Wednesday, September 17, 2008

Shangri-La, Sept. 17, 2008


Ang hirap pala nun. Yung magpapanggap ka sa harap nila na parang wala lang. Yung kelangan mong tumawa from time to time para itago ang panginginig ng mukha mo. Yung kunwari maghihikab ka para ilabas ang hanging hindi mailabas sa dibdib. Yung palilitawin mong masaya ang mga mata mo kahit na isang kurap na lang ay tutulo na ang luha mo. Yung kelangan mong mag-maintain ng eye contact (kahit na gusto mong ibaling sa iba ang paningin para di mo makita kung pa'no nila tingnan ang isa't isa) para palabasing di ka apektado.

Tangina.



Tuesday, September 16, 2008

2008 Cine Europa Film Festival


So far nakakasampung pelikula pa lang ako. Anim pa ang di ko napapanood. Kinokompetensiya ko kasi sina Anne at Angelo (alam n'yo naman ako, di nagpapatalo sa mga ganitong bagay. hahahaha). Hanggang 21 pa naman, so malamang makumpleto ko. Saka na ang review, 'pag napanood ko na lahat. Pero ang top 3 ko so far ay: Children of the Moon, And When Did You Last See Your Father?, at The Paper Will Be Blue.

Eto ang mga napanood ko na (dumugo ang mata ko sa sept 14 screening!):

Sept 14 - The Paper Will Be blue
Children of the Moon
And When Did You Last See Your Father?
Mozart in China
Night Run

Sept 15 - Hands Off Mississippi
Beauty in Trouble
After the Wedding

Sept 16 - Chemical Hunger
100 Steps

Wednesday, September 10, 2008

You're Such a Bore



Na-verbal abuse na naman kanina ng centuries-old kong propesor sa pagsulat ang isang kaklaseng itago na lang natin sa pangalang Abused Guy. As usual, di na naman pumasa sa taste ni Propesor Halimaw ang short story ni Abused Guy. Nag-attempt kasing magsulat ng erotika na di naman talaga nakakatigas ng burat (makakatikim ng isang matinding roundhouse kick ang sinomang magssabing bastos ang bunganga/utak/daliri ko). Ayun, nasabihan tuloy ng: "You're such a bore." Buti nga at matigas 'tong si Abused Person, e. Kung ibang tao siguro 'yon, baka umiyak na at nag-walk out. O nagpunta sa banyo at ginilitan ang sariling leeg. O nag-amok at hilahin ang dila ng paborito kong propesor.

Tangina. Sabihan ka ba namang boring ka. Ang sakit kaya nun. Abot hanggang buto. Si Abused Guy din 'yong nasabihan dati na "Baka naman kasi mababa ang IQ mo kaya di mo maintindihan", "Wala kang pag-asa, iho", at "'Wag kang magpapa-impress sa akin". Nakalimutan ko na 'yong iba. Kanina sa klase, bawat sentence ng kuwento ni Abused Guy, tinatadyakan ng halimaw na writer/professor. Sabagay, maging ako, muntik nang takasan ng bait sa sinulat ni Abused Guy.

Medyo na-guilty nga ako kasi pinagtawanan ko rin 'yong kuwento. To think na magkatabi pa kami ni Abused Guy. Ang lakas ng tawa ko sa "pumanhik sa gate" (wow, ayos ang gate, may hagdan), "hinimas ang buong katawan" (isa pang wow, isang umaatikabong quickie pero may time pa para himasin ang talampakan, singit-singit ng mga daliri sa paa, braso, kilikili, etc., etc.), at "habang tinutuklas namin ang katotohanan ng buhay" (rakenrol!).

Habang wino-workshop ang kuwento ni Abused Guy tinanong ako ni Propesor Halimaw kung nagandahan daw ba ako. Sabi ko, "Napangitan po". Tinanong din kung ano na lang ang natira sa kuwento na puwedeng i-revise. Sagot ko, "Wala na po." Tinanong din niya ako kung ipa-publish ko ba ang kuwento ni Abused Guy kung publisher ako. Siyempre hindi ang sagot ko. Ang harsh talaga, pero 'yon ang totoo. Nagmadali akong lumabas pagkatapos ng klase. Mahirap na, baka resbakan ako ni Abused Guy. Pero cool lang naman siya.

Naalala ko tuloy 'yong sinasabi ng mga panelist at ilang co-fellows ko sa IYAS. Sa La Salle at Ateneo raw kasi, very nurturing ang mga propesor dun. Tinanong ako kung pa'no mag-workshop sa UP. Sabi ko, katayan talaga. Reality check kung reality check. Kung sa tingin ng mga propesor wala kang future sa pagsusulat, sasabihin nilang, "Iho, mas mabuti pang maging critic ka na lang". Nakaka-discourage talaga. Pero I take it as a challenge. Langya, sino sila para pagsabihan akong di ako marunong magsulat? Ako, boring? Hindot nila.

So 'yon. Kaya nga labs na labs ko si Propesor Halimaw.

Tuesday, September 2, 2008

Ang mga Poor sa Mata ng Vogue India. Kamowns!

Kung sino man ang nakaisip nito...


Controversial ngayon ang editorial spread ng August issue ng Vogue India kung saan kino-convey ang message na ang fashion ay hindi lang para sa mga sosyalero't sosyalerang fasyon-fasyonan, kundi para rin sa mga taong six feet under na sa mga utang. Kumusta naman 'yong makakakita ka ng larawan ng batang mula sa isang mahirap na pamilya na nakasuot ng Fendi bib worth $100? O ng nakayapak na mamang nagmo-model ng $200 Burberry umbrella? O ng babaeng nakasakay sa motor at nakatraditional Indian dress na may hawak na Hermès Birkin bag worth more than $10,000?

Sabi ng editor ng Vogue India, “fashion is no longer a rich man’s privilege. Anyone can carry it off and make it look beautiful.” At 'wag daw masyadong seryosohin ang mga larawan.

Seryoso, “anyone can carry it off”? E, hello. Halos katumbas kaya ng isang buwang suweldo (o higit pa) ang presyo ng mga designer something na 'yan. Sa bansa kung saan pilit pinagkakasya ang $1.25 sa isang araw para mabuhay? Kung saan in na in ang pagkakamatay para makatakas sa utang? Seriously? Regaluhan ko kaya ng isang orgy ng sampal ang editor na 'yan. At I'm sure, ni hindi nila nahahawakan ang mga ganyang superluxury items. Malamang, ipagtatabuyan na sila bago pa man makapasok sa shop.

Kung sa tingin ng Vogue ay naiaangat nila ang imahe ng mga nahihirap sa India sa pamamagitan ng pagkuha sa kanila ng mga larawan habang hawak/suot ang mga bagay na simbolo ng kapangyarihan, aba, nagkakamali sila. Lalo pa ngang nababansot ang sektor ng mahihirap. C'mon. Ni hindi nga pinangalanan ang mga taong object ng larawan. Pero kung sikat na personalidad 'yan, I'm sure, all-caps pa ang pangalan sa caption.

Sa kabilang banda, puwede rin namang tingnan ang mga larawan bilang komentaryo sa rich-poor gap sa India at sa iba pang mga bansang developing at underdeveloped. Napaka-powerful ng juxtaposition. Puwede rin naman itong tanawin bilang komentaryo sa pag-usbong ng consumerist society sa India. O sa mala-halimaw na epekto ng globalisasyon. Pero ang mga larawang 'to ay makikita sa Vogue. Ano ba ang purpose ng magasing tulad nito? Go figure.

Ewan, pero naaawa ako sa mga taong kunuhanan ng larawan at sa mga taong nirerepresent nila.

Friday, August 29, 2008

Na-zipper si Birdie!

Mag-iingat dito!



Kahapon, dumaan ako sa isang kaibigan para manghiram ng perang pambayad sa 'nyetang Smartbro (na ke pangit-pangit naman ng serbisyo). At para maka-libre na rin sa breakfast. Ikinuwento niya ang nangyari sa anak niyang itago na lang natin sa pangalang Jayjay. Sabi niya, nasa isang birthday party raw sa Jollibee ang anak niya. Ayun. E di umihi ang bata sa CR. Nagmamadali nang makauwi at nang makita na ang lola niya. E wala siyang suot na brief. Kaya nang itaas ang zipper ng pantalon, ayun, naipit si birdie.

Napangiwi ako habang ikinukuwento sa akin 'to ng kaibigan. Nangyari na rin kasi sa akin 'to no'ng bata ako. No'ng di pa uso sa akin ang pagsusuot ng brief. Basta, ayaw na ayaw kong nagsusuot ng brief dati. Naalibadbaran ako. Kaya asar-talo talaga ako 'pag bigla na lang ibinababa ng mga pinsan/kalaro/kaklase ko ang shorts ko. Eto 'yong equivalent ng pagtaas sa palda ng mga kaklaseng babae o pagbatak sa strap ng bra nila.

Madaling araw no'n. Nagising ako kasi naiihi na. Habang jumijingle (maluha-luha at pakilig-kilig pa sa sobrang sarap), may narinig akong kalabog. So 'yun, nataranta ako. Kala ko kasi multo. Sa kamamadali, naipit ng zipper ang birdie ko. Mangiyak-ngiyak kong ginising sina Mama at Papa para solusyonan ang napakalaki kong problema. Awa ng Diyos, wala namang damage.

Di tulad nang nangyari kay Jayjay na naospital pa at doon na tinanggal ang pagkakaipit. Sobrang namaga kasi ang birdie niya. Sabi nga ng jowa ng kaibigan ko, sana gano'n na lang lagi para magmukhang malaki ang birdie niya. Parang ako ang nakakaramdam ng sakit habang ikinukuwento niya kung pa'no alisin ng doktor ang pagkakaipit. Parang 'yong nagkuwento ka sa isang lalaki kung pa'no ka binayagan.

Ayun, awa ng Diyos, wala rin namang damage sa birdie ni Jayjay. Medyo na-trauma lang siguro. Ikaw ba naman 'yong magsisigaw sa sakit sa CR sa Jollibee at pagtinginan ng mga tao habang inilalabas ka para dalhin sa ospital. Iba pa siyempre 'yong sakit.

Kaya ang payo ko, laging magsuot ng brief o boxers. Kung ayaw niyo naman - mainit kasi minsan at napaka-uncomfortable - mag-ingat lang sa balat ni birdie, ha. Baka makagat ng zipper.

Thursday, August 28, 2008

Birthday Ko Na. Shet. Malagket.


Ilang oras na lang at magte-27 na ako (oh my god, 27 na talaga). Sabi ko no'ng bata ako, 'pag 30 years old na ako, dapat tumigil na ang pag-andar ng oras. Para forever young ako. Pero pinroblema ko 'yong mga bagong labas sa puwerta. Pa'no yun, e di forever baby na lang sila. Pano ang mga naghihingalo na, forever naghihingalo? Imposible yata 'yong iniisip ko. Kaya sabi ko na lang, sana mamatay na lang ako 'pag 30 na ako. Hindi 'yong pagkamatay na tipong mahuhulugan ako ng hollow blocks sa isang construction site o masasagasaan ng tren, ha. Gusto ko 'yong mamamatay akong nakangiti. Hindi 'yong OA na ngiti ha. 'Yong tamang-tama lang.

Unang-una, takot kasi akong lumaylay ang balat sa braso't leeg ko. Baka paglaruan ng mga bata. Ngayon nga, ramdam ko na ang pagbagal ng metabolism ko. Ang bilis kong mapagod. Ultimo pagkurap, ikinahihingal ko.

Tsaka sa tanda kong 'to, ni singko, wala akong ipon. Pa'no ako makakabili ng bahay ng lupa ng kotse ng malaking-malaking TV ng ref? Pa'no ako makakapag-world tour? Pa'no ang ataul ko 'pag namatay ako (mas mahal ba'ng cremation)? Pa'no 'yan, wala pa rin akong napapatunayan sa pagsulat. Although may na-publish nang ilang kuwento at article, at natanggap sa isang national writing workshop, di pa sapat 'yon. Alam ko, di pa ako magaling magsulat.

Consolation ko na lang yata 'yong nagiging mas wais ako habang tumatanda. A, saka ko na nga poproblemahin ang side effects ng pagtanda. Napapagod ako.

----------------------------

Muntik na akong maiyak no'ng nalaman kong sa August 30 ang reunion concert ng Eraserheads. Gusto kong maghanap ng burol at magtatatakbo ro'n na parang si Julie Andrews. Oo, gano'n ako talaga kasaya. Sabi ko, ang gandang birthday gift naman nito. Do'n sa concert ko sana ise-celebrate ang birthday. Pero 'yon, di ako makakapunta. Walang pambili ng tiket, e. Nalagas kasi sa Davao-Butuan-Camiguin-CDO trip ko.

----------------------------

Ayokong kinakantahan ako ng happy birthday. Basta. Ang corny. Kung sa mga kaibigan, ayos lang. Walang kaso. Pero kung sa mga taong di ko naman ka-close, ay 'wag na. Kaya nga di ko sinabi sa opisina kung kelan ang birthday ko. Pero nagulat na lang ako't naka-post sa pantry kung kelan ang birthday ko, kasama ng iba pang may birthday din sa August. Iko-cross out ko sana using pentel pen, pero 'wag na lang, baka makasuhan pa ako ng vandalism.

Ihahanda ko na lang ang plastic kong ngiti 'pag kinantahan nila ako.


Wednesday, August 20, 2008

Makapag-Blog Nga Muna Habang Walang Ginagawa sa Trabaho

Sige, makikisakay na rin ako sa bandwagon: Idol ko si Phelps! Wohoo!



Dalawang oras pa (half-empty-glass person ako) at makakalis na rin ako dito sa office. Kating-kati na akong tumakbo palabas. I know, importante sa 'kin ang trabaho ko - afterall, ito ang bumubuhay sa 'kin ngayon - pero ilang minuto bago matapos ang shift ko, nakaabang na ako malapit sa labasan sa swipe-an ng ID. Nakikipagkarerahan kasi akong makalabas sa office. Naging obsession ko na 'yong ako ang unang lalabas. Kanina, muntik na akong matalo. buti na lang at mas mabilis ako ng .01 of a second dun sa lalaking madalas kong kakompetensiya.

Since dalawang oras pa (hindi "na lang") ang hinihitay ko, tambay muna ako dito sa blog ko.

---------------

Pupunta ako sa Mindanao mamaya. Hindi para makipag-threesome sa labanang militar-MILF, kundi para magbakasyon. Excited na nga ako kasi first time ko sa Mindanao. Sa Butuan, sa mansion nina Mother Resie, and first stop namin. Sa August 23-24, nasa Davao naman kami para sa Kadayawan Festival. Then diretso sa CDO. At kung kakayanin ng oras, lakas, at pera, baka magpunta rin kami sa Camiguin.

---------------

Anak ng tokwa, kung kelan may importanteng lakad ako, saka naman nagsulputan ang rashes (haha, sorry mayaman ako kaya "rashes" at hindi "kati-kati") sa mukha ko. As in ang pula-pula talaga. Sa noo at sa pisngi. kulang na lang magsuot ako ng malaking sumbrero na may tabing na fish net para di ma-obvious ang lalo kong pumangit na mukha. A, guwapo nga pala ako - sabi ng nanay ko. Sana mawala na ang rashes bagokami makaratingsa Mindanao. At sana walang bombahang maganap.

--------------

Umuurong talaga'ng bayag ko 'pag sumasakay ng eroplano. Napaparaning ako. Sobra. What if may hijacker at magpasabog ng bomba? What if maputol ang pakpak ng eroplano? What if bigla na lang tamarin ang makina at tumigil 'to sa pag-andar? What if tamaan ng kidlat ang eroplano, lalo na ngayong may bagyo pa naman? At kani-kana lang, nabasa ko sa Yahoo News na may bumagsak na eroplano sa Spain. 149 ang patay at 26 lang ang survivor. Sana ako na lang si Unbreakable, 'yong karakter ni Shyamalan.

-------------

Isa pang problema. Hindi ako nakapagpagupit kanina. Ang kapal na ng buhok ko. Mukha nang peluka. Buti naman sana kung natural na maganda ang tubo. E, parang bulbol at iba-iba ang direction ng tubo. Aaaargh! Ba't ba kasi di ako biniyayaan ng maayos na buhok. A, bahala na. Magbo-bonnet na lang ako. Isa pa pala, ang kapal na rin ng bigote't balbas ko. Ang tanda kong tingnan.

-------------

Tatanda na naman ako ng isang taon sa August 30. Goddarmit. Ang mga angas ko sa pagtanda, sa susunod na blog ko.