Ilang oras na lang at magte-27 na ako (oh my god, 27 na talaga). Sabi ko no'ng bata ako, 'pag 30 years old na ako, dapat tumigil na ang pag-andar ng oras. Para forever young ako. Pero pinroblema ko 'yong mga bagong labas sa puwerta. Pa'no yun, e di forever baby na lang sila. Pano ang mga naghihingalo na, forever naghihingalo? Imposible yata 'yong iniisip ko. Kaya sabi ko na lang, sana mamatay na lang ako 'pag 30 na ako. Hindi 'yong pagkamatay na tipong mahuhulugan ako ng hollow blocks sa isang construction site o masasagasaan ng tren, ha. Gusto ko 'yong mamamatay akong nakangiti. Hindi 'yong OA na ngiti ha. 'Yong tamang-tama lang.
Unang-una, takot kasi akong lumaylay ang balat sa braso't leeg ko. Baka paglaruan ng mga bata. Ngayon nga, ramdam ko na ang pagbagal ng metabolism ko. Ang bilis kong mapagod. Ultimo pagkurap, ikinahihingal ko.
Tsaka sa tanda kong 'to, ni singko, wala akong ipon. Pa'no ako makakabili ng bahay ng lupa ng kotse ng malaking-malaking TV ng ref? Pa'no ako makakapag-world tour? Pa'no ang ataul ko 'pag namatay ako (mas mahal ba'ng cremation)? Pa'no 'yan, wala pa rin akong napapatunayan sa pagsulat. Although may na-publish nang ilang kuwento at article, at natanggap sa isang national writing workshop, di pa sapat 'yon. Alam ko, di pa ako magaling magsulat.
Consolation ko na lang yata 'yong nagiging mas wais ako habang tumatanda. A, saka ko na nga poproblemahin ang side effects ng pagtanda. Napapagod ako.
----------------------------
Muntik na akong maiyak no'ng nalaman kong sa August 30 ang reunion concert ng Eraserheads. Gusto kong maghanap ng burol at magtatatakbo ro'n na parang si Julie Andrews. Oo, gano'n ako talaga kasaya. Sabi ko, ang gandang birthday gift naman nito. Do'n sa concert ko sana ise-celebrate ang birthday. Pero 'yon, di ako makakapunta. Walang pambili ng tiket, e. Nalagas kasi sa Davao-Butuan-Camiguin-CDO trip ko.
----------------------------
Ayokong kinakantahan ako ng happy birthday. Basta. Ang corny. Kung sa mga kaibigan, ayos lang. Walang kaso. Pero kung sa mga taong di ko naman ka-close, ay 'wag na. Kaya nga di ko sinabi sa opisina kung kelan ang birthday ko. Pero nagulat na lang ako't naka-post sa pantry kung kelan ang birthday ko, kasama ng iba pang may birthday din sa August. Iko-cross out ko sana using pentel pen, pero 'wag na lang, baka makasuhan pa ako ng vandalism.
Ihahanda ko na lang ang plastic kong ngiti 'pag kinantahan nila ako.

5 comments:
nakakatuwa naman yung mga pangarap mo at age 30 ok lang yan sabi nga nila life starts at 30 ... sa call center kaba nagwowork try mo mag apply ng credit card malay mo pumasa ka... Oo tuloy na tuloy na ang concert ng eheads ang saya nga eh most nga ng mga ka office mate ko yang ang pinaguusapan kaso malungkot ako kasi hinde naman ako makakapunta...
hinde tayo close at hinde rin naman kita kilala so hinde na kita babatiin ng happy birtday
hi ruzzel. gagawa talaga ako ng paraan para makapanood ng Eheads reunion concert. wag kang matakot, batiin mo na ako ng hapi berdey. hehe. di naman ako nangangain ng tao.
happy birthday
kung sino ka man...
salamat. ;)
belated happy birthday
Post a Comment