Tuesday, October 21, 2008

Reality TV


Sayang, eliminated na ang Southern Belles. Gusto ko pa naman sila. Naaalala ko sa kanila ang Beauty Queens, sina Dustin at Candice. Pero mas gusto ko pa rin ang BQs kasi physically stronger sila tsaka mas madiskarte. Ayun. Sana sina Aja at TY na lang natanggal, sila lang ang parang kulang sa personality sa season na to. So far, pinakagusto ko ang tandem nina Ken at Tina (na mukhang nalosyang sa divorce nila ni ken). Tatlong first place ba naman. Pinakagusto kong challenge nila so far 'yong Fighting Cholitas.

Next na gusto kong team ang mag-inang Toni at ang kotrobersiyal/maiskandalong si Dallas. Mukhang makakabanggaan nila sina ang kontrabida-in-the-making na sina Kelly at Christy. At sana 'wag munang maalis ang full-blown kontrabidang tandem nina Nick at Starr, para makasalpukan nila ang dalawang kontrabida-in-the-making. At natawa rin pala ako sa tatay ni Phil nung niyakap niya sina Marissa at Brooke.



Si Sugar ang manok ko sa season na 'to. Nasa kanya kasi ang hidden immunity idol at curious ako kung pa'no niya ito lalaruin. “yon nga lang, parang napapaikot ni Ace ang ulo niya. Pero sana umaakting lang si Sugar at siya pala ang naglalaro kay Ace. Ang engot ng Fang, hindi nila na-blindside si Sugar. Delikado sina Crystal (na natawa ako kasi nangialam ng bag nang may bag) at Ken, lalo ngayong wala na si GC. Mukhang Mabubuo nina Sugar, Ace, at Matty (na kahawig ni Marat Safin) ang tatapat sa “Onion Alliance” nina Charlie, Marcus (haha! Nakita ko na 'yong clip ng penis slip), at Corinne. Natawa ako sa immunity challenge, no'ng sumigaw si Randy ng “Freeze, Ace. Freeze!” tsaka do'n sa homoerotic moments nina Charlie at Marcus.


Wala na yatang tatalo pa kay Kenley sa pagiging numero unong nega. Nagmukhang maamo si Wendy Pepper sa kanya. Pati si Tim Gunn, Heidi Klum, Nina Garcia, at Michael Kors, di nakaligtas sa mga patutsada niya. No wonder, wala siyang kaamor-amor kina Korto at Leanne. So tapos na nga ang 5th Season, at third place lang siya. Sayang. 'Yong collection niya ang pinakagusto ko sa tatlo pero mukha raw kasing ginaya kay Alexander McQueen ang designs niya. Well, di naman ako familiar sa fashion so wala akong alam. Basta ang alam ko, ang boring at napaka monotonous ng kay Leanne. 'Yong kay Korto naman, parang walang bago. Masa masaya sana kung si Kenley ang nanalo. Hahaha!

So, kasama sa Final 3 sina Phillip, Veejay, at Aries. Di na ako masyadong nakakapanood nito, so di ko alam kung tapos na ang finale. Sana si Phillip ang manalo. May mga pangalan na kasi sa industry sina Aries at Veejay, e. At mabuti naman at di nakapasok sa top 3 ang fellow UP student kong si Mara. Ang basura lang ng mga tdesign niya.



Thursday, October 16, 2008

THES-QC and UP Ranking Brouhaha

 

Aminado akong dumadausdos na pababa ang kalidad ang edukasyon sa mahal kong UP (sa Pilipinas sa pangkalahatan). Alam na natin ang mga dahilan: kakulangan ng pondo, paaralan, libro, guro, walang katapusang pagtaas ng matrikula, kakurakutan ng gobyernong Arroyo at ng mga nauna sa kanya, at maraming-maraming-maraming iba pa.

Sa UP, nagsialisan na ang maraming guro at pinili na lang magturo sa DLSU, ADMU, UA&P, o sa mga unibersidad sa labas ng bansa. Kumusta naman 'yong pang-pandesal lang ang kinikita ng mga guro sa UP kumpara sa pang-Auntie Anne's almond-flavored pretzel ang kita sa ibang Unibersidad? Problema din ang kakulangan ng reseach output mula sa kaguruan. Pa'no kasi, walang pondo. Ang matrikula, mula P300 per unit sa undergrad, naging P1000 na. Sa graduate studies, mula P500 per unit, ngayon P1500. Sa'n ka pa. Kaya naman sobrang disadvantaged ang mga mag-aaral na nasa mababang income bracket. Meron ngang STFAP, andami namang butas.

Ayun. Kaya di ako magtataka kung bumaba man ang ranking ng UP sa mga university ranking sa mundo.

Pero ang di ko mapalampas ay 'yong institusyong napaka-iresponsable sa pangangalap ng datos para i-rank ang mga unibersidad sa mundo.  Ayos lang ang ranking, dahil kahit paano, nakikita natin kung paano makipag-compete ang mga unibersidad sa Pilipinas sa iba pang mga unibersidad sa ibang bansa. Pero kung napaka-problematiko ng metodong ginamit, na hindi ipinaliliwanag, ay ibang usapan na 'yan.


---------------------------------------------

In the 2008 university rankings recently released by the Times Higher Education Supplement (THES) and Quacquarelli Symonds (QS), only the University of the Philippines and the Ateneo de Manila University (among Philippine universities) made it to the top 400. UP rose from 398 in 2007 to 276 this year; Ateneo rose from 401-500 to 254. De La Salle was ranked 415th and UST was ranked 470th.

According to UP Vice President for Public Affairs Cristina Pantoja Hidalgo, UP President Emerlinda R. Roman did not receive any invitation to participate in the survey this year or any questionnaire to answer. What President Roman received was an email message from QS Asia Quacquarelli Symonds’ Regional Director (Asia Pacific), Mandy Mok, informing her that UP had “gone up in the rankings.”

Since UP had not been invited to participate in the survey and had not provided any data, UP officials do not know where and how the figures were obtained on which the ranking was based.

Hidalgo revealed that the message also contained this statement: “In view of the good news, would you like to consider signing up the following at a very attractive package price?” The “package price,” which includes a banner on topuniversities.com, a full page full color ad in Top Universities Guide 2009, and a booth at Top Universities Fair 2009, amounts to $48,930.

“UP can hardly be expected to spend more than 2 million pesos on publicity for itself involving a survey conducted by an organization that refuses to divulge where it obtains its data,” Hidalgo said.

 

In 2007, UP was invited to participate in the survey, but when THES-QS refused to explain where it obtained the data used to determine UP’s rank in the 2006 survey (where UP was ranked No. 299), university officials decided not to accept the invitation to participate in the 2007 survey. Moreover, the university was given barely a week to respond to the questionnaire.

UP wrote THES-QS in July 2007, informing them of this decision, and again in September 2007, requesting the organization to respect UP’s decision. In response, research assistant Saad Shabir wrote back saying that if it did not receive the information it would be “forced to use last year’s data or some form of average.”

These rankings are supposedly meant to serve as “the definitive guide to universities around the world which truly excel.” In evaluating institutions it computes half of the index based on its reputation as perceived by academics (peer review 40%) and global employers (recruiter review 10%). Since it does not specify who are surveyed or what questions are asked, the methodology is problematic.

An earlier statement, released by UP in August this year, and carried by several national dailies, said: “Even peers require standardized input data to review. But according to the International Ranking Systems for Universities and Institutions: A Critical Appraisal, published by BioMed Central, the Times simply asks 190,000 ‘experts’ to list what they regard as the top 30 universities in their field of expertise without providing input data on any performance indicators (http://www.biomedcentral.com/1741-7015/5/30). Moreover, the survey response rate among selected experts was found to be below 1%. In other words, on the basis of possible selection biases alone, the validity of the measurement is shaky.”

According to the statement, the other half of the index is based on such indicators as student-to faculty ratio, the number of foreign faculty and students in the university, and the number of academic works by university researchers that have been cited internationally. “Data for these indicators, however, typically depend on the information that participating institutions submit. An institution’s index may be easily distorted if it fails to submit data for the pertinent indicators, or if it chooses not to participate.”

As Dr. Leticia PeƱano-Ho said in an article carried by the UP Forum last year: “The crux of the matter is to identify the indices that can approximate the different landscapes of universities. There might be a need to relate these indicators to the unversities’ mission statements. UP’s constituents can identify their own indicators and decide on their desirability, relevance and reliability. These criteria should, as an added value, provide international comparisons.”

- http://www.up.edu.ph/features.php?i=93 

Wednesday, October 15, 2008

Parasitiko


Para akong tapeworm na umaagaw ng sustansiya sa isang batang malnourished. Parang parasitism kasi ang symbiotic relationship ko sa ilang mga nakapaligid sa akin ngayon.

Si Meegz, 'yong bagong salta sa opisina, lagi kong hinuhuthutan ng yosi. Nakakahiya, pero lagi akong nagpapalibre kay Mako (hello, credit card?). Pinakahuling pinakain niya ang isang pizzang sinlaki ng takip ng drum. Ilang mga kaibigan na rin ang pinakiusapan kong bigyan ako ng cell phone load. At mauubos ko na ang anti-dandruff shampoo na iniwan ng kaibigang laging nakikitulog sa bahay. 'Yong kakarampot na suweldo ni Kuya mula sa pagtuturo, na laging delayed, binabawasan ko rin. Nakikihati rin ako sa mga padala ni Mama, na para sana sa gamot at check up ni Papa.

Pero. Pero, pero.

Ang sabi sa Wikipedia, "The parasite benefits from a prolonged, close association with the host, which is harmed." E, hindi lang naman ako ng nagbe-benefit, pati rin sila.

Kapalit ng isa o dalawang stick ng Marlboro Lights ang isang yosi session na pantanggal ng banas sa makatuyot-utak na opisina. Kapalit ng panlilibre ni Mako ang tengang bugbog sa mga hinaing sa love life, sa trabaho, at sa pamilya. Kapalit ng cell phone load ang pagiging clown 'pag nakikipagkuwentuhan. Kapalit ng ant-dandruff shampoo ang magdamagang alam-niyo-na. Kapalit ng perang ibinibigay nina Kuya at Mama ang pride at karangalan at katalinuhang dala ko sa pamilya (Hahaha! Nagyeyelo na sa tuktok na ng Mt. Everest ang upuan ko).

So 'yon. Mutalism pala at di parasitism.

Pero may kilala akong akong dambuhalang parasitiko di mapuksa-puksa. Siya ang dahilan kung bakit nasa Ortigas ako ngayon at nagpapagago sa mga kliyenteng Amerikano. Siya ang dahilan kung bakit kelangan ko pang manghingi ng yosi at load. Kung bakit umaasa ako sa mga pagkaing dala ni Mako. Kung bakit binabalakubak ako ngayon. Kung bakit "Kuya, padala naman ng pera jan, o." ang drama ko ngayon.

Isang matinding gamutan at operasyon ang kelangan para malusaw ang parasitikong 'to.

Monday, October 6, 2008

Mga Takas sa Mental

Napagtripan namin no'ng Linggo na mag-picture-picture sa boarding house ng ilang kaibigan. Bawat picture, dapat may maipakita kaming isang emosyon. More than 20 ang na-project namin: masaya, malungkot, baliw, umiiyak, pasosyal, Korean/Japanese pose, pa-macho, mataray, natatae, nagse-seduce, nag-oorgasm, bored, nanggigigil, pagod, inaantok, mukhasim, nandidiri, nakalimutan ko na yong iba. Bawat shoot, may nananalo. No'ng una, si Anne at John ang laging nananalo sa challenge. Pero nung huli, kami ni Kwen ang humataw. Mabaliw-baliw ako pag-uwi ko sa bahay kasi di ko mailabas agad ang mga in-internalize ko. hahahaha!















Saturday, October 4, 2008

Hep, Hep, Horey!



Hep-hep-horey Day ko kahapon. Nawp. Di ako sumali sa putanginang pakulo ng Wowowee. Juskolord, ako, papatol sa gano'ng ka-cheapan? (Pero sige, aamin ako, nag-eenjoy akong panoorin kung pa'nong magmukhang eng-eng ang mga tao sa circus na 'yon).


Going back, Hep-hep-horey Day ko nga kahapon. Pa'no kasi, andaming magagandang nagyari sa akin. Una, naikabit na uli ang pukenenang SmartBro ko. Imagine (Eugene Domingo Bear Brand mode), bilyong beses kong finalow-up 'yon. Hayup sila, kung makasingil, daig pa ang mga Bumbay. A, hindi pala. Ang mga Bumbay kasi medyo di harsh sa paniningil. Daig pa ng Smart ang mga Manang 5-6. 'Yon. Anyway, ayoko nang isipin 'yan. Hep-hep-horey Day ko pa naman kahapon. Dapat good vibes lang. So 'yon, maaadik na naman ako sa kangkangan sa Internet nito.


Napa-tumbling pass din ako mula Batanes hanggang Borneo nang magpadala si Kuya ng pera. Shet talaga. As in shet na shet. Buti na lang. Kasi mukha na talaga akong instant noodle. Isang linggo ba namang puro Maggi Pancit Canton ang laman ng sistema ko, e. Hinahaluan ko rin naman ng konting gulay para mas healthy ng konti. Ayun, nakabili na rin ako sa wakas ng shampoo. Humanda kayong mga hindot na balakubak kayo. At siyempre, nakabili na rin ako ng Safeguard Blue, di na ako magtitiyaga sa Champion bareta.


Napaluhod talaga ako at napatingala sa langit, with matching dipa ng kamay (spotlight, please) dahil may dumating na raket. Aleluyasisbumbay! May dagdag kaperahan na rin ako, sa wakas. Hmmmm...mag-mall kaya ako? Tapos bibili ako ng bagong pantalon ('yong dalawang pants ko, ngumingiti na sa singit part), damit na Oxygen, at Olay Total Effects? Baka mag-treasure hunting na lang ako sa Arlegui sa Quiapo.


A, 'wag na lang pala muna. Kelangan ko omunang bayaran 'yong P5000 na student loan ko, P4500 na renta sa bahay, P3600 na utang ko sa 5-6, P2000 na utang ko kay Bebang, P1600 na utang ko kay Anne, P1000 kay Rita, P500 kay Hanzel, P500 kay Viring, P500 kay Kweni Varga, P300 kay Xiao Yeoh. Plus bill sa kuryente at cable, etc. etc. Shet!


Hummmmm...Positive energy... Hummmmm...Kaya ko 'to... Hummmmm... Hep-hep-horey Day ko kahapon... Hummmmm...