Sabi ng doktor sa annual physical exam ko, overweight daw ako ng 7 kilos. Shet, di nga, sabi ko. 7 kilos? Oo nga, magbawas ka ng timbang, sabi niya.
E di magbawas. Simula ngayon:
1. Lalakarin ko na mula MRT North Avenue hanggang bahay (sa Tandang Sora) nang matunaw na ang dapat matunaw. Ilang kilometro lang naman. Tsaka umaga naman ako umuuwi, so wala pang gaanong polusyon. (Dalawang magkasunod na araw ko nang nasubukan ‘to, ang maglakad mula MRT pauwi na dadaan sa SM North, Mindanao Avenue, Veterans, Project 6, Congressional, at Road 20.)
2. Hindi na ako gagamit ng elevator papasok sa opisina. Kaya ‘yan. Ano lang ba naman ang 27 floors. Pampalusog na ng puso, pampaganda pa ng binti, hita, at puwet. Magandang cardio workout. Saka na uli ako lalangoy, pag kalaway-laway na uli ang katawan ko (di naman sa pagyayabang, pero sexy ako dati haha!). Baka kasi lamunin ng bilbil ko ang ibang lumalangoy.
3. Lagi ko nang sasayawin ang “Single Ladies (Put a Ring on It)” ni Beyonce – bago pumasok sa trabaho at bago matulog. Puwede rin habang break time sa opisina. O habang naglalakad pauwi. Dapat performance level para ma-maximize ang benefits ng workout.
4. Dadalasan ko na ang pakikipag-anuhan (baka may mag-react na naman ‘pag sinabi kong kangkangan). Ilang calories din ang nabu-burn nun. Anuhan sa agahan, anuhan sa tanghalian, at anuhan sa hapunan. Kung may panahon pa, anuhan sa merienda. Kelangang iba-ibang posisyon at degree of difficulty para may variety. Maraming puwedeng gayahin sa porn sa Internet.
5. Iiwasan ko na ang mga pagkaing mayaman sa transfat tulad ng fried chicken, french fries, ice cream, cookies, crackers, etc., etc. Wait lang, mahirap yata ‘to. Sige, ito na lang: Kakain pa rin ako ng fried chicken, french fries, ice cream, cookies, crackers, etc., etc. basta sundan ng ___ (kahit alin sa itaas).
6. Iiwasan ko na ang ma-stress. Sabi kasi nila, nagre-release daw ng sobra-sobrang cortisol ang katawan ‘pag stressed out ka. Dahil sa cortisol kaya tumatakaw ang isang tao. Kaya di ko na lang papansinin ang babaing eye sore sa opisina. Di na ako magrereklamo sa trabaho. Di ko na pahihirapan ang sarili sa pag-iisip kung bakit naiirita ako kay Willie Revillame. Di na ako manonood ng mga mind-fuck na pelikula.
Gusto ko rin sanang mag-gym, pero ‘wag na lang. Baka ma-stress pa ako sa ilang adik sa pagpapalaki ng kanilang mga masel (na inversely proportional naman sa kanilang utak). So ‘yon. Sana makayanan ko.