Showing posts with label dog bite. Show all posts
Showing posts with label dog bite. Show all posts

Friday, September 14, 2007

Takot ako sa Aso

Napag-usapan namin ng isang kaibigan kung anong childhood trauma ang hinding-hindi namin makakalimutan. Sabi niya, muntik na raw siyang mamatay nang tangayin ng agos habang naliligo sa ilog. Ako naman, sariwang-sariwa pa sa gunita ko ang pag-atake sa akin ng isang askal.



Dog lover ako no’ng bata ako. Nariyan si Tygra, na nakagat ng asong ulol, at tuluyang na-ulol. Sina Wooly at Booly, na pasttime ang pandadaluhong ng tao. Ang kawawang si Tyson, na sa pagkakatanda ko ay kinatay at pinulutan. Si Queenie (pasintabi sa isang kaibigan), na namatay nang mabulok sa sinapupunan niya ang mga asong pinagbubuntis niya. At ang pinakapaborito ko sa lahat, si Pilay (peeh-lai), na nasagasaan ng traktor no'ng tuta pa lang siya at nagkasakit ng isang milyong beses pero nabuhay pa rin nang matagal.


Pero nagka-phobia ako sa aso. Grade 4 ako noon. Galing ako sa eskuwela at bibili ng lutong-ulam kay Ate Lisa, ang maninindang kulay itim ang mga kuko. E, may nakasalubong akong isang pulutong ng mga malilibog na aso. Pinag-aagawan ang isang babaeng aso. Nang mapatapat ako sa kanila, kinahulan nila ako nang kinahulan. ‘Tong mga asong ‘to, akala yata kaagaw ako. Ang susunod na naalala ko na lang ay nang mahulog ako sa kanal, nakadapa. Pumatong sa akin ang isang nag-uulol na aso at gigil na kinagat ang likod ko. Nang tantanan ako, nanginginig akong tumayo, pumunta sa tindahan ni Ate Lisa, at bumili ng giniling. Parang ganito ang nangyari sa akin:

Ngayon ko lang na-realize ang matinding traumang sinapit ko noon. Imagine, putikan akong bumalik sa school. Tapos, si Mama, nagpa-panick na dahil ayaw kong sabihin ang nangyari sa akin. Niyuyugyog niya ang balikat ko, pero ayaw kong magsalita. Iyak ako nang iyak. Simula noon, talagang kinatakutan ko ang mga aso. Kelan na lang uli ako naka-recover.