
1. Kung dati-rati’y nakukuha sa palakad-lakad lang sa Sunken Garden ang pag-shed sa mga unwanted pound, ngayon, kahit mag-marathon pa mula Quezon City hanggang Isabela, walang nagyayari.
2. Bawal ang kalendaryo sa loob ng bahay.
3. Nagingiti ‘pag naririnig sa iPod ang “Mmmbop” ng Hanson at “Get Down” ng Backstreet Boys
4. Sumasakit ang singit pagkatapos mag-lampaso sa bahay. Minsan, napa-paralyze sa pagod. Minsan, nako-coma.
5. Nag-iipon ng pambili ng mga anti-wrinkle cream, anti-aging moisturizer, neck at face lifting cream, at iba pang mga produktong kontra blotches, age spots, at fine lines.
6. Nagsisimula nang dalawin sa panaginip ng mga baboy na nilamon, yosing hinithit, at alkohol na nilaklak.
7. Sexual desire drops. Grrrr..
8. Madalas paglaruan ng mga duwende. Bigla na lang nawawala ang mga gamit. Bigla ring lilitaw.
9. Lahat, inirereklamo: kung bakit lasang plastic ang carrot, kung bakit walang buko sa fruit salad, kung bakit si KC ang gaganap na Vivian sa “Lovers in Paris” Pinoy version, kung bakit mapait ang buwakanang inang beer, kung bakit humi-hello ang buhok sa ilong ng kausap, etc.
10. Pumopogi. Seryoso
Thursday, March 12, 2009
10 Early Signs of Aging
Posted by
Tonton
at
2:14 PM
4
comments
Labels: aging, backstreet boys, hanson, kc concepcion, signs of aging
Wednesday, March 11, 2009
Wala na bang Gentleman Ngayon?
North Avenue Station. Unahan ang mga puwet sa pag-upo. Balyahan kung balyahan. Minalas ang sa ‘kin at kalahati lang ang nakaupo. Bad trip.
Quezon Avenue Station. Ilang puwet pa ang nagnasang makaupo. Dalawang aleng may kasamang bata ang pumuwesto sa harap ko. Pumikit ang mamang nasa dulo. Walang balak ibigay ang upuan. Tumayo ang katabi ko at pinaupo ang mas matandang babae. “Hay salamat,” sabi niya. Kinalong niya ang bata. Sa tapat niya tumayo ang kasamang babae. Panay ang tingin sa akin. Umaasa yatang gentleman ako. Tiningnan ko lang siya at lalong isiniksik ang puwet sa kinauupuan.
Cubao Station. Bumukas ang pinto. Walang pakundangan ang mga pasahero sa pagpipilit na ipasok ang katawan sa train. “Aray ko naman!” reklamo ng dalagang di ko alam kung naapakan ang daliri sa paa o nalamas nang mariin ang suso. Tatlong babae ang pumuwesto malapit sa akin. “Wala na bang gentleman ngayon?” tanong ng aleng katabi ko sa kasama niya. Pasaring na rin sa ‘kin to at sa iba pang mga lalaking nakaupo.
Gusto kong sabihin, “’Nay, di porke babae kayo, pauupuin na namin kayo. Ano kayo, sinisuwerte? Nauna ako sa puwesto, so manigas kayo. Pareho lang tayong nagbabayad. Kung pagod kayo, pagod din ako.”
Nagtulug-tulugan lang ako.
Bulong naman ng kasama ng aleng katabi ko (na narinig ko dahil wala naman talaga siyang balak sarilinin ang reklamo), “Grabe na talaga ang mga lalaki ngayon.”
Nangangati akong sabihin, “Ano bang nirerekla-reklamo mo diyan? Humihingi kayo ng equality, at sinasabi ninyong di kayo mahina, bakit di ninyo pangatawanan ‘yan? O baka naman ginagamit mo ang pagiging babae mo para makuha mo ang gusto mo? Sorry, ale, pero di uubra sa ‘kin ang ganyang modus operandi.”
Binasa ko na lang ang ilang tulang isinalin sa Filipino na nakapaskil sa MRT para mahupa ang kumukulo ko nang dugo.
--------------------------------
Ang nakakainis pa sa MRT, bakit kailangang ihiwalay ang mga babae sa mga lalaki. Okay, fine. On the one hand, disadvantaged ang mga babae dahil nasususugan ang mapangbansot (haha, very tibak) na tingin sa mga kababaihan bilang kasarian na mahina at dapat protektahan. On the other hand, disadvantaged ang mga lalaki dahil maraming babae ang nagpupunta sa puwesto ng mga lalaki, therefore, mas masikip. Sige, sundin natin at pangatawanan natin ‘yang segregation na ‘yan. Kung hindi tumatanggap ng mga lalaki sa women’s area, dapat hindi rin tumatanggap ng babae sa men’s area. O bakit hindi na lang tanggalin ang tanginang hindot na segregation na ‘yan?
Posted by
Tonton
at
6:16 PM
4
comments
Labels: chivalry, gender issues, gentleman, MRT
Monday, February 2, 2009
Sa Joy, Tunaw ang Sebo!
Kanina lang niya sinimulang uminom ng diet pills. Diet pills na nagpapatuyo ng lalamunan. Para laging mauhaw. Para dumalas ang pag-inom ng tubig. Para madaling mabusog. Para mawala ang appetite sa pagkain ng paboritong shawarma rice with matching ham and egg. Para laging lumobo ang pantog. Para maya’t maya, umiihi. Para tayo nang tayo. Para lakad nang lakad papuntang CR na 25 metro ang layo sa kinauupuan. Para ma-burn ang unwanted fats. Para mawala ang umaalog-alog na bilbil sa tiyan na nagkapatung-patong, salamat sa Pasko at Bagong Taon. Para lumiit ang brasong dati’y singkartada ng kay Beyonce na ngayo’y mukhang higanteng brazo de mercedes. Para lumitaw ang matagal nang nagtatagong collar bones. Para maging muling maging kasipol-sipol ang legs na ginagapangan na ng varicose veins at cellulites.Para makapagsuot na ng two-piece swimsuit sa beach. Para ma-discover at maisakatuparan ang pangarap na maging commercial model. Para mai-display sa mga billboard sa kahabaan ng EDSA ang 35-23-35 na katawan. Para maibenta ang mga produktong pampapayat/ pampaganda/ pampalasing/ pampalibog sa mga taong umiidilo sa kanya at hanga sa kanyang success story. Para lapitan ng mga bossing sa film industry. Para maging isang sikat na artista. Para makapareha si Piolo. Para mapangasawa si Piolo. Para makagawa ng maraming-maraming pelikula. Para maging Diamond Mega Superstar of all Season (Di lang Star of the New Decade).
Para masabi ang “Di kita kilala!” sa mga taong ngumudngod sa kanya sa putikan. Para tirahin at siraan ng press. Para maubos ang movie at commercial offer. Para iwanan ni Piolo. Para ma-depress. Para kumain nang kumain ng shawarma rice with ham and egg. Para bumilog ang mukha. Para mawala ang leeg at magtago ang collar bone. Para kumain pa ng maraming-maraming pagkaing nag-uumapaw sa transfat. Para maging mala-troso ang hita’t binti. Para muling katakutan ang brasong sinlaki ng paa ng elepante. Para mabalutan ng taba ang puso. Para mamatay.
Pero sa ngayon, tiis muna sa maya’t mayang pag-inom ng tubig at pag-ihi. (Ang payo ko, maligo ng Joy dishwashing liquid para tunaw ang sebo. Guaranteed!)
Posted by
Tonton
at
1:28 PM
3
comments
Labels: body image, diet pills, entertainment, joy dishwashing liquid
Friday, January 30, 2009
Open Letter sa mga Adik sa Pagbabate
Posted by
Tonton
at
7:10 PM
2
comments
Labels: bate, masturbation
Sunday, January 25, 2009
Ramdam na Ramdam Na
Si June. Pulang-pula na’ng mukha. Hindi na maibuka ang talukap ng mata. Nakangisi. Ngising di malaman kung nangmamanyak o nang-iinis o wala lang. Nakasandal sa monoblock chair. Si Brian. Dinedemostrate kung pa’no kinantot ang girlfriend sa loob ng isang kuweba sa Rizal. With matching ooohhh…aaahhh…ooohhh. Bidang-bida ang pakiramdam. Si Chely. Pudpod na ang mga daliri sa katetext. Parang nilukot na papel ang mukha.
Posted by
Tonton
at
10:50 AM
4
comments
Biyaheng Quiapo Papuntang Langit
My first attempt at writing erotica. I still have a lot to learn.
Biyaheng Quiapo Papuntang Langit
Kagat-labing pinagpapantasyahan ni Mel ang diyosang halos kita na ang kaluluwa sa tuktok ng isang gusali sa tapat ng Quiapo Church. Simputi at singkinis ito ng iba pang mga nagrereyna-reynahan sa kahabaan ng mga kalsada sa Maynila. Silang mga diyosang nakabuyangyang ang katawan, nagpapaligsahan sa pang-aakit sa mga motorista.
Hanep sa katawan. Pamatay.
Kating-kati na si Mel na sibasibin ng halik ang nangingintab na labi ng babae, panggigilan ang utong na bumabakat sa bra nito, at dilaan ang puking nagtatago sa manipis na panty. Lalong sumidhi ang pagnanasa ni Mel nang kindatan siya ng mapang-akit na diyosa. Sa rurok ng kalibugan, kulang na lang ay akyatin ni Mel ang higanteng kuwadrado, magsalsal, at mantsahan ang “Bench” na nakatitik sa kuwadrado.
“Manong, anong petsa tayo lalarga? Kanina pa tayo nakaparada rito, a,” pagtataray ng baklang abot langit ang taas ng kilay. Parang sinabuyan ng tubig ang nagbabagang kaligayahan sa pagitan ng mga hita ni Mel.
Alas dose na pala. Maaga pa akong mamamasada mamaya.
Pinaharurot ni Mel ang kalawanganing jeep. Nakapinta Sa itaas ng windshield ang mga pangalang “Lengleng” at “Junjun” at sa tapalodo ay nakatitik ang “God Bless Our Way”. Nangungupas na ang pintura sa sahig ng jeep. Kulay dilaw ang nababakbak nang bubong, pula naman ang butas-butas nang upuan. Nanlilimahid na rin ang kurtina sa tabi ni Mel. Isang bahin lang, tiyak, bibigay na ang jeep.
“Please lang, marami pa akong pangarap sa buhay,” irap ng bakla nang paspasan ni Mel ang takbo ng sasakyan.
Walang imik si Mel. Nagmamadaling makauwi nang maihiga na ang katawang maghapong tinagtag ng biyahe. Kating-kati na rin siyang iligo ang mga libag na namuo sa singit-singit ng kanyang katawan dala ng pinagsama-samang usok, alikabok, at pawis. Kulang na lang ay lumipad siya pauwi nang maipagpag na ang kunsomisyong dulot ng makalusaw-pasensiyang trapiko, pasaway na motorista, at mga pasaherong walang konsepto ng pagbabayad.
“
Sa wakas, makakauwi na rin ako.
Tatanggalin na
Panakaw na hinagod ng tingin ni Mel ang katawan ng katabi. Napangiti siya nang mapansing may kaliitan ang suso nito. Di hamak na bubot kumpara sa nagmumurang suso ng mga modelong araw-araw niyang pinagbabatehan.
“Friend, mami-miss talaga kita. Wala na akong kakulitan sa shift natin. Alam mo ‘yon, ikaw lang ang nakakaharutan ko,” sabi ng dambuhalang babae habang nagkakalkal ng barya sa bag.
“Ha’mo, pag endo ka na rin, sabay tayong mag-aplay sa SM. Chika sa ‘kin ng pinsan ko, bukod sa mas maraming guwapo, mas malaki raw ang kita do’n.”
“Pustahan tayo, may kalyo na ang pisngi ng pinsan mo sa maghapong pagngiti sa mga kostumer. Si ate nga, matapos magtrabaho sa SM, ang mga ugat sa paa, diyosmiyo, puwede nang anihin at ilako sa palengke.”
Pangisi-ngisi si Mel habang pinakikinggan ang walang prenong kuwentuhan ng dalawang pasahero. Naranasan na rin kasi niyang magtrabaho sa isang department store. Hindi naman nangalyo ang pisngi niya sa kangingiti, napudpod lang ang lalamunan niya sa walang humpay na pagdedemo sa isang magic kutsilyo. Kutsilyong kayang humiwa ng prutas, karne, plastik, kahoy, semento, bakal, bato. Muntik na ring maputulan ng daliri si Mel nang mapagkamalan niyang okra ito. Dala ng matinding pagod. Nang ma-endo, ginamit niya ang jeep na iniwan ng kanyang kuyang nakipagsapalaran sa
Tuloy ang dakdakan ng dalawang babae.
“Uy, kumusta na kayo ng boyfriend mong pinaglihi sa titi? Bati na ba uli kayo ng gagong ‘yun?” usisa ng babaeng nagmamantika na ang mabilog na mukha.
“Hayup siyang hindot siya, wala siyang kuwenta.”
“Dapat lang, ‘no. Kung ako rin ikaw, naku, hihiwalayan ko rin ‘yang hinayupak na ‘yan. Sa ayaw mo pang magpatira, e. ‘Yun lang talaga ang habol sa ‘yo ng gagong ‘yun.”
Hayup, birhen pa pala.
Napansin ni Mel na unti-unting umuusog palapit sa kanya ang katabi. Hanggang sa magdikit ang kanilang mga balikat. Muling nagningas ang libog sa katawan ni Mel. Bahagya siyang napa-aray nang mahatak ng sabik na sabik niyang titi ang makapal niyang bulbol. Sige pa rin sa pagratatat ang dalawang babae. Sumimple si Mel sa pagkambiyo kay manoy. Nahuli niyang nakatingin sa kanya ang katabi. Agad na inilabas ni Mel ang kamay sa basketball shorts. Pakiramdam niya, nahuli siyang nagsasalsal ng kanyang ina. Nginitian siya ng babae. Tulirung-tuliro si Mel.
Ayos, to. Jackpot ka, Mel.
Sa SM North bumaba ang babaeng sa isip-isip ni Mel ay refrigerator na dinamitan, sinapatusan, at minake-up-an.
Binagalan ni Mel ang pagpapatakbo sa sasakyan nang makasama pa nang matagal ang naiwang pasahero.
Ipinusod ng babae ang kanyang buhok. Lumitaw ang mahaba at mabuto niyang leeg. Pinagpag niya ang alikabok sa blouse at in-adjust ang strap ng bra. Namungay ang singkit na mata ng babae at nginitian si Mel. Napalunok siya sa ginawa ng babae. Pinahid niya ng nanlilimahid na Good Morning towel ang pawis sa kanyang leeg.
Tangna, Mel, makaka-iskor ka.
Nataranta si Mel sa sumunod na ginawa ng dalaga. Walang kagatul-gatol na sinapo nito ang harapan ng lalaki. Pinisil niya ang kargada ng tuliro nang si Mel. Gumewang-gewang ang andar ng jeep.
Aligagang ipinarada ni Mel ang jeep sa isang madilim at di mataong sulok ng
“Aray naman, dahan-dahan lang.”
Hinubad ng babae ang blouse at bra. Hindi makapaniwala si Mel sa nangyayari. Nang mahubad ng babae ang dapat hubarin, nanlaki ang mga mata ni Mel. Agad niyang dinalahirot ng kanyang dila ang kambal ng dalaga. Parang sanggol si Mel na ilang buwang di pinasuso ng ina. Napakagat ng labi ang babae. Pumikit siya nang mariin at dinama ang kuryenteng (ilang boltahe rin) dulot ng paglalaro ng dila ni Mel.
“Ganyan lang. Ang sarap,” singhap ng babaeng mabaliw-baliw na sa sarap.
Lalong ginanahan sa kanyang ginagawa si Mel. Hinimas-himas niya ang hita ng babae. Inililis niya ang palda saka idinantay ang nanginginig na palad sa maumbok na puki ng babae. Napaungol nang malakas ang babae nang pagapangin ni Mel ang mga daliri sa loob ng magaspang na panty. Agad na hinanap ang basang-basa nang puki at hinimas ang tinggil. Hindi maipinta ang mukha ng babae sa langit na nadarama. Napalakas ang halinghing ng dalaga nang igiya ni Mel ang daliri sa hiwang kumikibut-kibot. Ibinuka niya ang kanyang mga hita at nagpaduyan sa ikapitong glorya.
“Aaaaaaa.” Umagos ang malagkit na likido mula sa kapirasong karne.
Humihingal na ibinaba ni Mel ang basketball shorts at ang basang-basang brief hanggang tuhod. Umigkas na parang spring ang titi ni Mel. Pigil sa pagtawa ang dalaga. Paano kasi, kung palakihan at patabaan ang labanan, kakain ng alikabok ang alaga ni Mel (pagtabihin ang pentel pen at lapis). Gayunpaman, matikas ito at parang sundalong handang sumabak sa digmaan sa Mindanao, sa
Napakapit nang mariin sa manibela si Mel nang hagurin ng dila ng babae ang katawan ng kanyang titi at paglaruan ang ulo nito. Umunat ang kanyang binti at nanigas ang mga daliri sa paa. Muntik pang pulikatin. Sa pagkakataong ito, mas pipiliin pa ni Mel na makipagtalik na lang buong araw, jingle lang ang pahinga, kaysa mamasada maghapon at kumita nang kakarampot.
Hindi magkamayaw si Mel sa pag-iskrima ng babae sa kanyang kaselanan. Kung may paligsahan ng pagmumura, tiyak, panalo si Mel. Lahat na yata, minura na niya. “Tanginaaaaa!” “Putang amaaaaa!” “Tangna mo, Gloriaaaaa!” Maging ang mga pasaway na pasahero, mga kotong cop, baku-bakong kalsada, at mga santa santita sa
Pumatong ang babae sa kandungan ni Mel. Nagtataka ang lalaki sa ipinamamalas na agresyon ng babae, gayung kanina lang ay narinig niyang birhen pa ito. Pero walang pakialam si Mel. Para sa kanya, ke birhen o hindi, ayos lang, pekpek pa rin. Kulang man sa sampung paligo ang babaeng kajugjugan niya kumpara sa mga naggagandahang babae sa tuktok ng mga gusali, ayos lang para kay Mel. Kipay pa rin ‘yon.
Lalong naulol sa sarap si Mel nang gumiling ang babae. Nariyang sapuhin niya ang suso nito, lamutakin ang puwet, ipulupot ang mga kamay sa balakang nito, at sabunutan ang sarili. Kulang na lang ay kuyumin niya ang rosaryong nakasabit sa harap ng sasakyan. Napahiyaw si Mel nang pumulandit sa kaloob-looban ng dalaga ang tamod niya. Nalukot ang kanyang mukha. Kung sinu-sinong diyos ang minura ni Mel sa grasyang natanggap. Nagtakip ng kanyang tenga ang dibuho ni Santo NiƱo sa tagiliran ng jeep. Naeskandalo sa pinaggagagawa nina Mel.
Sa wakas, natapos ang sinimulan. Tuluy-tuloy, walang hadlang. Kabaligtaran sa sistemang kontraktuwal, putol-putol, ang nasimulan ay di natatapos. Kung puwede lang sanang anurin ng rumaragasang dagta ng dalawang nilalang ang problemang kinakaharap nila bilang mga aliping lublob sa balon ng paghihirap, gayung nagdurugo sa umagatanghaligabing pagkayod.
Lantang gulay si Mel matapos ang umaatikabong bakbakan. Nanginginig pa rin ang pagal na katawang kanina lang ay mayupi-yupi na sa pamimilipit. Tahimik namang nagbibihis ang babae. Nakanganga lang sa kanya si Mel. Nginitian siya ng dalaga.
“First time mo, ‘no?” tanong ng babae.
“Pareho lang tayo,” nahihiyang tugon ni Mel, hindi makatingin nang diretso sa babae.
“Hindi rin,” pilyang ngisi ng babae.
“Ha, ‘kala ko ba birhen ka pa? Narinig kong pinag-uusapan n’yo kanina.”
“A, ‘yon ba? ‘Yong boyfriend ko kasi, gusto akong kantutin sa puwet. E, ano ako, sira?”
Natulala si Mel sa tinuran ng babae. Hindi niya akalaing birhen sa puwet pala ang babae.
“300 na lang,” sabay hablot ng babae sa kaha at binilang ang perang pinaghirapang kayurin ni Mel sa pamamasada. “May discount na ‘yan. Mukha ka kasing mabait.” Agad ding isinoli ng babae ang kaha nang makuha ang kailangan.
Bagsak ang panga ni Mel hanggang hita.
“Sa ganitong panahon, kailangan kong mamukpok nang mamukpok. Giyera kung giyera,” isinuksok ng babae sa kanyang bag ang tatlong daang piso.
Napapakamot ng ulo si Mel habang nakatitig sa natitirang barya sa kaha.
“O, siya,
Nanlalatang pinalipad ni Mel ang karag-karag na jeep.
Posted by
Tonton
at
9:23 AM
4
comments
Labels: erotica, erotika, first time sex, literotica, literotika, sex
Monday, January 19, 2009
Big Brother sa Opisina
Pwede naman na sigurong mag-blog, no? Wala naman na akong ginagawa dito sa opisina, since tapos ko na lahat ng trabaho ko. Sinobrahan ko pa sa quota para walang masabi ang kliyente namin. Alangan namang tumunganga lang ako. 'Yoko na rin namang magyosi kasi makapal na'ng dila ko at masakit na sa lalamunan. Di naman ako nakapagdala ng libro kaya walang mabasa. Di rin naman ako pwedeng mag-surf sa Internet kasi may matang nakamasid. Yup, under surveillance ang PC ko. Last week lang nilagyan ng monitoring software. Para raw namamanmanan nila ang mga aktibidades namin. Para raw ginagawa namin ang trabaho. Classic panopticon 'to. E, pano 'pag tapos na ang mga kelangang tapusin? Di naman pwedeng matulog dahil bawal. Sinasabi nilang magiging mas productive daw pag laging minomonitor. E, lalo nga akong bumagal nang lagyan nila ng espiya ang PC ko. Writing job pa naman 'to. Di nila naiintindihan na 'pag inaagiw ang utak mo at magdugo ang ilong sa kapipilit na may maisulat, kelangang may diversion. Ang diversion ko dati, magbasa-basa ng mga blog, magpost sa mga forum, makipagchat sa YM, at manood ng mga clips sa Youtube. Dahil do'n nawawala ang katigangan ng utak ko. E, ngayon, di na raw pwede 'yon. Sinubukan ko minsang mag-surf. Tapos na kasi ang trabaho ko. Kinabukasan, sinabihan ako ng staff ng IT na kitang-kita raw nila LAHAT ng logs ko. LAHAT. Siyempre natakot ako. Nababasa raw ang usapan sa chat, pati ang mga username at password ko sa Yahoo, Gmail, at Blogspot. Grabe. Pordyosporsanto. Super violated ako. Malamang binabasa/babasahin nila 'tong sinusulat ko ngayon. Exciting to.
Posted by
Tonton
at
1:46 PM
5
comments
Labels: big brother, panopticon, workplace surverillance