Wednesday, August 20, 2008

Makapag-Blog Nga Muna Habang Walang Ginagawa sa Trabaho

Sige, makikisakay na rin ako sa bandwagon: Idol ko si Phelps! Wohoo!



Dalawang oras pa (half-empty-glass person ako) at makakalis na rin ako dito sa office. Kating-kati na akong tumakbo palabas. I know, importante sa 'kin ang trabaho ko - afterall, ito ang bumubuhay sa 'kin ngayon - pero ilang minuto bago matapos ang shift ko, nakaabang na ako malapit sa labasan sa swipe-an ng ID. Nakikipagkarerahan kasi akong makalabas sa office. Naging obsession ko na 'yong ako ang unang lalabas. Kanina, muntik na akong matalo. buti na lang at mas mabilis ako ng .01 of a second dun sa lalaking madalas kong kakompetensiya.

Since dalawang oras pa (hindi "na lang") ang hinihitay ko, tambay muna ako dito sa blog ko.

---------------

Pupunta ako sa Mindanao mamaya. Hindi para makipag-threesome sa labanang militar-MILF, kundi para magbakasyon. Excited na nga ako kasi first time ko sa Mindanao. Sa Butuan, sa mansion nina Mother Resie, and first stop namin. Sa August 23-24, nasa Davao naman kami para sa Kadayawan Festival. Then diretso sa CDO. At kung kakayanin ng oras, lakas, at pera, baka magpunta rin kami sa Camiguin.

---------------

Anak ng tokwa, kung kelan may importanteng lakad ako, saka naman nagsulputan ang rashes (haha, sorry mayaman ako kaya "rashes" at hindi "kati-kati") sa mukha ko. As in ang pula-pula talaga. Sa noo at sa pisngi. kulang na lang magsuot ako ng malaking sumbrero na may tabing na fish net para di ma-obvious ang lalo kong pumangit na mukha. A, guwapo nga pala ako - sabi ng nanay ko. Sana mawala na ang rashes bagokami makaratingsa Mindanao. At sana walang bombahang maganap.

--------------

Umuurong talaga'ng bayag ko 'pag sumasakay ng eroplano. Napaparaning ako. Sobra. What if may hijacker at magpasabog ng bomba? What if maputol ang pakpak ng eroplano? What if bigla na lang tamarin ang makina at tumigil 'to sa pag-andar? What if tamaan ng kidlat ang eroplano, lalo na ngayong may bagyo pa naman? At kani-kana lang, nabasa ko sa Yahoo News na may bumagsak na eroplano sa Spain. 149 ang patay at 26 lang ang survivor. Sana ako na lang si Unbreakable, 'yong karakter ni Shyamalan.

-------------

Isa pang problema. Hindi ako nakapagpagupit kanina. Ang kapal na ng buhok ko. Mukha nang peluka. Buti naman sana kung natural na maganda ang tubo. E, parang bulbol at iba-iba ang direction ng tubo. Aaaargh! Ba't ba kasi di ako biniyayaan ng maayos na buhok. A, bahala na. Magbo-bonnet na lang ako. Isa pa pala, ang kapal na rin ng bigote't balbas ko. Ang tanda kong tingnan.

-------------

Tatanda na naman ako ng isang taon sa August 30. Goddarmit. Ang mga angas ko sa pagtanda, sa susunod na blog ko.

7 comments:

clarkMDkent said...

pagpunta nyo ng CDO try eating sa Butcher's Best. masarap yung artery-clogging sisig and BBQs nila dun.

batangmarikit said...

hahaha,nakaktawa ung swipe-an ng ID. parang grade 1. more! more!

Tonton said...

kinapos kami ng time sa CDO. so from camiguin, we went to CDO for an overnight stay. wala lang, para lang masabing nakatapak kami sa dun. oh well, putik-putik lang naman ang paa ko, puwede nang pagtaniman ng halaman. bat ba kasi nag-tsinelas pa ako.

may kinainan kaming manukan (forgot the name of the resto). masarap!

Tonton said...

minsan nga nag-hang yung swipe-an ng ID e.

clarkMDkent said...

baka sa dear manok yun. or Jo's Manukan. masarap nga dun. forgot to mention it. meron Jo's manukan dito sa metro manila. its in Visayas Avenue corner Commonwealth. Advance Happy Birthday nga pala. ako din sa trabaho madalas makaabang na sa bundee clock. tama ba spelling? at bundee din ba tawag kahit swipe na? di ko kasi alam.

Tonton said...

hi clark. parang Ron's something yung manukan. malapit sa Oro-something mall. at ma-try nga yang Jo's manukan na sinasabi mo. visayas ave cor commonwealth? di ba magkalayo yun?

bundy

di ko rin alam ang tawag dun. hehe

Unknown said...

pede naman mag online jobs as encoder pls visit http://unemployedpinoys.com/ for more info