Showing posts with label creative writing. Show all posts
Showing posts with label creative writing. Show all posts

Saturday, March 13, 2010

Ikatlong Palihang Rogelio Sicat

Ikatlong Palihang Rogelio Sicat:
DFPP 2010 Pambansang Palihan sa Malikhaing Pagsulat


Petsa: 28 Abril – 2 Mayo 2010

Lugar: Baler, Aurora


Kwalipikasyon: Bukas sa lahat ng nagsisimulang manunulat sa wikang Filipino; sa alin mang anyo: tula, maikling kuwento o maikling kuwentong pambata.


Mga Kakailanganin:

1. Akda (12 points, doble-espasyo, 8x11) ng alin man sa mga sumusunod:

- limang (5) tula; o

- dalawang (2) maikling kuwento (10 - 20 pahina kada kuwento); o

- dalawang (2) maikling kuwentong pambata (5-7 pahina kada

kuwento).

2. Maikling tala sa sarili.

3. Larawan (2x2, may kulay).

4. Application Form (punta ka dito).

Tutustusan ng palihan ang lahat ng gastusin mula UP Diliman hanggang sa pagdarausan ng palihan. Gayon din, pagkakalooban ng modest stipend ang lahat ng mapipiling kalahok.

Ipadala lamang ang mga kakailanganin sa email na palihangrogeliosicat@yahoo.com.ph nang hindi lalampas ng ika-9 Abril 2010. Maaari ring magpadala ng mga katanungan sa email na ito.

Join kayo! Masaya 'to, paramis.

Wednesday, September 10, 2008

You're Such a Bore



Na-verbal abuse na naman kanina ng centuries-old kong propesor sa pagsulat ang isang kaklaseng itago na lang natin sa pangalang Abused Guy. As usual, di na naman pumasa sa taste ni Propesor Halimaw ang short story ni Abused Guy. Nag-attempt kasing magsulat ng erotika na di naman talaga nakakatigas ng burat (makakatikim ng isang matinding roundhouse kick ang sinomang magssabing bastos ang bunganga/utak/daliri ko). Ayun, nasabihan tuloy ng: "You're such a bore." Buti nga at matigas 'tong si Abused Person, e. Kung ibang tao siguro 'yon, baka umiyak na at nag-walk out. O nagpunta sa banyo at ginilitan ang sariling leeg. O nag-amok at hilahin ang dila ng paborito kong propesor.

Tangina. Sabihan ka ba namang boring ka. Ang sakit kaya nun. Abot hanggang buto. Si Abused Guy din 'yong nasabihan dati na "Baka naman kasi mababa ang IQ mo kaya di mo maintindihan", "Wala kang pag-asa, iho", at "'Wag kang magpapa-impress sa akin". Nakalimutan ko na 'yong iba. Kanina sa klase, bawat sentence ng kuwento ni Abused Guy, tinatadyakan ng halimaw na writer/professor. Sabagay, maging ako, muntik nang takasan ng bait sa sinulat ni Abused Guy.

Medyo na-guilty nga ako kasi pinagtawanan ko rin 'yong kuwento. To think na magkatabi pa kami ni Abused Guy. Ang lakas ng tawa ko sa "pumanhik sa gate" (wow, ayos ang gate, may hagdan), "hinimas ang buong katawan" (isa pang wow, isang umaatikabong quickie pero may time pa para himasin ang talampakan, singit-singit ng mga daliri sa paa, braso, kilikili, etc., etc.), at "habang tinutuklas namin ang katotohanan ng buhay" (rakenrol!).

Habang wino-workshop ang kuwento ni Abused Guy tinanong ako ni Propesor Halimaw kung nagandahan daw ba ako. Sabi ko, "Napangitan po". Tinanong din kung ano na lang ang natira sa kuwento na puwedeng i-revise. Sagot ko, "Wala na po." Tinanong din niya ako kung ipa-publish ko ba ang kuwento ni Abused Guy kung publisher ako. Siyempre hindi ang sagot ko. Ang harsh talaga, pero 'yon ang totoo. Nagmadali akong lumabas pagkatapos ng klase. Mahirap na, baka resbakan ako ni Abused Guy. Pero cool lang naman siya.

Naalala ko tuloy 'yong sinasabi ng mga panelist at ilang co-fellows ko sa IYAS. Sa La Salle at Ateneo raw kasi, very nurturing ang mga propesor dun. Tinanong ako kung pa'no mag-workshop sa UP. Sabi ko, katayan talaga. Reality check kung reality check. Kung sa tingin ng mga propesor wala kang future sa pagsusulat, sasabihin nilang, "Iho, mas mabuti pang maging critic ka na lang". Nakaka-discourage talaga. Pero I take it as a challenge. Langya, sino sila para pagsabihan akong di ako marunong magsulat? Ako, boring? Hindot nila.

So 'yon. Kaya nga labs na labs ko si Propesor Halimaw.

Monday, April 28, 2008

Mga Mami-miss ko sa 8th IYAS Creative Writing Workshop

Kelangan ko nang isulat 'to bago ko makalimutan ang ilang detalye. First time kong um-attend ng national creative writing workshop at happy ako na IYAS (Apr 20-26, USLS, Bacolod) ang una ko. Eto'ng mga mami-miss ko:
1. Ang maghapong kain-katay-kain-katay-kain-katay (kumusta 'yong gumrabe ang flabs ko).
2. Ang Lost '80s concert.
3. Ang halos gabi-gabing "paglo-load" ng mga textm8rs.
4. Ang mga transition na asterisk, flower, at smiley
5. Ang bandang I Love You But I've Chosen Darkness
6. Ang "Ayoko nga!" ni Sir John.
7. Ang "Last comment na lang, kakain na tayo" ni Sir Tony.
8. Ang 4-inch Sto. Nino ni JV.
9. Ang giraffe ni Jessel.
10. Ang piss buddy ni Jeff.
11. Ang manggagaok ni Carlo at ang Tatlong Buddhang Ina ni Ida.
12. Ang floating head ni Margie.
13. Ang prepaid ni Mitch.

14. Ang kakulitan ni En.
15. Ang ka-Kris Aquino-han ng roommate kong si JM.
16. Ang 41 years old nang si Hedwig (naliligo raw siya ng dugo ng baklang vigin, 'yon ang sikreto ng youth niya).
17. Ang paggala namin sa capitol nina Jeff, Jessel, at Jonathan at panonood sa mga isdang di namin mawari kung ano.
18. Ang Better Than Sex dessert sa Sweet Greens.
19. Ang 2-in-1 na sina Carlo at Ida.
20. Ang buhok ni Charles.
21. Ang pagtungkod ni Margie sa table dahil may "signal" na.
22. Ang bell.
23. Ang Balay Kalinungan.
24. Ang staff na sinungitan kami nina Hedwig at Jonathan dahil sa yosi.
25. Ang bentang-bentang si Twinkle (taob si JM).
26. Ang Manokan Country, Chicken Bacolod, Pendy's, Bongbong's, Calea, Gaston House, The Ruins, Pana-ad, Book Sale, National Bookstore
27. Si Javier Bardem
28. Ang panlilibre sa amin nina Jessel at Jonathan ni Sir Tony ng La Paz Batchoy at pagdala sa amin sa SM supermarket para tumingin-tingin ng mga isda.
29. Ang dinner sa bahay nina Dr. Coscolluela.
30. Ang pagsugod sa ulan kasama sina Jeff at Mitch matapos kumain sa Chicken Bacolod (oo nga, mas masarap ang insal dito kesa sa manokan Country)
31. No'ng inulan kami nina Twinkle, JV, Jon, JM, En, at Yvonne sa opening ng Pana-ad.
32. Ang Bob's Cafe sa tapat ng La Salle.
33. Ang panonood ko ng Forbidden Kingdom sa SM Bacolod (P70 lang ang ticket, sa'n ka pa?)
34. Ang oyster na pinulutan na dala ni Jeff.
35. Ang mga debateng iisa lang naman ang pinatutunguhan.
36. Ang mga comments ni Mitch sa plenary.
37. Ang room 2004 at ang pagbaha sa banyo.