Sir Quilop, Polsci


Valentines day: Ano ba yan? Students ba kayo ng UP? Bakit ang bababa ng scores niyo? Siguro wala kayong date ngayong valentines kaya ganito kayo. Losers!!! When I was your age I had a date. Hindi ba naapektuhan ng UP FAIR euphoria ang grades niyo? Parang di kayo masaya. (sabay tapon ng quizzes sa sahig). I won't record this. Go find a date. (sabay walk out.) - Sir Doliente, BA.

"I don't give surprise long exams. all exams are announced. Halimbawa, Class, mageexam tayo, NGAYON NA!" - Ma'am Chei

"Oo, nagpapaulan ako ng uno... baket? Aanhin ko ba nun? Di naman ako yayaman dun." - Atoy Navarro, Hist I

"Don't take the BAR and yourselves too seriously. Baka mabalitaan nalang namin na nag-o-oral summation kayo sa Luneta. O lumulutang-lutang sa Pasig River. Enjoy yourselves, relax, and read at least 15 hours a day. Nakakabobo ang sobrang tulog. Mag-relax ka habang nagbabasa. Magrelax habang nagmi-memorize."


"Baka naman kasi mababa ang IQ mo kaya di mo maintindihan." - Jun Cruz Reyes, Malikhaing Pagsulat


''Alam ko ang psychology ng aso.” - Jun Cruz Reyes, Malikhaing Pagsulat


Student: Ma'am, pwede po bang next week na kami mag report?

Prof: Alam mo, God is good. And I am God. So yes, pwede next week.

"Hoy girls, wag kayong kukuha ng boyfriend dito sa UP. Pare-parehas tayong mahirap dito. Kumuha kayo ng mayaman. 80% of the child's intelligence comes from the Mother naman eh. Kayo guys, wag kayo kukuha ng bobong babae. Kahit matalino kayo, magiging bobo

anak niyo."


"Class, kaya mahal ang bayad sa mga professors sa ibang school kasi ang bobobo ng mga estudyante dun. Dyuskoh, I used to teach there, at lumuluha talaga ako ng dugo bago maintindihan ng mga students yung sinasabi ko. Ang mahal nga ng bayad, magkakasakit ka naman sa panga kakaulit ng lessons! Wag na lang! Dito na ko sa UP, at least nagkakaintindihan tayo. Di ba?"


Putang ina. Mas magaling pa akong magsulat nung nasa kinder ako kesa sa inyo.” (Sabay balibag ng mga libro at walk-out) – Art Studies prof


2nd to the last meeting: “Okay class, next week, we start the lecture proper.” - Ma'am Vitriolo

"Hindi mahirap makakuha ng UNO sa class ko. Yung gumradweyt last year na Magna Cum Laude ng Biochem, uno siya sakin sa Chem 18" - Ma'am Ilao

"I'll strangle you, strangle you really hard, smack right in your jugular (Pause ng mga 5 seconds). You do know where your jugular is?"

Ano bang natapos mo? Italian 8? Punyetissima!" - Sir Tiamson, Italian 11

Marx is more Christian than Christ and Christ is more Marxist than Marx.” - Sir Lanuza.

Student: Sir, sa exams po ba nagbibigay kayo ng partial points?

Prof: Hmm, if I see partial wisdom.

Prof: Did I remind the class last meeting that we're going to have an exam today?

Class: (dead air)

Prof: Ok, it seems I forgot to remind the class that we're going to have an exam today. I'm giving you five minutes then to buy a bluebook. We're going to have an exam today.

The one who wrote this story, yes, Nick Joaquin, I seduced him before... when this (points at her breasts) thing were more beautiful than it appears now. Well, hindi natuloy. Is Nick Joaquin gay?” - Humanities prof


I'm attending a mass in time for the holy gospel, and leave the church as soon as i finish the holy communion. grand entrance and early exit are important, why, I'm a star!" - lady prof



Tuesday, December 9, 2008

Otis


Otis ang tawag sa akin ng ilang kaibigan. Autistic. Mahilig kasi akong tumunganga. Gumagawa ng sariling mundo. Hindi naman ‘yong tipong tunganga ng isang taong tanga - ‘yong tipong nanlalaki ang mga mata at nilalangaw ang bungangang nakanganga. Hindi gano’n. Ako ‘yong tipong bigla na lang tatahimik sa gitna ng paglalaro at mauupo sa isang sulok. Maraming kaibigan nga ang naiinis sa akin. Gano’n talaga, ‘pag tinopak ako, walang warning, nawawalan ako ng interest na makipag-usap. Sa pagtunganga ko, mukhang blangko ang mukha ko. Pero ang totoo n’yan, ang likot-likot ng isip ko. Lumilipad kung saan-saan.


Minsan, nakakarating ako sa Antarctica, nakikipaghabulan sa mga penguin. Ang sarap magpadausdos sa yelo. Nakakapunta rin ako sa Africa. Do’n, sumasama ako sa mga Ashanti sa pagtatanim ng mga patatas at mais. ‘Pag nagpupunta ako sa Europe, di puwedeng di ko daanan ang Spain at France. Sa Spain, nagpapahabol ako sa mga toro. Sa France, inaakyat ko ang Eiffel Tower. Kung gusto ko naman ng adventure, nanghuhuli ako ng anaconda sa sulok-sulok ng Amazon at umaakyat sa tuktok ng Mount Everest.

‘Pag nakatunganga ako, nakakapag-time travel din ako. Paborito ko ‘yong panahon ng mga dinosaur. Adventure talagang makipaghabulan sa mga T-Rex. Siyempre, di ako nagpapahuli sa kanila. Magaling akong magtago. ‘Yoko ngang magkalasug-lasog ang katawan ko. Lagi rin akong nagpupunta sa panahon nina Adan at Eba. Gusto ko kasing makita kung pa’nong kinagat ni Eba ang mansanas. Ang ahas na nang-akit, hindi ko mahuli-huli dahil masyadong mabilis. Lagi rin ako sa ancient Egypt. Naaawa ako sa mga trabahador na gumagawa ng mga pyramid. Parang ako ang nabibigatan sa mga pinagbububuhat nila.

Madalas din akong tumunganga para bumuo ng love story. O porno. Pero ‘wag na tayong tumuloy diyan at masisira lang ang tono ng sinusulat ko.

Gumagawa ako ng sariling mundo. Minsan, humahagikhik akong parang isa sa mga duwende ni Snow White, sumisimangot tulad ng pagsimangot ng mga taong Yanomani na nakikita ko sa National Geographic, nagugutom tulad ng mga batang lumolobo ang ulo at tiyan sa Africa, at nagsusungit na para bang isang emperor sa China na di nasunod ang kagustuhan. Sinasamahan ko ang mga ‘yan ng mga monologue. Kung hindi sa Ilokano, sa Filipino o sa Ingles. ‘Pag tinotopak, nag i-Intsik-Intsikan, German-Germanan, at French-Frenchan ako.

‘Yon. Masarap magpaka-otis.

Monday, December 8, 2008

Wawa Pala, Ha



‘Pag tinatanong ako kung ano’ng childhood moment ang hinding-hindi ko malilimutan, lagi kong sinasabi ‘yong araw na nag-roaring rampage of revenge ako a la “Kill Bill.”

Ganito’ng nangyari:

May nakaaway akong kalaro. Bida-bidahan kasi ako dati. Kelangan, ako lagi ang star ‘pag naglalaro kami. Kelangan, ako ang lider. Ako ang nagdidikta kung ano ang lalaruin, kung sino ang bida’t kontrabida, kung sino ang mamamatay kunwari, kung sino ang bati namin, at kung sino ang hindi.

E, biglang nagrebelde ang mga kalaro ko. Napuno na yata sa kasusunod sa mga utos ko. Sabi nila, di na raw nila ako bati.

Pinagkaisahan ako.  Parang kudeta.

‘Pag sinabing “di ka namin bati”, ay, seryoso talaga ‘yan. Kahit mga bata pa ang nagsabi. ‘Pag sinabihan ka ng ganyan, outcast ka. Di ka puwedeng sumali sa mga laro, sumama sa mga lakad, pumunta sa bahay o bakuran ng mga kalaro.

In other words, blacklisted ka.

E, ang mga bata, umiikot ang mundo sa mga kalaro at sa paglalaro. Imagine na lang kung ga’no kahirap para sa akin ang mapagsabihan ng “di ka na namin bati.”

Pero ang mga bata, gagawa at gagawa ng paraan para mapalapit uli sa mga nakaaway/inaway na kalaro. Kahit ilang beses na nila akong takbuhan, kahit maiyak na ako ‘pag naiiwan sa takbuhan dahil “ang mahuli, may tae sa puwet”, lagi pa rin akong bumubuntot sa kanila. Kahit na iniinggit nila ako sa paglalaro ng agawan base o sa pagkain ng santol na ninakaw nila sa bakuran ni Nana Milagring, ayos lang. Basta, kelangang maging bati na uli nila ako.

Pero ang lahat ay may hangganan. Kahit ang bata, napupuno rin. At kung maghiganti, umasa kang HIGANTI talaga.

No’ng mapikon ako sa away namin ng pinsan kong si PJ, binuhusan ko ng buhangin ang loob ng bahay nila. Isa pang pinsan, si Kuya Ontong, inasar ako nang inasar. Siyempre, di ako patatalo. Tinulisan ko ang mga kuko ko at kinalmot siya sa leeg. Si Irma, ‘yong kaklase ko, itinago ko ang sapatos dahil tinalo ako sa tumbang preso. Ayun, sinampal ako ng ate niya.

E, di napuno ako. Ayaw kasi akong paakyatin sa puno ng santol ng mga kalaro ko. Mahilig kasi ako sa santol. Wala sa akin ang ngilo-ngilo ‘pag kumakain na ng santol. Pati nga buto, nilulunon ko rin. Kaya hirap ako minsan sa pagtae.

Sinubukan kong umakyat ng puno, pero binato nila ako ng buto ng santol sabay asar ng: “Huhuhu. Wawa naman ang bata. Iiyak na ang bata.” E, ayaw na ayaw kong ginagano’n ako. Pinagbababato ko rin sila. Pero magaling silang umiwas. Mga expert ba naman sa larong touch ball.

“Waaaa. Ang bata, duling.”

Duling  pala, ha.

Pinuntahan ko ang tae ng kalabaw na nilaro ko bago sila nagsiakyatan sa puno. Sariwang-sariwa pa. May mga nakatusok na tingting. Kunwari, mga kandila. Kumuha ako ng kahoy at sinandok ang tae. Pinahid ko ito sa pinaka-katawan ng puno ng santol. Para akong nagpintura ng poste ng kuryente.

Umusok ang ilong sa galit ng mga kalaro ko. Tawa ako nang tawa. Kawawa pala, ha?

“Si Nana Milagring!”

Tarantang nagsibabaan ang mga kalaro ko. Takot na mahuli at mapalo ng may pagka-BellaFlores na si Nana Milagring. Ang iba’y tumalon na lang mula sa pinakamababang sanga ng puno para di mapahiran ng tae ng kalabaw. Ang ibang di kayang tumalon, no choice sila, dumausdos sila sa katawan ng puno. Umiyak ang ilan
 dahil sa takot sa matanda at dahil sa taeng kumapit sa katawan nila.

Ilang araw lang, back to normal na uli. Naibalik sa puwesto ang kinudetang lider. Di na uli nila ako sinabihan ng “di ka na namin bati.” Takot lang nila.