Friday, April 17, 2009

Ted Failon Overload


Inis na inis ako sa TV Patrol World kanina. Ted Failon marathon. My God. As if ‘yon lang ang kabali-balitang balita. Wala na bang mas importante? Wala bang update sa kasalang Juday-Ryan? O sa awayang Annabelle-Welma? O sa pagdedemanda ni Rechard? Si Ted, si Ted, lagi na lang si Ted. Ililipat mo sa GMA at TV5, gano’n pa rin. Si Ted pa rin. Ngayong kelangang-kelangan ko ng cable, saka naman mawawalan.


------


In fairness, magandang materyal para sa isang crime film. Isang high-profile personality ang suspek. Siksik sa drama (pagkawala ng isang butihing ina), suspense (murder/suicide), action (marahas na paghuli sa mga suspek), comedy (paggamit ng paraffin test), at horror (hintayin nating magparamdam si Trina). At ‘wag ka. Bigatin ang mga cameo appearance. Ang Vice President. Mga senador. Sa’n ka pa? Ang daming nakikisawsaw. Interbyuhin na rin si Jonalyn Viray para sumikat.


------


Sabi ni Ted, suicide. Sabi ng mga kamag-anak nila, suicide. Sabi ng mga kasambahay, suicide. Natural lang na reaction to kasi nga idinidiin sila sa pagkamatay ni Trina. Pero nawe-weirdohan ako sa mga kaibigan ni Trina. Bakit ganun na lang sila ka-prepared na sabihing suicide nga? Suicide is a very sensitive case. Parang hindi appropriate na i-announce sa media na nag-suicide nga ang kaibigan mo. If I were them, mananahimik na lang ako at sa korte na lang ako magsasalita.


Naalala ko tuloy ang Rosemary’s Baby.


------


Obstruction of Justice daw ang kaso nina Ted at mga kasambahay, kasi nga nilinis daw nila ang crime scene. Sabi sa Section 1(a) ng Presidential Decree No. 1829 (Penalizing Obstruction of Apprehension and Prosecution of Criminal Offender): “preventing witnesses from testifying in any criminal proceeding or from reporting the commission of any offense or the identity of any offender/s by means of bribery, misrepresentation, deceit, intimidation, force or threats.” E, pa’no si Romulo Neri? E si Jocjoc Bolante? Weird.