Friday, January 16, 2009

2 Pinggang Pansit + Pork Adobo + 2 Tasang Rice + Buko Juice + Mahimbing na Tulog =


Swimming sa sea. Habulan with pating and tiger. Nakakapagod. Kasama ko si Eugene Domingo complete with curly wig at Martin Nievera with his microphone. Kinain sila ng tiger sa sea. May malaking-malaking buwaya sa paanan ng waterfalls malapit sa seashore. May tumalun-talong giant palaka. Na-shoot sa bunganga ng buwaya. Nginuya ng buwaya ang palaka. Tawa nang tawa si lolo. Sa Isabela. May dumating na apat na batang bulag. Pinakain. Dumating ang mag-inang Bebang at EJ. Nanood ng horror film. May babaeng buhaghag ang buhok. Sumilip sa bintana. Tumili si Bebang. Makapal ang kilay ng babae. Siya 'yong nasa pelikulang pinapanood. Kamukha ni Susan Lozada. Nanaginip ang babaeng multo. Napunta kami sa lugar na napanaginipan ng babae. Sa Bulacan. Kasama si Papa, Mama Kuya, Bebang, EJ, Hilda Koronel, at dalawang babies. May nagcha-chant nang kung ano sa loob ng bahay. Ibang language. Pumasok ang mga kasama ko para makiihi. Naiwan kami sa labas nina Papa at Hilda Koronel. Tapos, bigla na lang kaming may nakitang apat na duguang paa sa mesa sa may gate. As in paa. Walang binti. Walang hita. Kulubot ang talampakan. Nilalangaw. Hinila ng mga tao papasok ng gate si Hilda Koronel. Sigaw nang sigaw. "Best actress ako!" sigaw niya. Tumakbo ako palayo at sumakay sa trike sa labas ng subdivision. Naiwan si Papa. Hindi na nakatakbo dahil sa rayuma. Tumirik ang trike sa edge ng kalsadang may 45-degree slope. Lumipat ako ng trike. Dumaan muna ako sa bahay ni Auntie Flor. Nakita ko ang mga flower design sa cartolina ni Ate hazel na nakadikit sa nababakbak na wall. Nakauwi ako. Nakahiga si Papa sa sahig na kahoy. Umiyak kami. Relieved ako at buhay siya. Sabi niya, chinop-chop daw si Mama at Kuya at mga kasama namin. Dumating daw ang mga pulis. Hinuli ang mga kumatay. Ibinebenta raw nila sa mga sindikato ang mga kinatay na laman. Sabi ko kay Papa, sana panaginip na lang ang lahat. Napadaan si April at Pinang at tinanong kung nasaan si Kuya. Sabi ko, wala na. Pinlano namin ni Papa kung paano ibabalita sa mga kapitbahay ang nangyari habang kinukuha namin ang mga sinampay. Paulan na kasi. Bumukas ang mata ko. Nag-iingay ang maalikabok na electric fan.

Tuesday, January 6, 2009

Pasakalye

Isa sa mga huli kong short story bago ako tinamad magsulat ng kuwento. Last year pa 'to.

-------------------------------

PASAKALYE

Uy, buti na lang nakita kita. Tara, mag-miryenda tayo sa tindahan. Sa’n ka ba nagsusuot at ilang araw na kitang di mahagilap? A, oo nga pala. O, tapos. Ay, dyuskupo, kawawa naman pala’ng amo mo. Mamamatay na nga yata. Talaga, sigaw nang sigaw? Mabuti at natagalan mo’ng pagbabantay. Kung ako ikaw, baka nabaliw na ako. ‘Yokong nakakarinig ng ganyang sigaw. Alam mo ‘yon, ‘yong tipong sasabog ang bungo mo sa tindi ng tili. Ramdam mo rin kung ano ang sakit na nararamdaman n’ya.

Parang no’ng binantayan ko si nanay sa ospital. Bata pa ako no’n. E, ako lang ang kasama ni nanay no’n. Ang tatay, ewan ko, di ko na maalala kung nasa’n siya no’n. Malamang naghahanting ng mauutangan. Ta’s ayan na. E, di dumating ang doktora at mga nars. Sabi ng doktora, maupo lang daw ako sa tabi. E, ako naman si masunuring bata, di naupo ako. Hinawakan ng isang nars ang balikat ni nanay. ‘Yong isa naman, hinawakan ang balakang n’ya. Halos bumaon ang mga daliri nila sa katawan ng nanay ko.

Pinatagilid nila si nanay. Nakatitig siya sa akin. Halos nakapikit, pero alam kong nakapako ang tingin n’ya sa akin. Nanginginig ang tuyot na labi at kumislap ang luhang ayaw n’yang ipakita kay tatay. Takot na takot siya sa mga taong nakaputi at sa mga metal at maliliit na boteng dala nila. Ayokong salubungin ang tingin ni nanay. Ha? Basta, ayoko. Nakakatakot. Kaya ‘yon, kung saan-saan gumala ang tingin ko. Sa alambreng buhok ng doktora, sa nunal na pasas sa ilong ng nars, sa nanlilimahid kong kuko, sa krus na halos nakatagilid na sa pagkakapako nito sa dingding. Basta, ‘yoko kasing nakikitang naghihirap ang nanay.

‘Yong doktora, pumuwesto sa likod ni nanay. Itinarak ang pagkahaba-habang iniksiyon. Halos bumagsak ang kisame sa tindi ng sigaw si nanay. Pinagmumura ang doktora sa sobrang sakit. Do’n ibinuhos ni nanay ang natitira pa n’yang lakas. Parang may kinakatay na baboy. Tinakpan ko ang tenga ko no’n at humarap na lang sa bintana. Halos mapipi ang tenga ko sa tindi ng pagkakatakip. Wa epek. Nanlambot ang buto’t laman ko sa pagsisisigaw at pagmumura ni nanay. Ramdam na ramdam ko rin ang pagtibok ng ugat sa noo ko. Pati ang puso ko, dugdug… dugdug… dugdug… Alam mo ‘yon? Di ko talaga makayanan kaya tumakbo na lang ako palabas. Pagbukas ko ng pinto, nasalubong ko si kamatayan at ang nangingintab n’yang kalawit. Iyak ako nang iyak sa labas ng ospital. Tahimik na ang kuwarto pagbalik ko.

Kaya nga naawa ako sa amo mo ngayon, e. Hmmm… Nar’yan na ba lahat ng mga kamag-anak nila? Ang kapal din naman ng mukha ng asawa ni madam, ‘no? Matapos siyang ipagpalit sa isang mabantot na pokpok, ayan at nakabantay sa naghihingalong asawa. Gusto yatang madaliin ang pag-akyat ni madam sa langit.

A, oo nga, naaalala ko pa no’ng magkaroon ng giyera d’yan sa inyo. Di ko kinaya’ng eksena. ‘Kala ko, sa pelikula lang nangyayari ang gano’n. Si madam, parang asong ulol na hinabol ng kutsilyo ang aligagang kerida. Itong si kerida naman, nakabuyangyang ang retokadang susong nagtatatakbo hanggang sa may kanto. Siyempre, lumuwa ang mga mata ng mga tambay. Kung nagkataong nahuli si kerida, sigurado ‘ko, chop-chop lady ang labas n’ya. Popcorn na lang talaga ang kulang at parang nanood na rin kami ng sine.

Ang kapal din naman kasi ng mukha, magkakangkangan na lang, sa kuwarto pa mismo ni madam. Di ba? Puwede namang sa motel na lang. Sa Sogo, maganda raw do’n. O kaya sa Tawi-Tawi na lang o sa Sierra Madre. O sa’n mang lupalop ng daigdig. Basta do’n sa lugar na di sila mahuhuli. Tama. Sana, nag-Hong Kong o Singapore na lang sila.

‘Yong lalaki naman, siya na nga ang namangka sa dalawang pekpek, siya pa ang may ganang pagsasampalin si madam. May pagkamartir din kasi ‘tong si madam, ‘no? Kung ako sa kanya, puputulin ko’ng ari ng halimaw. Ako, ‘pag nag-asawa ako’t nahuli kong nambababae ang asawa ko, naku, magtago na sila ng babae niya sa puwertang pinanggalingan nila. Kahit sa’ng sulok ng impiyerno, susundan at susundan ko sila.

A, nar’yan na rin pala ‘yong panganay nila. Kala ko ba hanggang ngayon magkaaway pa rin sila ni madam? Tagal na ring di umuuwi ‘yan, a. Mag-iisang taon na, ‘no? Ito naman kasing si madam, ewan ko ba, may pagkalukaret din. Alak sa umaga, alak sa tanghali, alak sa gabi. – ‘Te, pabili nga ng Coke, ‘yong taglilimang piso. Dalawa. ‘Wag mo nang iplastik. Dito na lang namin iinumin. ‘Te, magkano ‘yong ano, ‘yong nasa tabi ng monay? Hindi, hindi ‘yan. ‘Yong katabi n’yan. Si ‘Te talaga, may katarata na yata. ‘Yan. ‘Yan. Magkano ‘yan? Lista muna ha. – O, libre ko na ‘to. ‘Yong utang mo sa akin, saka mo na bayaran ‘pag marami ka nang pera

Tapos? ‘Yong bunsong anak, dumating na rin? Alam mo, crush ko talaga ‘yong tisoy na ‘yon. ‘Pag niligawan ako no’n, kahit ano, ibibigay ko. Isanla ko man ang buong Pilipinas. Sanamapangasawa ko siya balang araw. Magiging masaya kami, sigurado ‘ko. Siyempre, ‘pag namatay na si madam, malaki ang makukuha n’yang mana. Magpapakasal kami sa, sa’n na nga ba yun, kung saan kinasal sina Aga at Charlene? Hindi do’n. Basta, sa ano yata. Basta, sa malaking-malaking simbahan. Magpapatahi ako ng magandang-magandang gown. ‘Yong mahaba ang buntot para mas sosyal. Imbitado kayong lahat sa kasal namin. Ta’s sa Amerika kami gagawa ng baby. Ta’s maninirahan kami sa bahay nila sa Bohol. Ta’s magnenegosyo kami hanggang sa yumaman nang yumaman nang yumaman. Ang saya, ‘no?

May sasabihin pala ako sa ‘yo. Ay, mamaya na lang pala. Basta, wala ‘yon. ‘Wag kang makulit, mamaya na nga.

Balita ko, nililigawan ka raw ni ano, ni...ano’ng pangalan n’ya? Umamin ka. Gaga, walang nakakalusot na sikreto sa akin, ‘no. Kuwento ka, bilis. ‘Wag kang mahiya. Nagkangkangan na ba kayo? Sige na, kwento ka. Pramis, di ‘to makakalabas sa iba. Atin-atin lang ‘to.

Ayyyyy! Talaga? Loka-loka ka talaga. Ginawa mo ‘yon? – Te, narinig mo yun? Humahada pala ‘tong si lukaret. – Grabe ka talaga. Kunwari tahimik, pero sumusubo rin pala ang santa. Ayyyyy! Ganun talaga’ng lasa no’n. ‘Yong sa jowa ko, maalat-alat din. O, tapos. Malaki ba? Sus, ngayon pa raw nahiya. Sige na. Ayyyyy! Talaga? Naku, e di wakwak ang pekpek mo?

Ha? Walang dyug? Hina mo naman. Dapat nagpadyug ka. Hala ka, baka magkakanser ka tulad ni madam. Tingnan mo, ilang milenyong walang titing naglabas-masok sa pekpek n’ya, ‘yan tuloy, kanser ang inabot. Oo, ganun daw ‘yon sabi sa komiks na nabasa ko. ‘Yong ibang mga madre nga, gumagamit daw ng talong. - ‘Te, bago lang kayo rito? No’ng isang hapon lang kita nakita. A, pinsan ka ni Ate Ditas? - Kaya habang may panahon pa, magpakangkang ka na rin nang di pamugaran ng uod ang matris mo.

E, di ‘wag kang maniwala. Bahala ka. Mahal ka d’yan. Gano’n ba ‘yon? Porke ba mahal mo ang isang tao, di ka na makikipagdyugdyugan sa kanya? Ang tanong, ikaw ba, mahal din n’ya? Talaga lang, ha. Pa’no mo naman nasabi? Gano’n lang talaga’ng mga lalaki. Sasabihin kung ano’ng gusto mo’ng marinig. ‘Yong jowa ko nga, lagi niyang sinasabing mahal daw niya ako, pero di ako naniniwala talaga.

Si bakla ba ‘yon? Oo nga, balikat pa lang, siyang-siya na. Aba, ang mahadera, nagmamaganda. –Hoy, bakla! ‘Yong utang mo bayaran mo na. Leche kang puta ka, ilang linggo na ‘yon, a. Umupa ka lang ng lalaking tsutsupain, e. Nagpatira ka na naman sa mga tambay d’yan sa kanto, ‘no? Pakialam mo kung balahura’ng bunganga ko. Kahit bastos ‘to, at least mabango, di tulad ng sa ‘yo, amoy bulok na tamod. Yak! O sige, basta bayaran mo ako bukas, ha. Kumusta mo ko sa nanay mo. Bakla, sabihin mo, magluto uli ng binagoongan. – Sarap talagang asarin ng baklang ‘yon. Okey lang ‘yon, gano’n lang talaga kaming mag-asaran.

Suwerte nila ng nanay n’ya, no? Mababait ang mga amo. Tingnan mo si bakla, pinag-aaral. Gradweyting na sa hasykul. Pagne-nursing-in din daw yata s’ya. Sa’n ka pa. At ang ganda kaya ng kuwarto nila. Oo, maluwang talaga. Tsaka presko. Nakita ko no’ng nagpunta ako do’n no’ng isang linggo. Sama ka sa ‘kin minsan, dalawin natin si bakla. At bukod sa marami silang panahon para magpahinga at mamasyal, mas malaki raw ang kinikita nila kesa sa atin. Leche, ‘yong sa akin nga, halos di na ‘ko makapagpadala sa Ilokos. – Wen manang, Ilokano ak met. Burgos ak. Sika ngay? Nagasideg gayamWen ngarud.

May lakad ka ba bukas? Punta tayo sa Cubao, nagpapabili kasi ng pantalon ang kuya ko. Maghahanap na naman daw ng trabaho. Kainis nga, e. Nabawasan na naman ipon ko. Natapos na kasi ‘yong dati n’yang trabaho sa konstraksyon. E, alam mo naman do’n, di ka talaga makakaipon. Kaya ‘yon, naghahanap na naman ng bagong mapapasukan. Sabi ko nga, mag-aplay na lang bilang janitor o gasoline boy. At least do’n, hindi masyadong delikado at permanente pa. E, sa konstraksiyon, kung di man siya mabagsakan ng mga kahoy o hollow blocks, baka ikamatay n’ya ang sobrang paglanghap ng mga alikabok.

Ano, tara. Nood tayo ng sine bukas. Tagal na rin nating di lumalabas. May maganda bang palabas ngayon? Ikaw, ano ba gusto mo? Ayoko ng bakbakan ha. Sumasakit ang ulo ko do’n. Sayang lang ang pera natin. Ay, alam ko na! Panoorin natin ‘yong kay Sam at Toni. Sige na. Nakakakilig ‘yon sigurado. Sobrang cute kaya ni Sam. Tsaka bagay talaga sila ni Toni.

Tara, isama rin natin ‘yong bagong katulong sa amin. Ay, di mo pa ba alam? ‘Kaw kasi, tagal mong di nagparamdam. No’ng isang linggo lang siya dumating.  Bagong salta siya rito sa Maynila, galing Leyte. No’ng unang gabi n’ya, iyak siya nang iyak. Muntik ko nang tarayan kasi ayokong nakakarinig ng mga atungal. Alam mo ‘yan, nanggigigil talaga ako sa mga ganyan. Pero hinayaan ko na lang. E, mukang nami-miss ang pamilya. Batang-bata pa kasi. Katorse. Naawa ako sa kanya kasi ganyang edad din ako no’ng una akong nagpunta dito. Halos gabi-gabi rin akong di makatulog sa kaiiyak. Inabot yata ako ng isang buwan bago nakapag-adyas. Ikaw rin naman, di ba? No’ng unang dating mo rito, pulang-pula ang mga mata mo ‘pag nagkikita tayo. Sabagay. Sanayan lang din yan. Ako nga, magwawalong taon na dito sa Maynila. Kinaya ko naman lahat. Ang sumuko, talo.

Ano, tuloy tayo bukas, ha. Walang atrasan. Nar’yan naman na’ng mga anak ni madam, sila na muna’ng mag-aalaga sa kanya. Magsama ka na rin ng iba para mas masaya. Si malanding Puring, gusto ko siya. Nagkakasundo talaga kami. Masayang kasama. Tsaka pareho kaming madaldal. No’ng minsang nagpunta kami sa Cubao, grabe talaga, ansakit ng tiyan ko sa katatawa. Komedyante rin ‘tong babaeng ‘to, ‘no? Ngek, wala raw siyang pera?

Ba’t kaya ganun, ‘no? Di na matapos-tapos ang paghingi sa ‘tin. ‘Te, pantalon. Anak, may sakit ako, kahit pambili lang ng gamot. Ninang, bertdey ko. Insan, pautang naman. Pati kaibigan ng kaibigan ng pamilya ko, nanghihingi ng kung anu-ano. Ano ako, donyang nahihiga sa diyamante? Gaga, di ako madamot, ‘no. Nagbibigay kaya ako sa kanila. Nakakainis lang talaga na walang natitira sa akin. ‘Kaw, ‘wag mong sabihing di ka naiirita pag pinupuntahan ka ng tatay at mga kapatid mo dito para manghingi ng pera. Eto pa, saktong sa katapusan saka nila tayo dinadalaw. Alam mo ‘yon? ‘Pag malapit na’ng suwelduhan, ayan na, ihanda na’ng bulsa. Kaya nga minsan, parang gusto kong magtago.

May dumaan na anghel. Ako, may problema? Ba’t mo naman nasabi? Wala ‘yon. Basta. Wala akong problema. May iniisip lang ako kaya ako natahimik. Ano ka ba, okey lang ako ‘no. ‘Wag mo ‘kong aalahanin.

Ikaw raw ang paborito ni madam? Sabi ni Puring. Suwerte mo, paborito ka. Malay mo, may makukuha ka palang mana. Kahit isang alahas lang ang ipamana sa ‘yo, okey na ‘yon. Sanasumipsip ka no’ng nalaman mong malapit na siyang mamatay. Dapat ipinapakita mong magaling at mabait at mapagkakatiwalaan ka. Para maisama ka sa, anong tawag do’n, last will… Oo, ‘yon nga. Pordyosporsanto ka d’yan. Malay mo naman, pamamanahan ka talaga. Ba’t ‘yong ibang mga katulong sa TV, nabibigyan ng mana?

‘Langyang jowa ko, nagteks na naman. Loko-loko talaga ‘tong unggoy na ‘to. Sabi: “Bakit mo ako binitin kung kailan kainitan at basambasa ako? – SINAMPAY.” Andami ko kayang natatanggap na ganitong teks. Pasahan kita mamaya, pag nagka-load na ‘ko. Eto, pinadala sa ‘kin kagabi. Di ko maintindihan, e. Sabi: “Time is gold and so are we. But only God can make a tree. Japan,Japan, sagot sa kahirapan. Land of the Rising Sun. Now as we sleep tight, don’t let the bed bugs bite. Remember to Just Always Pray at Night – Japan!” Di mo rin maintindihan? Ang labo, ‘no? Mukhang tanga.

Nakakabagot naman. Buti pinayagan kang lumabas. Mababaliw talaga ako ‘pag nasa loob lang. – ‘Te, eto’ng bote. Tsaka dalawang mamon na rin. Napanan na gayam ni Manang Ditas? Nagadayo met. Anya ti araramiden na idiay Masbate? A, kasdiay gayam. Kaano kano ti subli na? – Mamon, o. Ayaw mo? Ewan ko, bigla akong nagutom. Di kasi ako nakakain nang maayos kaninang umaga. Nagsusuka ako, e.

Uy, may sasabihin ako sa ‘yo. Pero sikreto lang natin to, ha. ‘Pag ipinagkalat mo sa iba, sasabunutan kita hanggang matuklap ang anit mo. Tatalupan din kita nang buhay ‘pag nagdaldal ka. Pramis? Pramis yan, ha. Papakulam talaga kita ‘pag idinaldal mo sa iba. Lika rito, baka marinig tayo ni ate.

Di ko sinabi sa ‘yo, pero, naaalala mo no’ng nag-bidyo-oke tayo sa bahay? No’ng wala sina mam at ser. Pagkaalis mo, dumating si ser. Lasing. Nasa kusina ako no’n. Lumapit sa akin. ‘Kala ko may iuutos lang. Nagulat ako no’ng yakapin n’ya ako. Kinabahan talaga ako no’n. Muntik na akong mapasigaw nang pisilin n’ya ang puwet ko. Tinakpan n’ya ang bibig ko. Nanlaban talaga ako, pero malakas talaga si ser. Sa tanda n’yang ‘yon, nagulat ako kasi ang lakas-lakas talaga n’ya. Natumba ako sa sahig. Ta’s pumatong siya sa akin. Ta’s ‘yon na. Sabi n’ya, ‘wag daw akong magsusumbong kahit kanino. Papatayin daw talaga n’ya ako ‘pag may nakaalam na iba. Seryoso s’ya.

Okey lang ako. Nasanay na rin. No’ng una, siyempre, naubos ang luha ko sa kaiiyak. Sino ba naman ang matutuwa na nireyp ka. Balak ko talagang isumbong si ser kay mam. Kaya lang, natatakot din kasi ako kay mam. Sa ugali n’yang ‘yon, baka kasi siya pa ang unang makapatay sa akin.

Pero, isang-isa na lang talaga, lalabanan ko na talaga si ser. Sisiguraduhin kong hinding-hindi na uli n’ya ako magagalaw. Magkamatayan man. Hoy, ‘wag mo nga akong titigan nang ganyan. Parang ako pa’ng lumalabas na kriminal, a. Isa na lang talaga, mapapatay ko’ng hayup na ‘yon. Kahit makulong pa ‘ko. Lintik siya.

Uy, sige, alis na ‘ko.  Mamamalantsa pa ako.

Saturday, January 3, 2009

Perfect Attendance


Perfect attendance. Never kong na-achieve ‘to no’ng nasa college ako. Sabi ko, e ano naman ang .25 na reward sa class card sa pagtatapos ng sem kumpara sa magdamagang laklakan ng gin pomelo (ito pa’ng uso no’n) sa dorm, movie marathon sa Film Center (Cine Adarna na ngayon), at sunugan ng baga with friends sa Sunken Garden (smoking zone pa ang UP no’n). Halimaw lang ang nakaka-perfect attendance.

Ganito rin sa trabaho. Kelan lang, in-award-an ang mge empleyadong may perfect attendance sa buong 2008. Ilan silang mga halimaw. Sila ‘yong never nag-absent (obviously), never nag-half day, never na-late, never nag-undertime, never nag-leave, at never gumamit ng offset. Isang taon. Imagine that, isang taon!

Sila ‘yong tipong ginagawa nang bahay ang office. ‘Yong di namamatayan ng mga kamag-anak. ‘Yong immune sa lahat ng uri ng sakit, kahit sipon at ubo. ‘Yong di immune sa sakit pero nagrereport pa rin sa trabaho kahit tumitirik na ang mga mata at mangisay-ngisay na sa pagdedeliryo. ‘Yong nagigising sa tunog ng alarm clock. 'Yong kayang hawiin ang mga pukenenang sasakyan sa EDSA a la Moses tuwing peak hours. ‘Yong walang barkadang nangingidnap. ‘Yong ginagawang cocaine ang trabaho at ikamamatay ang pag-absent. ‘Yong obsessed na maging Employee of the Year pandagdag bango sa resume.

Ang reward ng isang taong walang kupas na serbisyo sa kompanya? P10,000 plus certificate of recognition. Wow. Puwede na. Kapalit ng mahahalagang oras para sa sarili, pamilya, at kaibigan? Puwedeng-puwede. As in.

Thursday, January 1, 2009

All in the Spirit of New Year


Bagong taon na. I’m sure, mapupuno na naman ang blogosphere ng mga New Year’s resolution. Na malamang sa malamang, mabubulok lang sa basurahan. Nariyang magda-diet daw para sumeksi, pero mas malaki pa sa aparador ang katawan wala pang ilang buwan. Meron diyang ibang magtitipid na raw, pero ‘yon, nakikipag-hide-and-seek sa mga credit company one year later.

Di ko rin naman sila masisisi. Mahirap na kasing baguhin ang nakasanayan na, e. Kaya nga nag-aalangan akong gumagawa nito dahil mahirap mapapangatawanan. Sayang lang ang effort. Pero dahil gusto ko ng mga challenge, susubukan ko.

1. Maging social animal. Pramis, susubukan kong lumabas naman paminsan-minsan sa lungga ko at pumasok sa social circle. ‘Yong tipong um-attend sa mga Christmas at New Year party, family at high school reunion, night out ng mga kasamahan sa trabaho, inuman kasama ang mga pinsan, movie date with friends, children’s party, binyag, kasal, lamay at burol, at kung anu-ano pang pagtitipon na nangangailangan ng mga social skill – nang hindi tumutunganga sa isang sulok habang nag-i-strategize kung pa’no umeskapo o tumitingin sa relo para i-countdown ang pagtatapos ng pagtitipon. Wala naman sigurong masama dito, ‘no?

2. Dalas-dalasan ang pagsisinungaling. Lagi akong napapa-trouble ‘pag nagsasabi ako nang totoo. Inatake ng hypertension ang boss ko nang sabihin kong tinamad ako at natulog magdamag kaya di ako nakapasok sa trabaho. Matatalim na irap ang inabot ko matapos akong tanungin ng lola ng isang kaibigan kung masarap ba ang niluto niyang sinigang na hipon at sinabi kong kulang sa alat at asim. Di na ako pinansin ever ng ultimate crush ko nang komprontahin niya ako at tanungin kung ako raw ba ‘yong secret admirer na nagtetext sa kanya. Sabi ko, oo. Madalas ding mairita ang ilang mga kaibigan kung sinasabi ko ang tunay na dahilan kung bakit di ako makapunta sa lakad nila – tinatamad ako, ayokong bumiyahe, ma-polusyon sa labas, ayoko ng maingay, ayokong malasing, mabo-bore lang ako, etc., etc. Kaya para iwas-gulo, mas mabuti pa sigurong praktisin ko na ang pagsisinungaling. Tutal, marami namang nabubuhay sa kasinungalingan.

3. Makinig sa mga kuwento ng kausap. Iniiwan talaga ako ng kaluluwa ko ‘pag kinukuwentuhan ng mga kuwentong mala-Biag ni Lam-ang ang haba. ‘Yong tipong nagkakakalyo na ang leeg at batok mo sa pagtango para lang masabing nakikinig ka. Susubukan kong makinig talaga. Pagbigyan ang kausap. Sige, susubukan kong maging sponge para makatulong sa kapwa kahit pa’no sa paglalabas ng kanilang mga sama ng loob, excitement, takot. Para mapaghugutan na rin ng mga materyal para sa blog.

4. Bawas-bawasan ang pagiging nega. Hindi ko na iisiping baka magkaroon ng super typhoon ‘pag namamasyal sa mga probinsiya. Hindi ko na iisiping baka mahulog ang sinasakyan kong ordinary bus sa mga fly over sa EDSA. Hindi ko na iisiping baka salpukin ng eroplano ang building na pinagtatrabahuan ko. Hindi ko na iisiping baka laman ng tao ang sahog ng lugaw na kinakain ko sa isang turu-turo sa Taft. Hindi ko na iisiping baka mamatay ako sa yosi. Hindi ko na iisiping baka hindi ako magustuhan ng crush ko. Hindi ko na iisiping si Mama lang ang nagsasabing pogi ako. Hindi ko na iisiping kakornihan at katangahan ang ma-in love.

5. Maging kamukha ni Gael Garcia Bernal at kasing-katawan ni Matthew McConaughey.Papatayin ko sa panghihinayang ang lahat ng umayaw sa akin dahil hindi ako magandang lalaki (well, wala lang siguro sa uso ang hitsura ko). Regular akong magpapaderma for that poreless, whiteheadless, blackheadless, spotless, oil-free facial skin. Wala nang hiya-hiya ‘to, pero bibili ako ng mga vanity product. Kung di kakayanin, bibisitahin ko si Belo (kelangang pag-ipunan ‘to). Magpapa-body scrub ako para pumuti ang mga kasingit-singitan ng katawan ko. Mag-e-enrol ako gym. Palilitawin ko ang mga pandesal sa abs ko, patitigasin ang dibdib at puwet, at iwo-work out ang braso, hita, at binti. Ewan ko lang kung walang maglaway sa akin.

Ayan. Marami pa akong gustong idagdag pero ito na lang muna. Kung mapangatawanan ko ang mga nasa listahan, e di maganda. Kung hindi naman, sorry na lang. 

Monday, December 29, 2008

Eto'ng Nakapanggagalaiti/ Nakakainis/ Nakapanghihinayang


Magsusulat ka ng blog tungkol sa masquerade ball ng kompanya na ayaw mong siputin no'ng una dahil required kang mag-dress to the nines, magsuot ng maskara to go with the theme, at dahil may naka-schedule kang labing-labing with special someone that night pero nag-decide ka pa ring manghiram ng maisusuot na formal wear, suungin ang swarm ng mga tao sa Divisoria para magpa-customize ng Joker-style mask, at i-reschedule ang labing-labing dahil umasa kang mananalo ka sa pa-raffle ng ref at washing machine at para sa Christmas basket na 'yong tipong ipinamumudmod sa mga nasalanta ng bagyo, baha, landslide, mudslide, sunog na magagamit mo sa Pasko, na wala rin namang nangyari in the end (maliban sa nakailang beses kang nagpabalik-balik sa buffet table at libreng beer) dahil hindi ka nanalo sa minor at major raffle draws samantalang halos lahat ng ka-share mo sa table ay natawag, dahil sa susunod na linggo na raw ibibigay ang basket, at dahil di ka na nakahabol sa labing-labing with your special someone na nagtampo sa 'yo - at magka-crash ang browser at hindi na ma-recover ang ilang paragraph na isinulat mo.

Tuesday, December 23, 2008

My Wish List



Shet, Christmas na pala bukas. Di ko man lang namalayan. Ayos na rin 'yon. At least wala na akong time para magpaka-Scrooge. At least wala na akong makakabangga sa pagiging nega ko. At least matatapos na rin ang season ng nakaririnding “Merry Christmas Happy new Year” batian, puwersahang pag-attend sa mga company Christma party, pagbigay ng Christmas basket aka relief goods, plastikan sa mga reunion, traffic, at walang habas na pag-shopping ng mga taong wala namang pambili pero sige pa rin sa pagbili dahil sa dikta ng consumerism.


At sa wakas, matatapos na rin ang panahon ng paggawa ng mga kalokohang wish list. Kalokohan para sa mga walang pambili. Kalokohan para sa mga taong kunwari aksidenteng naipabasa sa mga kaibigan/kamag-anak/jowa/kajugjugan ang listahan. Kalokohan para sa mga nagpapauto at tumutupad sa mga wish ng gumawa ng litahan.


Since may wish list na halos lahat ng kakikalala ko, sige, makikiuso na rin ako. Try ko lang. Di naman siguro ako mamamatay.


1. Sleeping quarters sa office.
My gahd, it's about time. Night shift ako at di naman required sa work ko ang real time interaction sa clients. Sabi sa isang study, mas nagiging productive daw ang isang employee kung nakakanakaw ng isang oras na tulog during work hours. Mas mataas daw ang risk for stress and depression and heart problems kung walang tulog. No wonder mukha na akong zombie.


2. Maraming-maraming pintura.
Ayos lang kahit 'yong di mamahalin. Kelangang-kelangan ko lang kasi. Pipinturahan ko lang ang mukha ni Bayani Fernando sa mga poster sa EDSA. 'Yong sobra, ibubuhos ko sa mga pulitikong umeepal sa pagbati ng “Happy Holidays” sa mga tarp.


3. Metal spikes.
Perfect para sa mga taxi driver na may kakupalan sa pagtanggi sa mga pasahero. Perfect din para sa mga FX na may rutang MRT-Novaliches na hindi pa rin nagbababa ng singil sa pasahe.

4. Packaging tape. Kelangan ko nang marami. Ipantatakip ko lang sa bunganga ng landlady ko, ng isang kakilalang wala nang ginawa kundi magkuwento nang magkuwento nang magkuwento nang magkuwento kung pano siya tinitira ng jowang may jowang iba, at ng tindero ng lutong-ulam sa Tandang Sora na madalas akong daldalin tungkol sa mga exploits niya sa mga babae.

5. Samurai. Matagal ko na kasing gustong mamugot ng ulo. Maraming nakapila sa listahan ko ng “Decapitation Galore”. Isa na 'yong bitchesa dito sa office na nagpa-pop-out ang mata na di naman kagandahan.

Ito lang ang mga naiisip ko sa ngayon. Kung meron kayo nito, ibigay ninyo na sa akin. Now na.

Monday, December 15, 2008

Pamatay na Quotable Quotes ng mga UP Prof


I love UP profs. May character talaga. Ang sakit sa ulo. Haha. Got the following UP professors' quotable quotes here:


"The aim of policy making is to invoke action! Because action speaks louder than words! You do not just say I love you. You say: If you love me, enter me! " - Dr. Alfonso Pacquing


You may wear anything you want to wear. People are not supposed to be judged by the clothes they wear. Thus, wearing the latest fashion or one that belongs to the fashion archive does not really make a difference. Just make sure that you have the right to wear it. Spare the class of the agony of having to look at your clothes, no matter how good or sexy you think you are in that outfit, if reality tells otherwise. - Sir Quilop, Polsci


Valentines day: Ano ba yan? Students ba kayo ng UP? Bakit ang bababa ng scores niyo? Siguro wala kayong date ngayong valentines kaya ganito kayo. Losers!!! When I was your age I had a date. Hindi ba naapektuhan ng UP FAIR euphoria ang grades niyo? Parang di kayo masaya. (sabay tapon ng quizzes sa sahig). I won't record this. Go find a date. (sabay walk out.) - Sir Doliente, BA.

"I don't give surprise long exams. all exams are announced. Halimbawa, Class, mageexam tayo, NGAYON NA!" - Ma'am Chei

"Oo, nagpapaulan ako ng uno... baket? Aanhin ko ba nun? Di naman ako yayaman dun." - Atoy Navarro, Hist I

"Don't take the BAR and yourselves too seriously. Baka mabalitaan nalang namin na nag-o-oral summation kayo sa Luneta. O lumulutang-lutang sa Pasig River. Enjoy yourselves, relax, and read at least 15 hours a day. Nakakabobo ang sobrang tulog. Mag-relax ka habang nagbabasa. Magrelax habang nagmi-memorize."


"Baka naman kasi mababa ang IQ mo kaya di mo maintindihan." - Jun Cruz Reyes, Malikhaing Pagsulat


''Alam ko ang psychology ng aso.” - Jun Cruz Reyes, Malikhaing Pagsulat


Student: Ma'am, pwede po bang next week na kami mag report?

Prof: Alam mo, God is good. And I am God. So yes, pwede next week.

"Hoy girls, wag kayong kukuha ng boyfriend dito sa UP. Pare-parehas tayong mahirap dito. Kumuha kayo ng mayaman. 80% of the child's intelligence comes from the Mother naman eh. Kayo guys, wag kayo kukuha ng bobong babae. Kahit matalino kayo, magiging bobo

anak niyo."


"Class, kaya mahal ang bayad sa mga professors sa ibang school kasi ang bobobo ng mga estudyante dun. Dyuskoh, I used to teach there, at lumuluha talaga ako ng dugo bago maintindihan ng mga students yung sinasabi ko. Ang mahal nga ng bayad, magkakasakit ka naman sa panga kakaulit ng lessons! Wag na lang! Dito na ko sa UP, at least nagkakaintindihan tayo. Di ba?"


Putang ina. Mas magaling pa akong magsulat nung nasa kinder ako kesa sa inyo.” (Sabay balibag ng mga libro at walk-out) – Art Studies prof


2nd to the last meeting: “Okay class, next week, we start the lecture proper.” - Ma'am Vitriolo

"Hindi mahirap makakuha ng UNO sa class ko. Yung gumradweyt last year na Magna Cum Laude ng Biochem, uno siya sakin sa Chem 18" - Ma'am Ilao

"I'll strangle you, strangle you really hard, smack right in your jugular (Pause ng mga 5 seconds). You do know where your jugular is?"

Ano bang natapos mo? Italian 8? Punyetissima!" - Sir Tiamson, Italian 11

Marx is more Christian than Christ and Christ is more Marxist than Marx.” - Sir Lanuza.

Student: Sir, sa exams po ba nagbibigay kayo ng partial points?

Prof: Hmm, if I see partial wisdom.

Prof: Did I remind the class last meeting that we're going to have an exam today?

Class: (dead air)

Prof: Ok, it seems I forgot to remind the class that we're going to have an exam today. I'm giving you five minutes then to buy a bluebook. We're going to have an exam today.

The one who wrote this story, yes, Nick Joaquin, I seduced him before... when this (points at her breasts) thing were more beautiful than it appears now. Well, hindi natuloy. Is Nick Joaquin gay?” - Humanities prof


I'm attending a mass in time for the holy gospel, and leave the church as soon as i finish the holy communion. grand entrance and early exit are important, why, I'm a star!" - lady prof